pagkarating ko sa bahay, agad akong nag-park at pumasok sa loob. Nairita bigla ako ng makita si Shairly na kinakausap ang isa sa mga mib's, nakakainis ang lambing pa ng pagsasalita ng babaeng ito. Talagang nagmamakaawa pa, buwisit! Ano bang nangyayari sa akin, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito. Dapat wala akong paki sa kan'ya 'di ba. Argh! Nababaliw na yata ako. "Mr. Pogi, sige na ibili muna ako please..." pogi? Mas lamang naman siguro ako ng kapogian sa lalaking 'yan, samantalang ako 'di ako matawag na pogi tsk. Puwede naman n'ya akong tawagan kapag may ipapabili, kailangan sa mib's pa magpabili tsk. As if naman papayag ako. "Madame, hindi po talaga puwede..." "Please..." dahil sa inis ko dahan dahan akong lumapit sa harap ng tauhan ko at sinamaan ito ng tingin na ikinaputla n