"Let us all welcome Mr. Nathaniel Benitez, my future son in-laws. Cheers!" wika ng Daddy ni Savannah na ikinagulat nilang dalawa. Nayanig ang mundo nilang dalawa sa narinig. Ni hindi nga sila mag boyfriend at girlfriend pa tapos kasalan na agad ang gusto ng Daddy niya. Gusto niyang sawayin ang Daddy ni Savannah kaso nakita niyang masaya si Savannah ng oras na 'yon at ayaw niyang sirain ang moment nito. Mamaya na lang niya tatanungin ito kong may alam nga ba siya sa mga nangyayari. Pero, sa reaksyon pa lamang nito kanina nagulat na siya kaya hwag na lang hahayaan ko na lang siyang magkusang magsabi sa akin. Marami ng bisita ang nagsipag tayuan at nang masolo ni Nathaniel si Savannah. Hinintay niyang mag open up ito sa kan'ya. "Nathaniel, alam mo ba 'to?" tanong niya. "Hindi e, hindi mo