SUFFERING

1082 Words
Chapter Nine -Marta/Marisol Habang lumalaki si Baby Julio ay makikita ang malaking pagkakahawig nito sa kanyang ama. Matalino itong bata dahil sa edad nito halos tatlong taon ay kaya na n’yang masulat ang kanyang sariling pangalan at kabisado na rin nito ang alpabet. Pati sa pabibilang ay halos alam niya hanggang one to one hundred kaya sobrang natutuwa dito ang mga ninong at ninang niya. Darecho na rin ito masalita at parang hindi ito duaman sa pagbaby talk tulad ng ibang bata. Ilang beses na ring dumadalaw dito si Raymond at ang alam ko ay naghahanap din ito sa isang babaeng tinakasan din daw siya after ng one night stand. Ewan ko ba sa magkaibigan na ito pareho pa ng karanasan pagdating sa babae. Wala akong naging balita sa pilipinas dahil hindi rin naman ng kukuwento sakin si Raymond, basta ang madalas niyang sabihin ay okey lang naman daw ang lahat don at hindi pa naman daw natutuluyang mabaliw ang dati kong asawa. Oo dating asawa dahil na pirmahan ko na ang annulment paper na pinadala nito kay Raymond. Ang sabi nito na skin dati ay iniwan daw yun sa office ng isang tauhan ni Jacinto at nakalagay sa sulat na ibalik na lang daw nito kapag may pirma ko na. Kaya pinadala nito sakin at pinirmahan ko na agad naisip ko kasi walang saysay ang manatili pa ako sa buhay nito, dahil alam ko una palang ay hindi naman tama ang lahat sa aming dalawa. Nalaman ko ring magpapakasal na sila ni Ate Erica kaya ano pang saysay kung maghahabol pa ako sa lalaking hindi naman talaga sakin. Sa ngayon ang importante na lang ay ang anak ko at okey na sakin na kami lang dalawa. Sa ngayon nga ay nalalapit na ang ikapitong kaarawan ni Julio at nasa mall kami para sana mamili ng mga gagamitin naming sa party nito. Sa tagal ko rin dito ay natutunan ko na ang kanilang salita at kilos kaya masasabi kong naging maayos ang pananatili ko dito. Kasama ko sina Nelia at Kalley, buhat naman si Julio ng Ninong nitong si Eman. Wala kasi ngayon si Totsie dahil umuwi ng pinas naka leave kasi ito ngayon pero nagsabi ito na babalik bago ang birthday ng anak ko. Habang namimili kami ay bigla na lang lumabo ang aking paningin napahawak pa ako sa braso ni Nelia dahil nawawalan na rin ako ng balanseng tumayo hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. “Mommy,,,, “ Narinig ko na lang na tawag ng aking anak. Nagising ako dahil sa haplos ng maliit na kamay na alm kong sa aking anak. Kaya napapangiti naman akong dumilat nguni’t malabo ang aking nakikita, nagtaka pa ako at muling pumikit para marelax ang aking mata at muli itong luminaw. “Mommy ko.” Naka ngiting sambit ng aking anak naupo ako para mayakap ito nakita ko sa mga mata nito ang pagluha. “Baby ko, please don’t cry Mommy is okey now.” Sabi ko dito sa malambing naboses. Ilang sandali pa ay nakita kong papasok ang mga kaibigan ko at makikita sa mga mukha nito ang kalungkutan at nakikita ko rin ang pamumula ng mga mata ng mga ito. Gusto ko sana magtanong pero narito ang aking anak kaya mas mabuting mamaya ko na lang sila kausapin kung ano ang mga problema ng mga ito. Nakatanaw lang din ang mga ito sakin hanggang pumasok ang dalawang doctor at isang nurse. “How are you feeling Ms. Gomez?" Tanong sakin ng isang doctor na babae, bago ko ito sagutin ay sumenyas ako kay Eman na kung puwdeng ilabas muna niya sa Julio ramdam ko kasing may gustong sabihin sakin ang mga doctor. “I feel fine now doctor. Am I sick?" Darecho kong sagot dito. Napatingin naman ako sa dalawang kaibigan kong babae ay pareho na itong lumuluha. “We found a blood clot on the right side of your brain, and because of that there is a swollen vein connected to your eye. So you have to need surgery to prevent your from going blind." Salita sakin ulit ng lalaking doctor. “But there's something else you should know before we do the surgery on you." Napatingin naman ako sa doctor na babae at makikita dito ang kalungkutan para sakin. "What is that?" Seryosong tanong ko dito. "You may lose your memory in the past ten year." Sagot sakin, natuluhang bumuhos ang aking mga luha. Lumapit sakin ang dalawa kong kaibigan para damayan ako niyakap ako ng mga ito pero sadyang nanghihina ako sa mga naririnig ko ngayon. Ibig sabihin kasama ang anak ko sa mawawala sa ala-ala ko, pero kung hindi ko yun gagawin mabubulag naman ako. Anong klaseng pagsubok pa ba ang gusto sakin ng d'yos at lahat na lang sakin ibinigay. "You need someone to make a decision because if you take too long, you may be blinded forever Ms. Gomez." Anito ulit sakin at nagpaalam na rin ang mga ito, na siya namang pagpasok ng aking anak. "Mama, warum weinst du?" (Mommy, bakit po kayo umiiyak) Umiiyak na rin nitong sabi sakin. Niyakap ko na lang ito ng mahigpit at pilit iniisip ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko na kasama ang aking anak. Kinausap ko ang mga kaibigan ko para sa magiging kondisyo ko alam kong mahihirap sila pero ayokong mawala sa ala-ala ang anak ko. "Ayoko magpaopera Nelia, Kalley hindi ko kayang mawala sakin ang anak ko tiyak na masasaktan ito kapag hindi ko na siya kilala." Kausap ko sa dalawa pero patuloy lang sa pagiyak si Nelia. "Sissy, kaylangan mong magpaopera para ng sa ganon mabantayan mo ang anak mo, ang ala-ala natin maaaring bumalik tutulungan ka naming maibalik yon. Pangako hindi kami aalis sa tabi kahit ano pa ang pagdaan mo andito lang kami sissy" Salita sakin ni Kalley at hinawakan ang kamay ko, lalo lamang ako naiyak sa mga sinabi nito. Ngayon lang merong nagalala sakin ng ganito, kaya nagpapasalamat ako at sila ang nakilala ko. Nagpaalam na rin ang mga ito pagdating ni Eman may pasok pa rin ang tatlo kaya naman hinayaan ko na lang muna sila. Tumabi ako sa anak ko at niyakap ko ito ng mahigpit. “Pipilitin kong maalala kita anak ko, kayo ng Daddy mo dahil alam kong malimutan man ng isaip ko pero hindi ang puso ko dahil ang pagmamahal ko sa inyo ay walang katulad." Sabi ko sa aking isipan habang yakap pa rin ito. “I love you son.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD