KABANATA 2

1078 Words
Kabanata 2 Jarry Lee's POV     Kanina pa ako kinukulit nitong kaibigan ko, kahit na nagmamaneho siya ngayon sa kanyang sasakyan ay patuloy pa rin niya akong tinatanong kung okay lang ba talaga ako.     "Ang kulit mo talaga,"     "'Di mo naman kasi ako sinasagot, kanina pa ako daldal nang daldal dito. Tapos mag-tatatlongpung minuto na ang nakakalipas pero ngayon ka lang ulit nagsalita. E, sino bang 'di mag-aalala niyan pre?" Nilingon ko naman si Tristan at nag-iisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang buong nangyari o hindi na lang.     Nagdesisyon akong 'di ko na lang muna sasabihin sa kanya ang nangyari. Sa ngayon ay ibinalik ko na lang muna ang mga mata deretso sa daanan. At inaaliw ang mga mata sa mga sasakyang na sa aming unahan.     "Wala, akala ko lang kasi masamang taong holdaper, tapos 'di ko nakitang ikaw pala iyon dahil madilim ang buong paligid." Pagsisinungaling ko sa kanya.     Kailangan kong magsinungaling para 'di na siya masali sa iisipin ko. Nagbitaw na lang siya ng napakalalim na pagbuntong-hininga, sabay tapon ulit ng tingin sa akin batay sa napapansin ko sa peripheral vision ko.     Nagbalik na lang ulit siya sa pagmamaneho at tahimik lang kami ulit sa loob ng kanyang sasakyan.     Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa labasan ng kanilang gate. Dahil isang kilalang tao na ang kanyang ama ay 'di maiaalis ang napakaraming bantay na na sa kanilang gate. Tigda-dalawang guards sa bawat magkabilaang gilid.     Pinagbuksan na nga kami ng gate at nagbigay hudyat siya sa mga guards na lalarga na't papasok kami, kaya nagsitabihan silang lahat. Kaya nang nakatabi na sila ay kaagad namang pinaharurot ni Tristan ang kanyang sasakyan. Mga dalawang-daang metro pa ang dadaanan bago marating ang kanilang bahay na magara at malaki na mala mansyon ang datingan nito.     Pinatunog n'ya ang kanyang sasakyan para ipaalam na narito na siya. At dahil nga mayaman sila ay kaagad naman siyang sinalubong ng kanilang mga kasambahay matapos kaming pagbuksan ng kanilang mga guards. Yes may sekyu rin sila sa loob ng mansiyon para raw sigurado.     I am used to this scenario, na kada baba namin ni Tristan ay may sasalubong at may taga bitbit ng kanyang mga gamit. At dahil 'di naman ako iyong tipong umaabuso'y 'di ako pumapayag na gawin rin sa akin ang ginagawa nila kay Tristan. Kahit na matalik pa kaming magkaibigan.     Nang na sa loob na kami ng kanilang bahay ay makikinita ko talaga ang malayong agwat ng pamumuhay naming dalawa. Kasali na roon ang pagiging magkaiba namin kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pamilya.     "Anak, Rylee. Nandito ka na pala. Halika't akin na muna 'yang bag mo. May dala ka bang ekstrang damit para makapagbihis ka na muna." Salubong sa akin ni Mama, 'di ko napansing nakalapit na pala siya sa akin dahil na kay Tristan ang aking mga mata.     Naririnig ko ang bawat pagbuntong-hininga ni Tristan sa tuwing uuwi siya rito sa kanilang bahay.     "Mom, I have something to tell you," ani Tristan sa kanyang ina. Kahit na malayo sila ay naririnig ko ang usapan.     "Okay amegas. Yes. Woah really, that's great, Okay. Okay. I'm on my way. I just get my car keys. See yah." Ibinaba ng mama niya ang tawag at saka padaglit lang na binalingan si Tristan, may kung anong hinahanap sa shoulder bag ang kanyang mom. "Yes, honey?" pagtatanong ng mama niya  sa kanya, pero wala pa rin sa kanya ang atensiyon nito.     "Ah, Mom...kasi,"     "Wait lang honey ha? I have an important meeting to attend, will talk later pagbalik ko okay?" sabay halik ng mama niya sa kanyang pisngi at nagmamadali na si Tita Janice na umalis. "Pakisabi na rin kay Daddy mo na may lakad ako, bye honey." Malakas na pahabol na sigaw ng mama n'ya kahit na sa may pintuan na ito.     Tanging pagsunod lang ng tingin ang kanyang ginawa habang nakastart na ang kotse na dinala ng kanyang mama.     Nakita ko naman ang lungkot sa mukha ni Tristan. 'Di ko naman masisisi ang kanyang maaaring maramdaman dahil sa pagiging busy ng kanyang mga magulang.     "Hijo," Nakita ko ang kanyang Daddy na papalapit sa kanya galing sa kanyang opisina. May sarili kasi itong opisina sa kanilang bahay kaya minsan kapag andito ako nakikita ko ang Daddy niyang palaging na sa loob ng kanyang opisina.     Nakikinita ko naman ang pagbahagyang pagliwanag ng mukha ni Tristan. Kaya napawi na rin ang pagkahabag ko sa kalungkotan niya kanina. Pero nagkamali pala ako.     "Yes Dad? Ah Dad...I have something to show up with you..." tumalikod na muna si Tristan at may kinapa sa mismong bulsa. Pero nang humarap siya sa kanyang Daddy ay nakalayo na ito at may kausap na rin sa kanyang telepono.     "Dad ito po-" Nanigas si Tristan sa kanyang kinatatayuan at para na nga siyang lantang gulay habang nakababa ang mga balikat at nakayuko ang ulo. Habang tinititigan ang kanyang certificate na nakuha niya kanina sa pagiging top sa klase.     "Magmeryenda na muna kayo ni-"     "Ma, araw-araw po ba talagang laging may ginagawa sila Tita Janice at Tito Jack?" Seryosong tanong ko kay Mama.     "'Di ka pa nasanay sa pagiging ganyan nila anak, naawa na rin nga ako r'yan kay Tristan. Lagi na lang siyang 'di nabibigyang pansin nila Madam at Sir." ani Mama.     Sa gabi ring iyon ay nagpasya na kaming umuwi ni Mama sa bahay dahil wala namang pasok bukas, 'di stay-in si Mama ngayon. 'Di ko na lang rin inabala si Tristan at nagtext lang ako na nakauwi na.     Na sa silid na nga ako ngayon ng aking kwarto at naghahanda na sa pagtulog. Nang nakahiga na ako ay nanunumbalik naman ang mga pangyayari kanina tungkol sa humigit  sa kamay ko.     Pilit kong pinikit ang aking mga mata upang makatulog na. Pero sa pagpikit ko'y nakaidlip na nga ng tuluyan.     Napadilat ako at napabalikwas sa aking higaan. At saka muling pinakinggan ang malalakas na katok sa aming pintuan. Dali-dali naman akong tumungo sa pintuan at sa pagbukas ko ay sinalubong ako ng dalawang kamay at sinasakal ako.     "S-Sino k-ka? B-bitawan m-mo ack--- Ako." Nagpupumiglas na nga ako dahil nahihirapan na akong makahinga.     "Tulungan mo ako..."     "Tulungan mo ako..."     "Lee, Tulungan mo ako..."     "Lee."     "Lee."     "Anak. Rylee. Gising."     Napabangon naman ako sa aking higaan at wala pa ako sa katinuang pag-iisip dahil sa abot-tahip kong paghingang malalim. Mga malalaking butil ng pawis ang lumalabas sa aking noo.     "Ma, nakita niyo ba ang kumatok?"     "Kumatok?"     "Kagabi kasi may-"     'Di ko na naituloy ang nais pang sabihin dahil nakita ko ang maliwanag na ang paligid sa mismong labas dahil sa nakabukas na bintana.     "Binangungot ka anak, rinig sa ibaba ang malakas mong sigaw. Kaya nga napatakbo kaagad ako rito. Oh ito tubig, inumin mo muna ito,"     Binangungot na naman ako? Sino ba kasi iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD