Kabanata 68 Jarry’s POV Kagaya nga nang napag-usapan namin ni mama, nagsimula na nga kaming mangalap ng impormasyon patungkol na muna kay Manang Belen ang inuna namin, bago ang ibang bagay. Maingat akong umaaligid-aligid rito sa mismong Principal’s Office. Pero kahit anong gawin kong tiyempo para makapasok ako ng palihim sa mismong opisina at masilip ang personal information ng isa sa mga tagalinis dito sa naturang paaralan. Nang kahit na anong tagal na paghihintay ay wala talaga akong nagawa, kaya mas minabuti kong pumunta sa library at doon na lang subukang mangalap ng mga impormasyon. Para rin kasing may bumubulong sa akin na hangin na pumunta ako rito sa library. Kagaya nga ng mga gawain ko noon, pasimple lang akong tatayo rito sa may bookshelves