Chapter 3: Legend Enchanter (Part 1)

3217 Words
Shandice "Omg! I'm so excited, Sena!" excited na sabi ni Kylla habang nagtatalon pa na parang bata. I pout, she looks cute!  Ako rin excited na! Excited na ako malaman kung ano na nga ba talaga ang level ko this year! Tumaas kaya ako o bumaba? Sana naman tumaas. Sayang lahat-lahat ng paghihirapan na dinaanan ko kung bababa rin lang. Sa pag-uusap at pagtutulakan namin, 'di ko na napansin na nakarating na pala kami sa Battle Grounds. Namangha ako sa lawak nito, parang double ng soccer field sa mundo ng mga tao. Makakapagpatayo na 'ata ako ng isang village sa laki at lawak nito. It's oval in shape, at puno ito ng mga bermuda grass. Nagsiupuan na kami sa mga bench. Napatunghay ako sa floating stage, may apat na upuan doon. Ang sabi saakin ni Kylla, mga Headmasters daw ng school  ang nakaupo roon. Well, pinakilala na rin niya sa akin kung sino ang apat na iyon. "Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. We all know this event. Let's begin the fight with a blast! Let's begin with the Legendary Elemental Users. Remember, the result is up to you, whether you'll lose or win." pag e-explain ni Headmaster Gigi. Tumayo ang apat na Headmasters at gumawa ng isang napakalaking barrier. Magsisilbi itong shield sa labanang magaganap, upang hindi umabot ang pinsala saamin. Knowing the Headmasters did it, I'm pretty sure it's a strong barrier. "You can fight all you want inside the barrier. Kahit masaktan kayo at masugatan nang ilang beses, hindi kayo masasaktan pag nakalabas na kayo. The pain you'll feel is real,  but the wounds are not. You can hurt each other but you are not allowed to kill one another." Pagpapaalala ni Headmaster Zeke This guy is handsome! Lahat 'ata ng mga Headmasters dito may itsura. Sana ganito ang mga Headmasters sa mundo ng mga tao. Ang kaso, matatanda na sila. Kami naman 'di na tumatanda, kaya natural lang na wala kang makikitang matanda rito. Magsasalita pa sana si Headmaster Zeke nang agawin ni Headmaster Tina ang mic. "I want you to show us your Ancient Animals. It's been so long since I saw them, especially for the Elementalist." Natutuwang sabi ni Headmaster Tina. "The first one who'll fight is the Legendary Elemental Water User Senahlline Derailia, and the Legendary Elemental Earth User, Kendrick Simon." Napairap na lang si Sena doon sa lalaking nagngangalang Kendrick.  Looking at how she react towards him, I guess they are not in good terms. Oh well, this is going to be interesting. A fight against water and earth. Who will win the fight? "Wish me luck guys!" She said as she waved her hand and went down. I can feel Sena's powerful, I'm sure of that. "GO SENA!" Sigaw namin ni Kylla. I saw how Fire covered her ears while rolling her eyes. Noise is her number one enemy. Napailing na lang ako.  "You may begin." Napatingala ako nang may makita akong sumabog sa taas. Bumulag ang kulay pulang usok na dulot ng pagsabog. Agad nagpalabas ng water spikes si Sena, pero kaagad naman itong sinangga ni Kendrick ng bato. Dahil sa lakas ng impact ng water spikes ni Sena, iilan sa mga batong ginamit ni Kendrick na pansangga ay tumalsik papunta sa kaniya. Bago pa man ito tumama sa kaniya, nagawa na niya itong iwasan nang mabilisan. Ngumisi naman si Kendrick. May lumabas na dalawang vines sa magkabila niyang kamay. Malilikot ang mga ito at parang nakikipaglaro lang. Mabilis pa sa alas-kwatrong kinumpas ni Kendrick ang magkabila niyang kamay upang hulihin si Sena. Tinaas ni Sena ang kaliwang kamay niya, lumiwanag ito, at sa isang iglap nagkaroon ng espada ang kamay niya. Sumugod ito papalapit sa mga vines at walang pakundangan itong pinagpuputol na parang sumasayaw lang sa indak ng musika. Binaba ni Kendrick ang kamay niya kaya naman nawala ang mga vines. Tumigil na rin sa pagwasiwas ng espada si Sena. Nagtagisan lang silang dalawa ng tingin na animo'y tinatantya nila ang lakas ng isa't-isa. I'm not quite sure myself but there is something with the way they look at each other. Isang panibagong ngisi ang kumawala mula sa labi ni Kendrick. Tinaas nito ang kaliwang kamay at pahampas itong hinataw sa hangin. Kasabay nito ay ang paglabas ng isang mahabang latigo mula sa kaniyang kanang kamay. Hindi ito isang ordinaryong latigo lamang, sapagkat nakapalibot dito ang isang halaman na kilala sa mundo ng mga tao bilang Venus flytrap. Kitang-kita ko pa mula sa kinatatayuan ko ang tulis nito na nagsisilbing ngipin ng halaman. It looks deadly.Tinapat nya ito kay Sena. Instead of feeling intimidated, she just smiled at him sweetly. Walang ano-ano'y nagpalabas din ng latigo si Sena. Her's was not an ordinary whip too, every ends of her whip was full of poisonous black pearl. Isang tama ng latigo ni Kendrick, duguan ka na. Isang tama ng latigo ni Sena, di ka na makakagalaw sa kinatatayuan mo. I bit my lips with the excitement I'm feeling. I'm getting even more interested with each one of them and the elements they possessed.  They started to stroke their hands in motion. They're attacking, ang dodging each others vivid attacks. Wala ni isa sa kanila ang pumalyang maiwasan ito. Nakakamangha silang tingnan sa bilis at pulido ng bawat galaw nila. They look like they were dancing in the rhythm of a certain music.  Sa huling pagkakataon, nagsanggaan na naman ang latigo nilang dalawa. Nakapulupot ito nang mahigpit kaya mabilis na napatunghay silang dalawa. Nakita ko kung paano maglagay ng pwersa ang dalawa. Ilang sandali ang lumipas, buong pwersa nilang hinatak ang latigo nila upang paghiwalayin ito. Dahil sadyang malakas ang mga lalaki, nabalya ni Kendrick ang whip kaya napaikot ng alanganin si Sena. Napatakip ako ng bibig dahil papatama ang whip ni Kendrick sa braso niya. Huli na at di na niya ito naiwasan pa. Tumama ang dulo ng latigo ni Kendrick kaya napaatras si Sena. "S-sorry, Sena." Alanganing wika ni Kendrick. Napansin ko ang pag-aalala sa mga mata nito kaya napangiti ako. Looks like there is something about him and her. I knew it the moment I saw how they look at each other. Tumango lang si Sena bilang sagot. Hawak-hawak niya ang braso niyang duguan. Kahit pa sabihin mong daplis lang 'yon, alam kong masakit 'yon. Isa pa, kumpara sa normal na armas, mas malakas at mas masakit ang mga armas na hinahaluan ng mahika. Kaya kahit daplis lang, nagdurugo na kaagad. "Siren of the Sea." Ikinumpas ni Sena ang kamay niya. Napaatras pa kami nang konti dahil sa pagtalsikan ng tubig sa barrier. Umilaw ang mga mata nito at unti-unting lumabas ang isang napakagandang dilag mula sa kaniyang katawan. Mahaba ang kulay asul na buhok nito, malaporselana ang balat, may buntot ng sirena, at di mo rin maitatanggi ang kagandahang taglay nito kahit pa may iilang kaliskis sa mukha. I was literally amazed, her Ancient Animal doesn't look like an animal at all! She's the Water Elemental User, that explains why her Ancient Animal is a mermaid. It looks beautiful and amazing! "Prince of the Silent Woods."  Kasabay nang pagbigkas ni Kendrick ng mga katagang 'yon, yumanig ang kalupaan. Umilaw rin ang mga mata nito, unti-unting lumabas ang isang mabalahibong nilalang mula sa katawan niya. Mahasik ang mala-tsokolateng mata nito, matalim ang mga pangil na para bang handa nang manakmal ano mang oras. The Earth Fox. Naghiyawan ang mga tao nang masaksihan ang mga ito. Matagal-tagal na ata nilang 'di nakikita ang kagandahan ng mga Ancient Animals ng mga Elementalist. Ang mga klase ng Ancient Animals na hindi basta-basta, mga Ancient Animals na ang mga hayop mismo ang pumili sa magiging amo nila. Tulad ng pagtititigan ng mga amo nito, nagtitigan din ang mga ito. Hindi ito maaaring umatake hangga't di nagbibigay ng pahintulot ang nagmamay-ari sa kanila. "Tsunami wave!" Hinampas ng sirena ang buntot nito. Marahas na humampas ang isang malaking alon mula sa buntot ng sirena. Wave of waters started to rise in about ten meters high. "Earthquake shock!" Umalulong ang Earth Fox ni Kendrick, kasabay nito ang pagyanig na naman ng kalupaan. Nagsimulang magkandabitak-bitak ang lupa, at papunta ito sa dereksyon ni Sena. "Attack!" Sabay nilang sigaw. With their command, the Ancient Animals obeyed them and attacked each other. Nag-away na ang mga ito, kaya naman tutok na tutok si Sena at Kendrick sa labanang nangyayari. They were using their own powers and special abilities against each other. Paminsan-minsan ay natatamaan ang Ancient Animal ni Kendrick, minsan naman kay Sena. Halos patas lang ang mga ito't kung patuloy silang maglalaban ng ganiyan walang mananalo sa kanila. "Sing!"  Sena commanded her siren. Tumalima kaagad si Kendrick nang marinig niya ang iniutos ni Sena. Ang kanta ng isang serena ay nakakahilo, nakakawala ng enerhiya, wala kang ibang gugustuhin kun'di ang matulog. A siren's voice is fatal to anyone who hears it. "Howl!"  Kendrick yelled to counter her attack. Bago pa maibuka ng Earth Fox ang bibig niya upang gumawa nang ingay, kumanta na ang sirena. Naitikom nito ang kaniyang bibig at parang tutang naging maamo ang mukha nito. Sa ganda ng boses na naririnig niya ay wala siyang ibang nagawa kun'di ang matulog. Napakamot na lang sa batok si Kendrick. Naunahan na siya ni Sena kaya wala na siyang nagawa. Akmang ikukumpas pa nito ang kaniyang mga kamay nang 'di na siya makagalaw pa. Gulat na napatingin siya kay Sena, naka ngiting tagumpay ito. "Sorry but, di mo napansin ang black pearl na nakadikit sa sing-sing mo." Agad napatingin si Kendrick sa sing-sing niya. Napailing na lang siya dahil dito. He didn't noticed it because he was too focused in their Ancient Animals. "You won this time." Kendrick said with a smile on his lips as he admitted defeat. Naghiyawan ang mga tao, ang iba ay napapatayo pa habang pumapalakpak. Manghang-mangha ang mga ito sa labanang nakita kahit pa sobrang bilis ng pangyayari't halos hindi nila makita ang mga galaw ng mga ito. "Evenesce." Sabay na nawala ang mga Ancient Animals ng mga nito. Lumapit pa si Kendrick kay Sena para makipagkamay. Awe, that's sporty. "Congrats Sena!" Sigaw ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa amin at nagtatatalon pa sa tuwa. She looks so happy she won over him. Pagkatapos ng ilang sandali, lumiwanag ang cloak niya. Kuminang lalo ang mga dyamanteng nakapalibot dito, lalong-lalo na ang kulay gintong lining nito. Tumingala ang lahat upang tingnan ang Level ng mga nito. Level 64 si Sena, at Level 64 din si Kendrick. Oo,natalo ni Sena si Kendrick, pero Level 64 na talaga si Kendrick dati pa. Kaya 'di na madadagdagan ang Level niya this year dahil natalo siya. Nagpalakpakan ang mga Headmasters. Pagkatapos nito ay tinawag na nila ang susunod na maglalaban. Nakita ko ang pag ngisi ni Fire sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakakaba talaga 'to kapag ngumisi. It's like she know something bizzare is gonna happen.  I don't really know how her mind works. "Legendary Fire Elemental User Xai Lune Alcantara, and the Sub Water Elemental User, Joana Narielle." I saw ho she smirk as she twirl her flute using her fingers. Fire Elemental User versus the Sub Water Elemental User. The winner is obvious. You're thinking water can win against fire, but he's only fighting with a Sub Water Elemental User. Sub Elements aren't that strong. They only possess half of the elements rightful power. Sa nakikita kong reaksyon ni Fire I'm sure she's thinking this fight won't last long. He will win. Inalis ko muna ang tingin ko sa kaniya dahil magsisimula na ang labanan ni Xai at Joana. It's fire against water. A Fire Elementalist vs the Sub Water Elementalist. Naglabas ng Water ball si Joana pero si Xai naman pinalabas kaagad ang 7 headed dragon niya. Nanlaki ang mata ko. He's obviously insulting her. Ayaw na niyang patagalin ang laban kaya pinalabas na niya kaagad ang 7 Headed Dragon niya. This guy is obviously too short tempered. Parang pinapakita niya na wala talagang binatbat si Joana sa kaniya. "Jerk."  Maanghang na wika ng katabi ko. Nagsimula namang magbulungan ang ibang babae na nakarinig sa sinabi niya. "What did she called him?" A certain woman whispered out of nowhere. "Bingi? Jerk daw!" Sabi ko. "Kapal naman ng mukha ng babaeng yan! Eh kung ipasunog ko kaya siya kay baby Xai? Kala mo kung sinong makapangyarihan!" Inis na sabi nung babaeng nakaupo sa baba. I rolled my eyes, maka-react kala mo sila sinabihan ng 'jerk' eh. Pagtatampalin ko kaya sila? Napatingin ako kay Fire, wala lang siyang pake sa mga naririnig niya. Patuloy lang siya sa pagpapaikot ng flute na hawak niya. What I really like about her is the way she mind her own business and the way she don't give a single f**k about what the people say around her. Sa mga sandaling 'yon nakarinig na lang ako nang malakas na pagsabog. Nang ibaling ko ang tingin ko sa Battle Grounds tumalsik na si Joana sa isang tabi. My mouth parted open in shock. Nanlaki na rin ang mata ko dahil sa ginawa niya. Just like that, a matter of a few seconds, the fight was over. There's no thrill and tension between them, it was obviously one-sided. She was overpowered by Xai and it's pretty obvious who will win in the first place. The only thing that makes it worth watching was his Ancient Animal, the seven headed dragon. Nakita ko't napagmasdan itong mabuti't hindi ko maitatanggi ang kagandahan nito.  In the end, Xai was Level 74 and Joana's Level 59. The difference of their level is huge. Bigla na lang akong natawa nang may sumagi sa isip ko. In our world, the passing grade is always 75, he didn't pass the human grades standards. Kylla Kagat-kagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko nang tawagin ang pangalan ko at pangalan ni Onyx. He's my opponent for this month's Legend Enchanter. Hindi ko maitatanggi ang kabang nararamdaman ko dahil ayaw kong mapahuya't gusto ko mapatunayan na lumakas din ako kahit papaano. It's gonna be the Ice Elemental User against the Lightning Elemental User. Huminga ako nang malalim nang makarating ako sa Battle Grounds. As soon as I stepped my foot, ice started to enveloped the ground. I felt the temperature increases and the ambience emmidiately turned cold. When I look at Onyx, I saw how he smirked at me, showing is white teeth. Seeing him smirks at me makes me want to punch him on his face. Kinumpas ko ang mga kamay ko at nagpalabas ng mga matutulis na ice. Sa isang iglap, nabasag lang ito dahil pinatamaan niya ng kidlat. I narrowed my eyes at him, he's too calm. I hate the way how calm he is. Tinaas ko ang magkabila kong kamay, may nagsilabasan ditong yelo na hugis bilog, may mga matutulis na spikes din ito sa dulo. Buong lakas ko itong hinagis sa kaniya, pero 'gaya ng inaasahan ko, nagawa niya itong sanggain sa pamamagitan ng paggawa niya ng barrier upang protektahan ang sarili niya. Napailing na lang ako. Padeskartehan na lang 'tong sa amin kung sino ang mananalo. He winked at me and I glared at him. I hate the way he smiles. Argh. Nakakairita. "Love you!" Mas lalo lang nadagdagan ang inis na naramdaman ko sa kaniya. The audacity of this jerk!  Dala ng emosyon na nararamdaman ko'y hindi na kao nagpaligoy-ligoy pa. Kinumpas ko ang kamay ko, I'm calling my Ancient Animal in my inner self. "Freezing Dragon of the South!" Nairita ako lalo nang magpalabas din siya ng Ancient Animal niya, Lighting Dragon of the North. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya kaya mas lalo akong naasar. Ewan ko ba, ayaw ko talagang nakikita siyang nakangisi. Parang gusto kong burahin ang ngisi sa labi niya para kumalma ang sistema ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkainis, may narinig akong tinig sa isip ko. Napakurap ako ng ilang beses, panandalian kong inialis ang atensyon ko kay Onyx. "Don't let your emotions get the best of you."  It was a female's voice and she was giving me a friendly reminder not to get carried away by my emotions. Napakunot ang noo ko nang marinig na pamilyar sa akin ang boses niya. If I'm not mistaken, the owner of that cold and mysterious voice was Fire. Nilibot ko ang paningin ko, Nakita ko siyang nakapikit ang mata habang hawak-hawak ang flute niya. Umiling na lang ako, hindi siya yun. She's asleep, besides, people can't use telepathy if they're unconscious. "Attack!" Bumuga ng ice fragments ang Ice Dragon ko, at sinangga naman iyon ng Lightning Dragon ni Onyx. Ito na nga ba ang kinaiinisan ko! Madali lang masira ng lighting blast ang yelo, kaya ako ang dehado rito. No matter how huge of ice I throw against him as an attack, he can easily destroy them with just a single flick of his fingers. Habang abala sa paglalaban ang mga Ancient Animals namin, pasekreto akong gumawa ng ice bow, plano ko sana itong itira sa kaniya, pero nahagip niya ako. Bigla na lang may lumabas na kuryente sa kamay niya. Nanalaytay ang kuryente sa yelong nasa paanan ko lang. Di ako nakaalis kaagad sa kinatatayuan ko, kaya huli na nang malaman kong nanginginig na ang buong katawan ko. Pinilit kong makaalis, at nagawa ko naman ito. I don't want to lose against him. Marahas kong inilabas ang espada kong umuusok pa sa lamig. "Getting hot already, huh?" Sabi niya sabay kindat. Dahil madali akong mainis sa pangit na pagmumukha niya, kaagad akong sumugod sa kaniya. Nagkrus ang espada naming dalawa. Nagtulakan lang kami habang nagtatagisan ng tingin.Kahit babae ako ay 'di pa rin ako magpapatalo sa kaniya.Nawala siya bigla panandalian sa focus kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yon upang sipain siya sa tuhod. Napaatras siya dahil sa ginawa ko, pero nakapaskil pa rin sa labi niya ang isang ngisi. "Salamat naman at hindi mo ako sinipa sa kayamanan ko. Siguro gusto mong magkatuluyan tayo, hmm? Para makagawa tayo ng baby? I know you had a huge crush on me, Kylla." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What the hell did he just say? Dahil kasukdulan ang paagkainis ko sa kaniya, gumawa ako ng kutsilyo gamit ang ice. Isasaksak ko na sana ito sa kaniya pero naunahan na naman niya ako. Tuluyan na akong kinuryente ni Onyx. Dahil dun, na paralyze ang katawan ko dahil 'di na ako makagalaw. Nagtagis ang bagang ko. Nanalo siya. Natalo ako ng isang hinayupak na babaero! I'm Level 60, at Level 64 naman siya, at kanina pa panay ngisi at pang-aasar niya sa akin dahil natalo niya ako. Maybe I should have listened to that voice. Sana hindi ako nagpadala sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. "The next will be the Sub Wind Elemental User Miss Pinky Dizon, and the transferee Miss Shandice Ceralline Saraj." Mabilis akong napatingin kay Shandice. I was worried about her since si Pinky ang makakalaban niya. The transferee versus the Sub Wind Elementalist. Hindi ko alam kung ano ang Legend ni Shandice kaya kahit na nag-aalala ako sa maaring mangyari sa kaniya ay gusto ko pa rin sila maglaban upang malaman ang taglay niyang kapangyarihan.  I bet this going to be interesting! To be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD