Ang lapad ng ngiti ko nang marinig ko ang malakas na busina ng kotse ni Lester. Nagmamadali ako sa paglalakad para makarating sa sala. Alam kong si Lester 'yon dahil sinabi ko sa kanya bago siya umalis ay bubusina siya ng malakas para marinig ko siya kahit nasa kwarto ako. Pagbaba ko ng second floor nakita si Lester na may bitbit na isang plastik bag. Ngumiti siya sa'kin nang lumapit. "Nakabili na ako ng paborito mo." Sabay yakap niya sa'kin. Tinawag ni Lester ang tatlong katulong para magbalat ng mangga. Kinakailangan ng tatlong magbabalat para makain ko. Mabilis ko lang kasi itong mauubos kaya minamadali ni Lester na mabalatan dahil siguradong mag tantrums ako. Umupo kami sa mahabang sofa at niyakap niya ako. "Kumain ka na muna ng kanin bago ang mangga." Umiling ako. "Mangga muna b