Tumambad sa kan'ya ang malalaking numbers na; 99.9999999999% nagmatch ang DNA nila ni Nathaniel at iisa lang ang ibig sabihin nito. Si Nathaniel ang inakalang anak nila na nasunog ni Hannah sa ospital dalawampu't pitong nakakaraang taon na. At siya rin ang batang nakilala niya noon. Naalala niya na nagtrabaho dati sa kan'ya ang Mama Gillian nito. Kaya pala kapag nakikita niya ang bata naalala niya ang sarili dito at lalo ngayon para silang pinag biyak na bunga noong ganyan ang edad niya. Masayang masaya si Drake sa kan'yang nalaman. Nagmamadali siyang nag drive pauwi ng Mansyon at gusto niyang ibalita agad sa asawa ang kan'yang nalaman. Pinaharurot niya ang kan'yang sasakyan hanggang sa makarating siya ng Mansyon. Nawala ang excitement niya ng hindi siya pansinin ng asawa. Tila may sumpong