chapter 1
Bata palang ako ramdam ko na nawalang pagmamahal sakin ang aking tatay. Di ko alam kung bakit di nya ako magawang mahalin.
Lagi kong pinagseselosan ang aking mga kapatid dahil sa ipinapakita ng tatay ko na pag aalaga sa kanila, samanlatang ako ito nanglilimos ng pag mamahal.
Alam kung si mama lang ang nag mamahal sakin, pero minsan napapansin kong konti lang din ang pagmamahal na ibinibigay nya sakin.
Sobra akong naaawa sa sarili ko, hindi ko alam kung saan ba dapat akong lumugar sa buhay nila. Pinagkaitan ako ng pagmamahal at pag aaruga, pero kahit ganun ang nangyari sa buhay ko alam ko sa sarili ko na mahal ko sila.
Marami akong mga bagay na gusto nung bata pa ako, Madami akong pangarap pero sa tuwing sinasabi nila na wag na akong mag aral dahil mag aasawa lang din ako, dun ako pinanghinaan ng loob pero pinilit kong bumangon at patunayan na kaya kung matupad ang pangarap ko kahit na ilan beses nila akong idown, kahit ilan beses nila sakin iparamdam na wala akong kwenta, kahit na ilan beses nila akong bugbugin at ipakita na wala silang kahit konting pagmamahal para sakin, tinanggap ko ang lahat ng ito at natutong tumayo sa sarili kong mga paa. Ako si Lirah De Guzman at ito ang aking kwento.
-------------------
Simula ng nagkaisip ako ramdam ko na walang nagmamahal sakin. " mama gusto ko ng cake sa birthday ko" sabi ko sa mama ko, nalaman ko kasi na malapit na birthday ko dahil sa ninang ko, kaya ito nagsabi na ako sa mama ko
" Hoy!!! Lirah wag mo ngang kulitin ang mama mo, wala kang handa sa birthday mo, ibibili nalang natin ng gatas ng kapatid mo kesa ipanghanda mo." sabi ng papa ko at mainit na naman ang ulo sakin "dun kana nga sa labas" dugtong pa nya kaya nalungkot ako at lumabas. Nakita ko si ate na naglilinis ng bahay at lumapit ako sa kanya "ate bakit ganun sakin si papa kung ituring nya ako parang di nya ako anak" sabi ko sa ate ko na may nagbabadyang luha sa mata.
"Hayaan mo sya Lirah baka pagod lang si papa" sabi ni ate habang nakatuon ang sarili nya sa paglilinis "Lirah halika dito bunutan mo ako ng uban" tawag sakin ng papa ko, pero di ko pinansin " Pumunta kana dun Lirah, baka magalitan kapa ni papa" sabi ng ate ko kaya tumalikod na ako sa kanya pero di pa man lang ako nakaka isang hakban narinig ko na pag sigaw ni papa " LIRAH" sa sobrang gulat ko napatakbo ako sa kanya "P- Po" at natataranta akong sumagot.
"Bingi ka ba? kanina pa kita tinatawag, oh ayan ang chani bunutan mo na ako ng uban bata ka" sabay tapon sakin ng chani kaya agad ko itong kinuha. "O-opo papa" nauutal kong sagot. Pagkatapon ni papa ng chani sakin humiga na sya at ipinikit na ang mata kaya nagsimula na akong magtanggal ng mga uban nya.
Habang nag aalis ako ng uban dinaupuan ako ng antok kaya napapikit ako. Maya-maya lang "aray" napaangal ako dahil sa pagkutos ng papa ko sa ubo ko, napahawak ako sa ulo ko at ininda ang sakin " bakit ka natutulog? Di ba sinabi ko na alisan mo ako ng uban hindi tulugan," sabi ng papa ko sabay tingin ng masama sakin.
Itinuloy ko ang pag aalis ng uban sa papa ko. Nung mapansin kong tulog na si papa umalis na ako para makapaglaro.
Habang naglalaro ako ng mga goma na nasa kamay ko biglang may humagupit sa aking braso at nakita kong namula iyon at halos masugat. Tumingin ako kung saan ng galing yun at nanlaki ang mga mata ko ng makita si papa pala ang pumalo sakin. Naiyak ako sa sobrang sakit pero sa halip na maawa lalo lang akong pinalo.
Hinablot ni papa ang braso ko kaya napatayo ako "Di ba ang sabi ko bunutan mo ako ng uban, Bakit nandito ka at naglalaro?" galit na pagkasabi sakin ni papa. Kaya tumulo na ang aking luha pero di man lang ako kinaawaan ako ni papa. " anong iniiyak iyak mo dyan, baka gusto mong ingudngod kita dyan sa lupa" sabi ni papa at itunuro ang lupa kaya pinigilan ko ang aking paghikbi at kinaladkad ako papasok. "Oh ayan bunutan mo na ulit ako ng uban" kinuha ko ang chani na ibinigay sakin at nagsimula ng mag alis ulit ng uban.
Pagkatapos kong bunot lahat ng uban ni papa tumayo na sya at nagtungo na sa labas kaya ako naman humiga at dinalaw na ng antok.
" Lirah gising na dyan kakain na daw sabi mama " sabi ni ate habang niyuyugyog ako " ate antok pa ako eh " pagmamaktol ko " sige ka malalagot ka kay papa pag di ka dyan tumayo " pananakot nya pa sakin kaya nagmulat na ako ng mata at nakasimangot na bumangon. " Takot ka no heheh" natatawang sabi ng ate ko at tumayo na rin ako para makasabay sa kanya sa kusina.
"Ate wag mo akong iwan" habol ko sa ate ko. Paglabas namin ng pinto nakita ko nasa hapagkain na na silang lahat kami nalang ni ate ang kulang. Galit na naman ang mukha ni papa kaya yumuko ako sa takot.
"halina na kayong dalawa dito at kumain na" aya ni mama kaya nag madali na kami ni ate na maupo sa lamesa. Madaming pagkain ang nakahain sa lamesa, sa sobrang dami din kasi namin. 7 kaming lahat si mama, si papa , si kuya Alden, si Kuya Joey, Si ate Mhay , ako at ang bunso namin kapatid na si mirah na ngayon karga karga ni mama.
Bali 9 talaga kami kaso ipinaampon ni mama ang isa namin sakapatid dahil sa malubhang sakit nya. Nakaupo na kaming lahat sa hapagkainan, si mama ang nagsandok ng kanin namin, ibinigay muna ni mama ang bunso naming kapatid kay papa para maayos makapagsandok ito.
Nangmabigyan kami ng kanin kumuha agad ako ng may katang karne na may kasama berdeng gulay na may butas sa gitna, agad ko yung isinudo. Napatigil ako sa sobrang ang hanggan gustong kung iluwa pero nakita ko mukha ni papa na galit na nakatingin sakin kaya dahan dahan akong ngumuya at nilunok ito. Halos maiyak ako sa anghang " Mama ang anghang po" sabi ko sa mama ko at naluluha na ako dahil pakiramdam ko sinusunog ang bibig ko.
"Yan napapala mo tanga tanga ka talagang bata ka, nakikita mo ba yan mga sili na yan? kung di ka kasi matakaw at kala mo patay gutom di sana di ka nagkaganyan" sabi ni papa kaya napayuko ako at nanahimik nalang tsaka hinayaan mawala ang anghang saking bibig.
"Teodoro timigil kana dyan, o ito Lirah uminom ka ng tubig. Ikaw naman kasi maghintay kang mabigyan ng ulam para di ka nagkakaganyan" sermon sakin ni mama habang inaabot ang tubig sakin at ininom ko naman agad yun.
"Sorry po mama nagugutom na po kasi ako" pabulong nasabi ko pero alam kong rinig nya. "yan ka na naman Mona kinampihan mo na naman anak mo, kay lumalaking walang alam eh" naiinis na wika ni papa kay mama. "Di ko sya kinakampihan, kaya lang kita sinaway dahil nasa harap tayo ng pagkain tapos pagagalitan mo pa sya tsaka 5 na taon palang yan si Lirah kung galitan mo akala mo naman nasa wastong gulang na" sabi ni mama na naiinis na rin. Tahimik naman akong kumakain binigyan nalang ako ni mama ng isda. " Oh sige na kumain na tayo, bago pa ako mawalan ng gana" sabi ni papa at sinimulan na nitong magkamay habang si Mirah naman kinuha ni mama dahil tulog na ito at dahan dahan nyang inilapag sa higaan.
Nakaramdam ako ng tinik sakin lalamunan pero di na ako nag sabi kila mama, tahimik nalang akong lumunok ng buong kanin para mawala ang tinik, pero kahit anong lunok ko ni maalis "okay ka lang ba Lirah" mula sakin gilid narinig ko ang tanong si ate kaya tumango lang ako at di sya sinagot dahil nasa bibig ko parin ang malaking kanin na handa kong lunukin para sa tinik sakin lalamunan.
"sigurado kaba, eh halos punuin mo na bibig mo ng kanin eh, baka makita ka naman ni papa pagalitan ka na naman" sinsirong sabi ni ate kaya napaangat ako ng tingin para makita si papa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil abala ito sa pagkain. Nilunok ko ulit ang kanin sa bibig ko bago humarap kay ate sa gilid ko. "Oo ate okay lang ako kaso natinik ako medyo masakit parin lalamunan ko, pakiramdam ko nandun parin yung tinik" sabi ko kay ate tumayo naman si ate at may kinuha sa gitna ng lamesa at umupo ulit " oh ito ang kainin mong saging, wag mo masyadong kanguyain at lunukin mo agad" sabi nya pagkaharap sakin at inaabot ang saging agad ko naman kinuha at sinunod ang sinabi nya.
"Ano bang yan ginagawa mong bata ka ha? kanina kapa saging ng saging" galit na puna sakin ni papa at nalunok ko na nasa bibig ko na di manlang nagawang nguyain dahil sa pagkabigla buti nlng at di ako nabilaukan. Napayuko ako at di ko tiningnan ang galit na mukha ni papa.
"kumain kana ng kanin tigilan mo na yang saging, hahambalusin kita dyan!" Banta ni papa habang itoy galit na galit.
Kaya dali dali ako kumain ako at pigil luha ako habang sumusubo ng pagkain.
"Doro tumigil kana nga kabubunganga dyan sa anak mo, nasa harap tayo ng pagkain tapos ang ingay ingay mo. si Mirah natutulog din" naiinis na sinaway ni mama si papa, tumigil naman si papa at masamang tingin ang binigay nya Kay mama.
"Ayan ka naman, kaya lumalaking tanga yan anak mo dahil sayo" pang iinsultong sabi ni papa kaya napayuko nalang ako. Sanay na Kasi Ako nasabihan ng tanga kaya di na Ako naluluha pa. Simula ng magkaisip Ako ganito na sya sakin. Limang taon palang ako pero kung sabihan akong tanga, parang ganun talaga ako, nakakapangliit.
"Hoy Doro tumigil kana at kung sinasabi mo kinakampihan ko Yan si Lirah nagkakamali ka, ayaw ko lang sa harap ng pagkain ganyan asal mo. Tsaka Ang liit pa nyang anak mo para ganyanin mo" taas kilay ni mama pagsasaway Kay papa. Tama naman sya ni minsan di nya ako kinampihan sinasaway nya lang si papa kapagnaririndi sya at kapag nasa harapan ng pagkain. Oo minsan iniisip ko na pinagtatanggol ako ni mama pero mali pala ako.
Akala ko dati mahal na mahal Ako ni mama pero nung ipinanganak nya si Mirah parang hangin nalang Ako sa paningin nya. Tanging si Ate Mhay nalang ang kakampi ko.
"Ewan ko sa iyo Mona, Langya nakawalang gana kayo" Galit na sambit ni papa bago ipinagpag Ang kamay na may kanin sa pinggan at tsaka tumayo at tinungo Ang lababo at naghugas ng kamay.
"Hoy saang ka pupunta hah? Galit na tanong ni mama. "eh Saan paba? malamang sa labas at ng makapagsigarilyo alangan naman sa kwarto, D'yan na nga kayo nakawalang gana kayong kasali" pilosopong sagot ni papa bago humakbang parungong pinto
" Sa labas o sa babae mo, hoy Doro Kilala kitang hay*p ka" inis sambit ni mama at hinarap si papa.
T*ng Ina naman Mona di ka paba titinggil kanina Kapa ah. D'yan nga lang Ako sa labas magninigarilyo pipigilan mo pa ako" Galit parin na sambit ni papa habang nasa hamba na ng pinto.
"Siguraduhin mo lang Doro, pagnahuli ko kayo ng babae mo malalagot kayo sakin" nakapamay awang si mama habang binabantaan ni papa.
"Lintik ka talaga tumigil ka na nga nakakarindi ka na, Bahala na kayo d'yan" sabay sarado ng pinto ni papa at di na hinintay makapagsalita si mama.
"DORO!!" sigaw ni mama pero naisara na ni papa Ang pinto. Huminga ng marahas si mama bago humarap samin.
"Oh!! Anong tinutunganga nyo d'yan magsipagkain na nga kayo" inis na puna na samin kaya mabilis kami kumilos para kumain.
Ganyan lagi sila mama at papa kung mag away pero di pa yan ang malala.