Habang nasa shopping mall, feel na feel ni Heaven ang pagka-abresyete sa kanang kamay ni Aleck. Halos karamihan ay napapalingon sa kanilang dalawa dahil sa ganda ni Heaven at ma-appeal na kagwapuhan ni Aleck. Katunayan, pinilit lang ito ni Heaven. Labis na mahiyain si Aleck lalo sa publiko nakangusonna si Heaven at hindi ito umiimik. “Gusto ko magka-holding hands tayo para sweet tingnan," lambing ng dalaga kay Aleck. “Ayoko nga, nakakahiya!” mabilis na sagot ni Aleck. “Ah, ganun? Pagkatapos mong pumatong sa ak–” biglang tinakpan ni Aleck ang bibig ni Heaven at tumingin sa paligid kung may ibang tao sa parking lot ng mga motor. “Tara d'un!” turo ni Heaven sa video game center. Agad na nagbayad ng token at pumwesto sa tapat ng shooting arcade machine. Dahil hindi pa pwedeng mapwersa