Dahil sa nangyari kanina kinausap namin si Kerswel, kung bakit nagkakagano'n si boss. Ayoko pa naman na nag-aaway away kami bata pa lang kami magkakasama na kami, sana naman 'wag masira angng mga magandang samahan namin. Ano ba naman kasing kalokohan ni Kerswel eh. "Tsk mas'yadong seloso lang ang boss na'tin." Ani Kerswel. "Alam mo naman pala bakit mo pa ginalit?" sabi ni Derel. "Hays, ewan ko sa kan'ya." Napailing na lang ako, hay na'ko mga pasaway. "Tang*na naman, Kerswel! Gusto mo ba talaga mamatay ha?" inis na tanong ko rito, puro kalokohan kasi. "Hindi sinubukan ko lang naman si boss, mas'yado kasing torpe ayaw pang umamin. Tapos magseselos wala naman sila!" ani pa nito. "G*go, dahil sa ginawa mo paniyak na hindi ka mapapatawad ni boss! Dapat hinayaan muna lang s'ya!" ani ko.