Kabanata 14 Jarry Lee's POV At dahil nga umuwi na si Tristan sa kanila dahil daw ipinatawag siya ni Manang Peling. Pero bakit kaya siya pinapauwi? Baka may nagawa na namang kabulastugan iyong kaibigan ko. 'Di bale na nga! Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa librerya. Habang nakayuko, ako'y mataman lang ring tinitignan ang litratong galing sa article book ni Jarella. Makikinita rito ang isang pre-graduation picture. Ganito kasi sa aming campus, kahit na highschool pa lang ay parang kolehiyo rin ang pamamaraan nang pagkukuha ng picture tuwing sasapit na ang gradwasyon. Matamis na mga ngiti ang nasa kanilang mga labi. Maliban kay Franikka at sa lalaking katabi ni Jarella dahil makikita talaga sa kanilang mga mata ang lungkot at pighati habang nakatingin sa camera. Sa