Kabanata 112 Lee’s POV Ito na ang pinakainaabangan kong araw, hindi dahil sa excited ako. Kung ‘di ay dahil sa pagkatapos ng araw na ito, balik na rin sa normal ang buhay ko. Nandito na naman kaming mga estudyante na sasali sa mismong Ms. And Mr. Intramurals. Nagsasanay na naman sa panghuling pagkakataon sa aming introduction at saka sa intermission number. “Ang lamig ng kamay mo, Lee.” Anang kapares ko na si Cindy. Hindi ko siya pinansin, ayaw kong masira ang araw ko nang dahil lang sa ka-weirduhan nito. “Hala, ‘di man lang namamansin.” ‘di pa rin siya tumitigil sa kakadada. Nakakarindi sa tainga. Hindi naman ako madaling mainis, pero bakit ‘pag kay Cindy ang dali kong mainis. Parang may something talaga sa kanya na kinaiinisan ko.