Kabanata 53 Jarry’s POV Kararating ko lang ng bahay, matapos akong nagmano kay mama ay dumertso lang ako sa loob ng aking silid. Tinawag pa nga ako ni mama, pero hindi ko man lang siya nagawang lingunin. Ewan, may kung anong mayroon sa akin ngayon na mag-isa lang, dahil siguro sa libro na nasa loob ng aking bag ngayon. Ano ba kasi ang mayroon sa paaralan at bakit kung may mga insidenteng namamatay ay hindi man lang nagagawang lutasin ng kung sino? Akala ko ba ginagawa ng mga police lahat at mga nag-iimbestiga? Bakit hanggang ngayon, parang wala namang aksiyon? Naupo na ako sa may gilid ng aking kama at sumilip muna sa labas ng bintana at natatanaw ko na ang takipsilm. Maingat kong hinubad ang bag ko at nilapag muna sa gilid ko, kasunod kong hinubad an