Kabanata 43 Jarella’s POV “Okay ka lang ba?” ‘di ko mapigilang hindi magtanong kay Harvey nang napansin kong hindi na maganda ang mood niya nang may kinalikot siya sa kanyang telepono at mistulang may binabasa. “Oo naman. Bakit?” nag-iba naman ngayon ang timpla ng kanyang mukha at prang pinipilit niyang maging maayos siya sa harap ko mismo. “Bigla ka na lang kasi tumahimik. Sino ba kasi iyong nag-text sa ‘yo?” wala akong natanggap na kasagutan. Nang sakto naman na lumabas si tita galing sa kusina at may mga bitbit ng pang meryenda. Sabay naman kaming tumayo ni Harvey at dinaluhan kaagad si tita. Kinuha ko ang isang tray na may lamang tinapay, habang si Harvey naman ang nagdala ng pitsel na may lamang ice tea, alam ko nang hi