Chapter 00

2763 Words
-Ida- “Sure ka ba talagang may boyfriend ka na pupuntahan sa Barcelona, Guia Cressida?” Paulit-ulit na tanong na kanina ko pa nadidinig at sinasagot. Bakit ba hindi ako magawang paniwalaan ng mga tao sa paligid ko? To them, I'm just delusional because at age of thirty, I still have no boyfriend. Mapait akong napangiti saka inayos ang bag na nakasukbit sa balikat ko. Sinasayang ko lang daw ang oras ko dahil wala naman talagang pag-ibig sa online. But that fact didn't disheartened me. In fact, I keep on trying using this online dating application where I met Alejandro exactly three months ago. Now, I'm bound to meet him in person and celebrate Yuletide Season in Spain. Doon sa plane ticket ko inalaan ang service incentive bonus ko sa pinagta-trabaho-an na BPO company. Talagang tinipid ko ang nga leaves ko para naman mahaba-haba ang stay ko sa Spain kasama ni Alejandro. Ngunit madaming hindi pabor sa gagawin ko na 'to gaya ng mga magulang ko. Tanggap na naman daw nilang tatanda akong dalaga at habang buhay na bridesmaid sa kasal ng mga kapatid ko saka pinsan. Mas ayos na daw iyon kaysa maloko ako at malayo pa sa kanila. “Opo at kailangan ko na pong umalis. Baka maiwan pa ako ng eroplano.” Sabi ko kay Mama. I hugged her then next my father. “Come home to us when that guy dumped you,” bilin ng Papa na dahilan ng pagsimangot ko. “Papa naman!” angil ko ngunit parang wala lang iyon sa kanilang dalawa. Hindi na nga pala bagay sa 'kin mag-inarte. Malapit na magpaalam sa kalendaryo ang edad ko kaya kailangan ko na magmadali. “Aalis na nga po ako. I'll call when the plane landed in Barcelona. See you all next year!” Magkapanabay na umiling ang mga magulang ko dahil sa aking sinabi. I waved at them before turning my back and walk towards the baggage scanner. Agad ko nilapag ang back pack kasama ng sling bag sa scanner bago nagpunta sa airport body screening. Pagkalipon ng mga gamit, agad ako tumungo sa mga check in counters para dala kong duffle bags pagkatapos ay nagbayad ng travel tax at pumasok na sa immigration gate. Kabado ako pero sa tuwing titingnan ang picture ni Alejandro, nawawala iyon bigla. I'm excited to see him. The average life expectancy of a Filipino is sixty nine. Kung may bad genes ka kagaya ng sa 'min, mas madadali pa ang pakikipag-meet up kay San Pedro. Nasa kalahati na ako ng average life expectancy na iyon. Kaya naman pinili ko nang gawin kung ano ang magpapasaya sa akin. YOLO, sabi ng mga millennial workmates ko. I only live once so I should start prioritizing myself more than anything else in this world. “Ugh, shoes lace!” angil ko saka tumalungko para ayusin iyon. Because of what I did someone's knee bump on my back. That hurts! Marahas akong tumayo at sisigawan na dapat yung lalaki kaso naunahan niya ako. “I'm sorry!” sambit ng lalaking hindi 'man lang lumingon sa akin. “Rude, hmmp!” Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang sa makarating sa boarding gate. Pinakita ko sa nakangiting flight attendant ang passport at plane ticket na hawak ko. That woman welcomed me and greeted a Merry Christmas. Isang linggo na lang kasi at Pasko na at doon sa Spain ko naisipang salubungin iyon. Napangiti ako ng makapasok na sa eroplano at lalong lumawak iyon ng makitang nasa tabi ng bintana ang aking upuan. I can take an obligatory photos of the plane's wings. Everyone around me is busy putting their bags up to the over head bin. May mangilang ngilang flight attendant na tumutulong sa mga pasahero sa paglalagay noon sa taas. I have no bags to put there because I already check it in. Nagpose pose na lang ako sa harapan ng bintana. First trip ko din na mag-isa lang kaya naman sobra sobra ang excitement na nararamdaman ko. Mamaya ko na iyon i-po-post online kapag stable na ang internet connection. Tiyak kong madaming maiinggit kapag nag-umpisa na ako mag-upload. Who you sa akin yung mga nagsabing hindi na ako makakahanap ng boyfriend! ~•~•~ After almost seventeen hours flight, finally, I'm in Barcelona. Mabilis ko nilabas sa sling bag ang cellphone para i-contact si Alejandro pero hindi siya sumasagot. Not even online on his social media which is kinda weird for me. Parehas na kami ng timezone at tanghaling tapat ngayon doon kaya imposibleng tulog pa siya. Tumigil ako sa pag-iisip at tumungo na lang sa hotel na tutuluyan ko. Hindi ko na nga dapat na-book pa iyon dahil sinabi naman ni Alejandro na pwede akong mag-stay sa bahay niya. I actually wants to surprise Alejandro that's why I come there un-announce. Nag-sent siya ng address sa akin noon sa chatbox ng online dating application at sinulat ko iyon sa aking planner. Pwede naman akong dumirecho doon ngunit mas pinili ko na magpunta muna sa hotel para maligo at magpalit ng damit. I got plenty of sleep at the airplane during my flight that's why I'm ready to conquer Barcelona. When I arrived at the hotel, staffs warmly welcomed and accommodated me. Mga Filipino ang mga iyon at kahit naman siguro saan ako magpuntang bansa ay may makakasalamuha akong kalahi ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ako ng makitang bumagay sa akin ang binili ko na damit. It's our first meeting and date as well so I need to impress him more. Though, panay na ang papuri niya sa akin sa chatbox kahit sa video palang kami nagkikitang dalawa, gusto ko pa din mag-iwan ng impact sa isipan niya. Para kahit magkalayo na kami uli at ginagawa ang mga trabaho namin, naiisip pa din niya ako. Nang matapos ko na ayusin ang sarili, umalis na ako sa hotel at tinungo ang address na binigay sa akin ni Alejandro. “This is it Guia Cressida! Makikita mo na ang lalaking puputol sa sumpa ng pagiging matandang dalaga.” I pressed the doorbell and waited 'till someone open the door for me. Malapit lang pala iyon sa hotel na tinutuluyan ko at mababait naman ang mga napagtanungan ko kanina. When the door opened, a lady in her house clothes welcomed me with a slight creased on the forehead. “Hi! Is Alejandro home?” “Alejandro? ¿Qué le necesitas a mi marido?” Kumumpas ako at mabilis na kinuha sa sling bag ko ang cellphone. Hindi ako maalam sa lengwahe nila kaya sinasabi ng mga kakilala ko na napaka-tapang ko daw magpunta ng mag-isa sa bansang iyon. “Ida?” Agad ko hinayon ang tingin ko sa tumawag na iyon sa pangalan ko. Awtomatiko akong napangiti ng makita si Alejandro. Gulat na gulat ito sa biglaang pag-sulpot ko doon. I didn't expect that he really looks like what I see in his profile picture on online dating application. “W-why are you here?” “Surprise? I'm here to spent my Christmas with you, babe.” Niyakap ko siya ngunit kinalas niya agad iyon at bahagya akong nilayo. Oo nga naman naka-eksena nga pala sa frame ang nanay niya. “Is she your mom?” tanong ko at akma sanang yayakapin ang ginang na siyang nagbukas sa 'kin ng pintuan ngunit nahila ako pabalik ni Alejandro. “Mom? I'm not his mom. I'm his wife. That jerk is married with four kids.” The lady blurted out suddenly. Married? Alejandro is married with four kids? Maang akong napatingin kay Alejandro at nakita kong nakayuko lang ito. “He conned and milk you to provide for us.” Napalunok ako at tila nagdilim ang paningin ko dahil sa mga narinig. I took off my sling bag and smashed it through Alejandro's face then walked towards the gate. Hindi ako dapat umiyak sa harap nila. Hindi nila dapat makitang mahina ako at madaling lokohin kahit iyon na nga ang masaklap na kapalaran ko. Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay doon saka nagpahatid sa hotel na tinutuluyan ko. I went straight to the admin office to r****d my p*****t. There's no reason to stay there. Aalis na lang ako tatanggapin ang mga sermon nina Mama at Papa. Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya pero tingin ko naman expected na nilang mangyayari ito dahil sa pulos discouragement lang natatanggap ko sa kanila. Nang makapag-r****d, tumungo na ako sa airport. Wala na akong pakialam kung nasayang yung na-book ko na flight. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatingin sa labas ng eroplanong sinasakyan ko. I'm bound to fly back in Manila in less than fifteen minutes. May mga pasahero pang sumasakay at nag-aayos ng kani-kanilang gamit sa over head bin. Hindi pa din mawala sa isip ko ang panlolokong ginawa ni Alejandro sa akin. He's already married with four kids. Ginatasan lang ako ng walanghiya para may maipangtustos sa mga anak. Hindi ko maiwasang mainis sa asawa niya dahil hinayaan lang nito si Alejandro na gawin iyon sa akin. She's also a woman for Pete's sake! Baka modus operandi na nilang mag-asawa iyon. "Excuse me," anang tinig na siyang pumukaw sa akin. Nilingon ko yung nagsalita at halos mapanganga ako ng matingnan ang kabuuan nito. "Can you please move your bag?" tanong niya sa akin. "Sorry..." Hingi ko ng paumanhin dito. I gathered my bag and other belongings that occupied the rest of his seat. "Do you want to put those on the over head bin?" Ano ba naman itong lalaking ito? Panay pa ingles gayong namomoblema na nga ako... sabi ko sa isipan. "N-no need." Sagot ko. Kaunti lang naman iyon at pwede pang ilagay sa ilalim nung nasa harapan ko na upuan. He's nice but I'm not in the mood right now. Gusto ko na umuwi, lunukin ang sermon ng nanay ko at harapin ang katotohanan na wala talagang swerte sa pag-ibig. I continue crying while looking outside. Dapat talaga nakinig ako sa nanay ko. Totoo talagang palaging nasa huli ang pagsisi. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na mag-salita yung FA na hindi ko naman pinakinggan dahil mas gusto ko umiyak ng umiyak. I'm about to pull a tissue ply when I realized that it's already empty. Kapag minamalas naman talaga ako. I tried to look for an extra tissue inside my bag but got none in the end. "Here you can used mine." Hinayon ko ang tingin sa lalaking katabi ko. Gwapo ito, matangos ilong, maputi ang kutis, makapal ang mga kilay at natural na mapula ang manipis na labi. Was he even real? tanong ko sa sarili. At nagawa mo pa talagang itanong 'yan, Ida? Broken hearted ka na't lahat pumupuri ka pa ng isang kalahi ng nanloko sayo. Kastigo ko sa sarili. "It's free of charge so don't worry." "T-thank you." "Do you have mirror?" Nagtaka ako sa tanong niya. Kinuha niya ang cellphone at pinakita ang sarili kong repleksyon. Napanganga ako nung makitang kalunos lunos ko na itsura. Para akong nakipag-away dahil gulo gulo niyang buhok, hulas na eye make up at lipstick smudge. "Hindi pa ka na pwedeng mag-cr ngayon dahil magti-take of na ang eroplano," "Pinoy ka?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "Here, used this wet tissue to clean your face." "Ang bait mo naman sa 'kin. Sigurado ka bang walang kapalit ito?" "Mahal ako maningil, miss." Pinag-krus ko ang dalawang kamay sa aking dibdib na kinatawa niya ng malakas. Napatingin sa 'min yung ilang katabi at malapit sa pwesto namin. "I'm not that kind of guy. Na-mi-misintepret lang madalas," Tinanggap ko na yung wet at dry tissue saka inumpisahang ayusin ang aking sarili. Sa sobrang abala ko sa pag-aayos ng sarili, hindi na ko na namalayan na naka-take off na pala ang eroplano. Alam ko maya maya'y iikot na ang mga flight attendant para mag-alok ng pagkain. May kasama namang food sa flight ko pero paglapag na sa Maynila ako kakain, wala na akong pera. After cleaning my face, I combed my hair and tied it into a bun style. Nag-apply na lang ako ng moisturizer para hindi mag dry ang skin mo dahil sa chemicals ng wet tissue. Lip balm na lang din ang nilagay ko sa labi. Sinipat ko muna ang sarili bago tumingin sa katabi ko. "Thank you ulit," sambit ko dito saka inabot ang mga pinahiram niya akin. "Sa 'yo muna 'yan. Mamaya iiyak ka na naman." Gusto ko na itago ang mukha dahil sa hiya. "You look much better now compared to your look awhile ago," Inirapan ko siya at mahinang tawa lang ang nadinig ko. "Vixen." Napatingin ako uli sa kanya sunod sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Nag-aalangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi iyon. Kung makikipag kilala ba ako dito gaya ng ginawa niya sa akin. Sixteen hours flight din ang bubuunin ko at nakaka-dry kung iiyak lang ako ng iiyak. Malalim ako napahugot ng hininga bago nagsalita. "Ida." "Nagbakasyon ka din sa Spain?" Umayos ako ng upo pagkalapag ko sa bag. "Dapat kaso na-scam ako," Iyon naman ang dapat na itawag sa nangyari sa akin. Halos maubos ang ipon ko para lang sa lalaking nang scam sa akin. I wonder now if he could still sleep well at night after scamming me. "Na-scam ako dahil sa lintek na pagmamahal na yan." Hindi umimik si Vixen at natuptop ko din naman ang bibig dahil hindi 'man lang ako nag-preno sa pagsasalita. Nasabi ko na agad ang dahilan ng pag-iyak ko ngayon dito. Gano'n ba talaga kapag hindi kakilala ng personal? Mas madaling maglabas ng sama ng loob, hinanakit sa mundo at kung ano ano pa? Sabi sa napanood ko, walang judgement kapag estranghero ang kausap. "Okay lang 'yan. It's better to open up with a stranger saka buong sixteen hours tayong magkatabi dito so kailangan natin ng pag-uusapan." Hindi gaanong halata ang pagka-tsismoso, sabi ko sa isipan. For the next hours, Vixen and I talked about our personal lives. I enjoyed his company very much. Ang cool at matured kausap ni Vixen. Iyong tipong lagi itong may nasasabing payo sa lahat ng kamalian na nagawa ko. Gaya na ng sobra sobra kong katangahan sa pagtitiwala taong nakilala lamang sa online. Para akong bata na kinagagalitan ng mas nakatatanda sa akin. "Nagpunta ka ng Spain na hindi pa siya na-me-meet kahit kailan?" Base sa ekspresyon ng mukha niya'y tila nais na niyang matawa. "Akala ko ba no judgement? Kanina ka pa dyan banggit ng banggit doon," "Does love online do exist?" Napaisip ako. Gusto kong sabihin na oo kaso matapos ng nangyari sa akin parang nakakadala na. Wala pa yung mga sparks, connection at compatability na sinasabi ng mga manghuhula. Muntikan lang maubos ang laman ng bulsa ko dahil sa love na 'yon. "After what happen to me, no." Kaya ko din mag-english, no! Hiyaw ko sa isipan ko. "I once fell inlove to someone I met online. Nung una hindi ko pinapansin pero nung lumaon, nasanay na ako sa kakulitan niya. She was there when I intentionally crash my car, when I'm in coma and during my ups and down. Interesante yung kwento niya. Mas nag-ka-interest pa ako doon kaysa istorya ko. "Anong nangyari?" "I lost her." Napasinghap ako bigla. "Sira, hindi namatay. Umalis siya, napagod na at na-realize ko yung worth niya nung wala na siya." "Tanga ka din pala," Vixen laughed at me. "Oo pero hindi kasing tanga mo." Hinampas ko siya ngunit tinawanan lang niya ako. Nagpatuloy lang kami sa pagbibiruan, mahihinang tawanan at pagpapayuhan. Gumaan ang pakiramdam ko matapos ma-kwento yung sinapit ko sa Spain at kung paano nakilala yung scammer na puno't dulo ng lahat. Pati yung pagiging atat ko na magka-boyfriend ay nasabi ko kay Vixen. I badly wanted to experienced those things that can only be seen on movies. Holding hands while walking, cuddling, kiss and love making. Sa edad ko trenta ay hindi ko pa nararanasan ang mga iyon. "Sobrang laki ng problema ko. Jowa, pera, first kiss at sexperience." "Kaya kong solusyunan yung isang problema mo," "Alin doon?" Imbis na sumagot ay lumapit lang siya sa akin hanggang sa maging ga-hibla na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. My eyes widened and heart beats fast than it's normal beating. Para tinatambol ang dibdib ko at kulang na lang pati paghinga'y makalimutan ko na. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako karupok. "Your first kiss..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD