"Veronica…" "Dude, wake up." Isang malakas na pagyugyog sa balikat ko ang nagpagising sa diwa ko. Kinusot ko ang mukha ko at dinilat ko ang mga mata ko. "Veronica? Where's my Wife?" tanong ko kay Mathew. Siya kasi ang unang nakita ko nang magising ako. Huminga siya ng malalim. "It’s just a dream, you’re not with Veronica. ” Ani Mathew. Bigla akong nanlambot kaya sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. "Sana hindi na lang ako nagising." Malinaw sa alaala ko ang mukha ni Veronica. Pakiramdam ko nararamdaman ko pa rin ang halik at yakap niya sa'kin maging ang kanyang mabangong hininga ay naaamoy ko. Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. "Dito ka na lang matulog sa mansyon. Baka kung mapahamak ka pa sa daan niyan." Kahit ayokong tumayo ay napilitan ako. Nagbabasakali akong magkatotoo