Kabanata 32 Jarry’s POV Nakapagdesisyon na nga ako na hindi ko na muna iyon sasabihin kay kuya ang aking nabasang sulat na biglang dumikit sa salamin ng aking bintana. Baka nga aksidente lang iyon na nilipad ng hangin kaya at nadikit iyon doon. At sino namang matinong tao na gagawa no’n, at isa pa, nasa mataas na banda ang bintana ko, imposibleng maabot at mailagay iyon ng basta-basta ng kung sino lang na nantitrip ng kapwa. Maaga akong inihatid ni kuya sa school, hindi ko alam kung bakit siya nagmamadali. Hinayaan ko lang siyang tahimik sa buong biyahe, mabuti na rin iyon at para wala kaming mapag-uusapan na mga bagay na maaaring magdala sa usaping nangyari sa akin sa mga nakaraang gabi. Dalawang araw na rin naman ang lumipas, kaya sigur