Ida “Ayusin mo kasi ang pagkuha, Vixen!” Lihim akong napangiti ng sumimangot si Vixen matapos ko siyang sabihan na ayusin niya yung pagkuha ng picture sa akin. Late thirty-first birthday appreciation post yung naisipan ko para naman malaman ng buong universe na nag-celebrate ako. Na may lalaking nag-effort gumawa ng surprise party para sa akin na walang iba kung 'di ang boyfriend ko. Finally, may natatawag na akong boyfriend matapos ang ilang taong paghihintay. Mabait pa din si God sa akin dahil binigay Niya yung lalaking naging una sa lahat ng bagay sa buhay ko. Ang totoo niyan hiniling ko talaga na mauntog siya para naman hindi na ako mahihirapang makisama sa iba. I can't see myself falling for someone who's not Vixen. Ginayuma niya nga yata ako kasi baliw na baliw ako sa kanya. “How