When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Kabanata 117 Bernardo’s POV Natapos na namin ni Helen ang paglalagay ng mga pinamili niya, nagpaalam na muna siya sa akin na maidlip na muna sa silid dahil napagod raw siya sa mga gawain ngayong araw. Hinayaan ko naman siyang magpahinga mas mainam iyon kaysa sa pilitin niya ang katawan kahit na pagod na ito. Nang mag-isa na lang ako sa salas, dumating naman ang dalawa galing sa eskwelahan, lumapit sila sa akin lalo na si Lee. “Pa, mano po.” Magalang na kinuha ni Lee ang kamay ko, saka nagmano. Niyakap naman niya ako. At ganoon din ang ginawa ni Harvey. Hindi sila iyong tipo na kahit malaki na ay nahihiya na magpakita ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. Hindi kasi namin sila pinalaki na may pagkailang sa amin. Sinanay namin sila sa sim