Kabanata 96 Harold’s POV Kanina ko pa talaga napapansin si Lee na panay sulyap sa akin, habang ako naman ay focus lang na nakikinig sa nag-re-report na mga kaklase namin sa harap. Kaya hindi na nga ako nakapagpigil kaya tinanong ko na siya. “Kanina pa kita napapansin, Lee. May kailangan ka ba?” ani ko sa kanya na bahagya nitong ikinagulat, parang may katanungan namuo sa kanyang isipan, maaaring iniisip niya na bakit ko naitanong iyon sa kanya. “Huwag mo na lang tangkain na itanggi na alam mo ang ibig kong sabihin.” Paaalala ko pa sa kanya, nang nag-iwas siya ng tingin sa akin, pero ibinalik din naman niya kaagad ang mga mata niya sa akin. Padaklit lang dahil nga nasa harap si Ma’am. “Ang tahimik mo lang, kaya naninibago ako.”