Vixen
“Hindi ko talaga maasahan si Jam pagdating sa mga groceries. Buti nandyan ka at kataka-takang available palagi,” wika ni Coffee sa akin habang naglalakad kami papasok sa loob ng grocery store. Nagpaiwan sa bahay si Jam kasama ni Avery at ako na lang sumama kay Coffee na mamili. I enjoy doing it so far. Nasanay na siguro dahil palaging ako din ang kasama ni Mama sa tuwing mamimili nung magkakasama pa kami sa bahay.
“I'm always available naman, Cof at hindi sa pag-a-ano, kaya ka ayaw samahan ni Jam dito kasi napaka-indecisive mo.”
“Walanghiya talaga kayong mag-best friend,” angil niya sa akin na dahilan ng pagtawa ko. Totoo naman kasing indecisive na klase ng shopper si Coffee. Papipiliin ka niya pero sa dulo, pareho din naman ang bibilhin. Iyon lang bukod tanging reklamo dito ng best friend ko. Sa pagiging asawa naman ay wala itong masabi. Coffee is a great and caring wife to Jam and a mom to Avery. Iyon nga lang dahil sa pagbubuntis, nalilimitahan na naman ang pwede nitong gawin. “No dates for the holidays?”
“I'm still waiting, Cof.”
“May bago kang biktima?” Naiiling akong natawa dahil sa sinabi ni Coffee. Victim isn't a good term at all. I don't want to play anymore but with Ida, hindi ko pa talaga alam. Marami silang similarities ni Kryz except to her wildness. Hindi pa nasang-ayon si Ida sa alok ko pero nakakabaliw palang kasama ang babae na iyon. Muli akong napailing ng maalala yung naganap nang nagdaang gabi. She literally ended the drought. “Whoever is that, dapat pang matagalan na at sa simbahan na ang tuloy. Excited na ang inaanak mo maging flower girl.”
“Avery is too tall for a flower girl.”
“Eh 'di little bride. Oh my God, h'wag na pala baka awayin ako ni Jam.”
“And me, Coffiana. H'wag mo muna i-matched kung kani-kanino. Seven years old palang kaya yung bata.”
“You can't blame me, ang gwapo ni Zach kasi.” Coffee said. She's referring to their eight years old neighbor named Zach. Nakita ko na iyon pero hindi naman pinapansin ni Avery. Loyal sa amin ni Jam ang inaanak ko. Inaya ko na si Coffee na tapusin na yung pamimili niya dahil kabilin-bilinan ni Jam na h'wag itong papagurin. After grocery, we went straight home and arrange those stuffs for tomorrow's party. “Sabihin mo na kung sino? Kasama mo ba siya bukas?”
“Who?” Takang tanong ni Jam ng makalapit ito sa 'min.
“This guy has a new girl. Balak pa yatang ilihim sa 'tin.” Nakita kong niyakap ito ni Jam mula sa likuran. Saksakan talaga ng ka-sweet-an ang dalawa kahit saan magpunta.
“The girl from the grocery.” Sabat ni Avery saka naupo sa upuang malapit sa akin. Isa-isa nitong tiningnan ang mga pinamili namin ng Mommy niya. Iba din ang memorya nito at nagawang maalala pa kung sino yung tinutukoy ni Coffee.
“You knew, baby?” tanong ni Coffee sa inaanak ko. Tumango lang si Avery saka kinuha yung isang bag ng tinapay at binukas. Lumapit dito si Coffee saka tinabihan ang anak. “How? Is she pretty?”
“Yesterday when I'm with Ninong.” sagot nito saka kumain.
“Maganda ba, anak?” tanong ni Jam kay Avery
“Yes. She's nice also but loud,”
Saktong sakto ang sinabi nito tungkol kay Ida. Maganda nga ito at mabait naman pero maingay lalo na kapag... ah, how can I forget what happened to us last night. Siguro kapag gagawin namin iyon, kung sakali, kailangan soundproof na ang flat nito o 'di kaya yung sa akin. Nagpakwento pa si Coffee kay Avery ng naalala nito tungkol kay Ida pero dahil sobrang bilis lang ng meeting nila kahapon, wala nasabi pa ang inaanak ko. May sumpong kasi ito kahapon kaya inuwi ko na agad matapos bilhan ng mga suhol.
Pagkatapos namin mag-kwentuhan nina Jam at Coffee tungkol sa ‘new girl’ ko nga daw ay umuwi na ako sa bahay ko. I'm about to ride the elevator when Ida come out of a taxi. Tiningnan ko lang siya habang binaba ang mga pinamiling gamit mula sa mall na malapit lang sa tinitirhan namin. Agad ko siyang nilapitan saka tinulungan na buhatin ang mga iyon papasok sa flat niya. Maayos na tingnan iyon ngayon kaysa kahapon at kapansin-pansin ang pagiging pantay pantay ng mga gamit at display. Is she have an OCD? Grabe, sobrang vain naman ng babaeng ito talaga.
“Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay?” tanong niya sa 'kin.
“Holiday season kaya natural lang na wala.” sagot ko na kinasimangot naman niya. Hinayaan niya lang ako tumambay sa living room habang siya naman ay naghahanda para magbalot ng mga regalo. “What is that? An obligatory gifts for everyone, Santa Claus?”
“Shut up! Akala mo ba gusto ko 'to? Kung pwede lang talaga hindi umuwi ngayong Pasko.” Reklamo niya sa 'kin. I already offered her a best way to escape their Christmas Party but she kept on declining it. Ayoko ng ialok ulit dahil para na akong tanga at sirang plaka. It's her choice now. “Care to help me here?”
“Ano ba gagawin? Kapatid ko kasi in-charge sa mga ganito. Tiga-kain lang talaga ako kapag Christmas season.” I sometimes do the dishes as gift to my mom but later on I get tired of the celebrations. Kumakain na lang kami sa labas para less trabaho. Ngayon lang naiba dahil nag-offer si Coffee na doon na kami mag-Pasko sa kanila kasama ang pamilya nila ni Jam. Malaki naman daw kasi yung bahay at kaya-kayang kaming i-accommodate lahat. “You're being grumpy. Time of the month?”
“Siguro?” Hindi 'man niya na-mo-monitored iyon. Ida is one of a kind woman. Ngayon lang ako naka-encounter ng babaeng katulad niya. “Why did you ask?”
“Wala lang naman, kanina mo pa kasi ako sinusungitan. Ganyan ka ba sa mga lalaking --”
“FYI, pangatlo ka palang at wala pa miski kanino sa kanila ang gumawa nung ginawa mo. We did actually kasi ginusto ko naman din,”
“At least you're honest.”
Sobrang honest na pakiramdam ko'y bubukas ang pintuan ng langit para salubungin siya. Tinulungan ko na siya sa pagbabalot ng mga regalo kahit hindi ko naman talaga alam ang gagawin. Sa bandang huli, ako na lang pinagsulat niya ng mga pangalan para daw may pakinabang ako. Akala ko wala na siyang pera? Ang dami nitong binabalot niya na dinaig pa ang tatakbo sa susunod na eleksyon. Parang ang hirap naman ng pamilyang mayroon si Ida. Obligado na mag-regalo kahit walang wala na siya.
Pagkatapos namin doon, inaya niya akong manood ng movie gamit ang Netflix account ko. Gusto ko yung pagiging kumportable niya sa akin. Kulang na lang pati credit cards ko siya na gumamit. What kind of connection is this? I let her browse and choose the movie that we're going to watch. Syempre inasahan ko na dapat na romance iyon bilang broken pa siya at naghahanap ng magpapakilig sa kanya. Nauwi kami sa panonood ng Serendipity.
“Is serendipity real?” tanong ni Ida sa akin. Paano ko ba sasagutin iyon? Kung base sa movie, nag-work iyon sa mga characters kahit na ilang beses pumalpak yung pagta-try nila. Inunat ko kamay ko at dinantay iyon sa head rest couch na inuupuan naming dalawa. “I think, kalokohan lang itong palabas na 'to.”
“Hintayin mo munang matapos bago i-judge. If they dive into each other easily, nonsense yung movie.”
“Okay, Mr. Romantic.” Naiiling akong nanood na lang at hindi na pinatulan ang mga rants niya. Parang buong movie ay may comment siya at sa kanya na lang talaga ako nakinig. “Let's watched another movie.”
“Hindi ka ba inaantok?”
“Hindi. Okay din magpuyat para di ako gaano kaaga makauwi.”
“H'wag ka na lang umuwi. They will understand it if you will not attend.”
“Tapos sa 'yo na lang ako sasama, tama ba?”
“It's up to you but you'll enjoy Christmas Eve with us especially with me.”
Nakita kong umarko ang isang kilay niya saka nag-isip. Hindi na siya sumagot pa at nag-browse na lang ng mga movies na mapapanood hanggang sa mapadpad naman sa pelikulang nakakatakot. Halos magutay naman ang damit ko dahil sa kakahila niya. Buti na nakatulog din nang mag-alas dose na ng hating gabi. Mas napagod akong alagaan ang isang ito kaysa kay Avery. Iiyak, tatawa, sisigaw at kung ano-ano pa ang gagawin na halos ikabaliw ko na. Tama ba talagang makipaglapit ako sa kanya? Pakiramdam ko may mali pero hindi matatatwa na nalilibang ako kapag kasama ko siya.
Kinabukasan ng gabi, handa na ako pumunta sa bahay nina Jam at Coffee ng makita kong bumaba sa taxi si Ida. Mugto ang mga mata kaya naisip ko agad na may hindi magandang nangyari. Ilang oras na lang mag-pa-Pasko pero heto siya misirable at mukhang magiging mag-isa ngayong gabi. I waited her to walk a little closer to me even I got bothered with the puffy eyes she have. Gaano ba siya katagal na umiyak?
“Is your offer still open?” tanong niya ng makalapit na sa akin.
“Yeah, why? Sasamahan mo na ba ako?”
“Pwede ba outsider doon? I mean, it's a family celebration and I'm not --”
“No one will say that to you. Come on now, naghihintay na sila sa 'tin.” Marahan ko siyang hinila saka pinasakay na sa kotse ko. Hinintay ko munang maka-settle siya bago ako umikot sa driver's seat. Binagalan ko lang ang pagmamaneho para may oras pa si Ida na ayusin ang sarili niya. She's wearing a dress but still looked a mess. Nang saktong makarating na kami sa bahay nina Jam, si Avery agad ang sumalubong sa 'min. Avery hug me when I got down of my car. “I'm sorry if I made you wait.”
“It's okay, Ninong. Uncle Jerry and Uncle John are still not here.” Malambing na sabi ni Avery saka hinawakan ang kamay ko. “Hello!” Bati nito kay Ida.
“Good mood siya ngayon,” wika ni Ida.
“It's her favorite time of the year today. Because most of the gifts under Christmas Tree is for her,” I lightly pinched Avery's cheek.
“Hi, I'm Ida.” Pakilala ni Ida kay Avery.
“I'm Avery Angelique Manalo.”
Nakipagkamay dito si Ida at gaya sa akin, hindi na din ito bumitaw sa kanya. Sabay sabay kami pumasok sa loob ng bahay ng kaibigan. Lahat ng atensyon ay nalipat sa 'min na para bang hindi nila expected na may kasama akong ibang tao ngayong gabi. Unexpected din naman talaga iyon at hindi ko pa nagagawang tanungin si Ida sa kung ano ang nangyari.
“This is Ida...” Pakilala ko sa kanya sa lahat. “a friend.” Dugtong ko saka tinuon na kay Avery ang atensyon. Buti na lang accommodating si Coffee at siya na ang umasikaso kay Ida. Friendly naman ito hindi katulad ng kapatid ko na saksakan sa pagka-maselan sa mga tao. “What?” I asked when Leandra walked near us.
“Girlfriend? Hook up? Alin siya sa dalawa?” tanong niya sa akin.
“Kaibigan nga. I met her in one of trips. Mabait siya kaya pwede ba pakitunguhan mo ng maganda?”
Leandra just shrugged then leave me alone. Tinapunan ko ng tingin si Ida na kausap na ngayon si Mama at Tita Grace. Iba din talaga ang PR nito kahit sino nakakagaanan ng loob.
“Do you like her, Ninong?” tanong na pumukaw sa 'kin. “Don't worry, I won't tell it to Mom and Dad. It's our secret, I promise.”
“I don't like her,” sabi ko kay Avery.
“Okay, but I like her. She's nice and her hand is soft just like Mom's.” Iyon lang at iniwan na ako ni Avery saka nilapitan si Ida.
“Mukhang na-please nitong new girl mo ang anak ko,” wika ni Jam sa akin.
“Yeah. Mabait daw saka malambot ang kamay gaya ng kay Coffee.” Sa puntong iyon lumapit sa 'min si Coffee at tinanong kung bakit namin siya pinag-uusapan. Coffee told us how jolly Ida is. Iyon daw ang dahilan kaya nakasundo nito agad sina Mama at Tita Grace. Nang dumating yung dalawang kapatid ni Jam, iniwan nila ako saglit na siyang naging pagkakataon ko para lapitan si Ida at Avery.
“Close na kayong dalawa agad?” tanong ko kay Ida.
“Madali siyang utuin katulad mo,” halos pabulong na sabi sa akin ni Ida. Tinawag ni Coffee si Avery para sa surprise gift nito sa bata. “Mukhang may announment ang best friend mo.”
“I already know that. Coffee is pregnant and that's their special gift to their daughter. Lalaki yung gender, akma sa Christmas wish ng inaanak ko.”
“Wow!”
“Okay?”
“Hanep yung friendship niyo. Lahat talaga alam mo sa kanila at tingnan mo, para lang talaga kayong magkakadugo kung magturingan.” Umayos ako ng upo saka sinandal ang ulo ko sa headrest ng couch na kinauupan namin. “Merry Christmas.” Ida greeted me then plant a kiss on my cheek. What is that? Para lang siyang humalik sa bata. “This is the best Christmas for me. These people treated me nice kahit stranger ako. Yung Mama ni Jam, mahilig pala sa halaman. Tapos yung Mama mo naman mga ref magnets ang collection.”
“Let's go somewhere, Ida.” sabi ko sa kanya.
“Hindi ba nila tayo hahanapin?” Umiling ako bilang sagot. Jam and Coffee will understand if we both leave now. Marahan kong hinila patayo si Ida at giniya siya palabas ng bahay ng kaibigan ko. “Yung gifts mo kay Avery hindi mo ba iintayin na buksan niya.”
“She'll open it tomorrow. Sa dami ng regalo para sa kanya ngayong gabi, nilaan niya yung araw bukas para sa akin.” I opened the shotgun seat of my car then face Ida. “I want something hot this Christmas Evening actually it's already morning.” The clock hit twelve o' clock already. Kaya nga nag-announce na sina Jam at Coffee tungkol sa bagong addition ng family nila. Muli kong tiningnan si Ida na matamang nag-iisip.
“Hot? You mean...”
I don't want her to elaborate it that's why I ask her again to get in the car now. Sumunod naman siya at buong byahe tahimik lang kaming dalawa. Sana tama itong gagawin ko. Hindi ko napanindigan ang sinabi kong graduate na ako sa mga laro-laro. This will be the last. I hope this one will last. I only live once that's why I should enjoy this time. I'm thirty three and still not willing to commit. Odd, yes, but maybe or soon Ida is the game changer that I've been waiting since Liv left...