Kabanata 47 Jarella’s POV Unang beses ko ngayong lumabas ng bahay na ako lang mag-isa. Hindi kasi ako pinapalabas ni mama na ako lang, kailangan may kasama akong isang tauhan namin na magbabantay sa akin. Nakaiinis lang kasi na para akong bata na bantay sarado, naiintindihan ko naman si mama na gusto lang niyang maging ligtas ako. Pero hindi naman siguro ako mapapahamak kung ngayon ko lang gagawin ang umalis ng bahay na mag-isa. Mag-iingat naman din ako. Hindi naman ako ganoong katanga. Wala na kasing tinta ang ballpen ko at saka papaubos na rin ang aking notebook at sticky notes na kadalasan kung sinusulatan ng mga importanteng reminder. Hindi naman mabigat ang bibilhin ko at mabilis lang naman ako, matapos ko bumili ay uuwi lang din naman kaagad ako