Tumawa ako ng malakas nang lumabas ako ng comfort room. Galit na galit kasi sa'kin ang Mommy ni Lester, sa wakas nakaganti rin ako sa kanya. Pinalampas ko lang noon ang masasakit na salita sinabi niya sa'kin lalo sa magulang ko, ngunit ngayon ay hindi na ako papayag na insultuhin niya ako. "Veronica!" Hinabol ako ni Mrs Del Mondragon. Halos hindi maipinta ang mukha niya sa galit Ngumisi ako. "Yes, Mommy?" pang-aasar ko sa kanya. "Don't call me, Mommy? I don't like you!" "Tsk! Tsk! Same feelings," pumihit ako patalikod ngunit maagap niyang hinawakan ang braso ko. "Maldita ka!" Hinawakan ko ang kamay niya at marahan ko itong pinisil alam kong naramdaman niyang nasaktan siya dahil tinitigan niya ako ng masama. "My attitude depends on how you treat me. Hindi ako bida sa mga teleserye n