Chapter Twelve
-Raymond-
Nagpipigil ako ngayon ng galit ng mabasa ko ang lahat ng tungkol sa tunay na pagkatao ni Marta o Marisol o mas dapat kong sabihin Ariya Lacsamana, siya ang nawawalang anak ni Tito Art Lacsamana na halos labing limang taon ng hinahanap ng mga ito.
Halos ikabaliw ni Tita Arrianne ang pagkawala nito at dahil don ay nakipaghiwalay si Tita kay Tito Art, at labis iyon ikinagalit nila Daddy at Tito Jaime ang daddy naman ni Jacinto.
Tulad naming dalawa ni Jacinto ay matatalik na magkakaibigan din ang aming mga ama. Kaya naman ang mga Daddy namin ang tumulong kay Tito Art para muling makabawi at makayanan ang lahat ng nangyari sa buhay nito.
Bago pa man ako pumunta kay Jacinto para ipaalam ang tungkol sa sakit ng kanyang asawa ay alam ko na ang lahat ng tungkol dito.
Naghahanap lang ako ng bigat na ibedensiya na ang mga Alcantara ang may kagagawan para wala ng takas ang mga ito.
Sa ngayon ay tinago ko muna ang lahat ng nalaman ayaw ko munang magulo ang isip ng kaibigan ko at baka hindi nito magawang alagaan ang kanyang asawang nakikipaglaban ngayon sa kanyang sakit.
Halos apat na buwan na rin ang nakakaraan ng malaman ko ang tunay nitong kalagayan ayaw pa sana nito ipaalam sakin mabuti na lang at hindi nakinig dito ang mga kaibigan na kasama nito sa Germany.
Nung una hindi pa ako makapaniwala pero nadurog ang puso ko ng makita itong naggagabay na lumapit sa isang mesa dahil sa tuluyan na itong nabulag dahil sa namuong dugo nito sa kanang utak.
-Flashback-
“Marta” Tawag ko dito habang nasa may pintuan at tinatanaw ang mag-inang nagliligpit ng kanilang pinagkainan.
“Tito daddy” Sigaw sakin ni Julio at nagtatakbong yumakap sakin. Ginulo ko ang buhok nito bago ko kinamusta ang kanilang kalagayan.
“How are you here? Do you take care of your Mommy?” Pagtatanong ko dito at kinarga ko nalang ito at lumapit sa kanyang ina na ngayon ay nakaupo na sa isang upuan dito sa loob ng kusina.
“Yes, Uncle Daddy, I'm kind and I'm the one who takes care of my Mommy, only sometimes she's naughty.” Nakayuko niyong sabi sakin at nakita ko naman na papailing na lang si Marta.
“Hindi ako ang makulit baby ayaw ko lang na mahirapan ka.” Sabi nito sa mababang boses. Tinignan lang ako ni Julio at nguso sa kanyang ina. Ngumiti na alng ako dito ay bumulong na hayaan na lang mun anito ang kanyang sa gusto lang nitong gawin.
Ilang sandali pa ay nakatulog na agad si Julio sa aking mga hita nasa sala kasi kami at nanonood ito ng finding nemo sa Netflix. Mahilig kasi ito sa dagat at sa mga isdang naroroon, nabanggit nga nito dati na gusto daw nitong bumili ng dagat at magtatanim ng maraming isda roon.
Natawa na alang akong isipin ang pangarap nito. Balak pa atang maging mangingisda paglaki.
Binuhat ko ito at dinala sa kuwarto ng kanilang mag-ina. Nakita ko namang nakaupo si Marta malapit sa may bintana at kahit walang nakikita at naroroon lang siya at nakikiramdam sa kanyang paligid.
“Tulog na ba siya” Tanong nito sakin at humarap pa na animoy nakikita ako.
“Yes, why are you still awake, it's not allowed for you to stay up late, right?” Tanong ko dito habang ibinababa si Julio sa kama. Lumapit ako dito para makausap ko na rin ito.
“Alam ko kung bakit ka andito Raymond.” Sagot nito sakin, naikinalingot ka naman dito.
“If you already know. I want to know your answer.?” Sagot ko sa seryosong boses.
“Dahil isa akong Ina at ayaw kong makalimutan yon Raymond.” Madamdamin nitong sagot sakin.
“Think about the possibilities that I could have surgery on you Marta. You can take better care of Julio and if you can't remember it, we are here to help you bring back your memories.” Aniko dito at tinitignan lang ang magiging reaksyon nito.
Naluluha lamang ito habang iniisip ang mga sinabi ko. Hindi na ito sumagot at niyakap ko na alng ito habang patuloy sa kanyang pag-iiyak. Ramdam ko ang bigat ng pinag-dadaan nito ngayon.
Ayaw nito magpaopera dahil ayaw nitong makalimutan ang kanyang nag-iisang anak. Dahil ang sabi ng mga doctor kapag naoperahan ito ay makakakita na pero ang magiging kapalit ay ang pagkawala ng mga ala-ala nito sa loob ng sampuntg taon, At iyon ang bagay na ayaw nitong mangyari kaya naman ako na mismo ang gumawa ng paraan para malaman kung anong aksidente ang nangyari dito noon.
-End flashback-
At dahil nga sa nalaman ko ngayon ay halos sumabog na ako galit. Gusto kong sabihin ito kila Tito Art pero isang result pa ng DNA test ang dapat kong gawin at kapag nakonpirma ko ay kakausapin ko na ang mga ito para ipaalam ang mga nalaman ko.
At dahil dun ay napilitan akong ipaalam ito kay Jacinto, kaya ko naman siya ipagamot kaso naisip kong karapan nitong malaman ang tungkol sa asawa nito.
Yes, Asawa pa rin nito si Marta hindi ko binalik dito ang pinirmahan ng dalaga na annulment paper na pinapirmahan ko noon.
Mula ng malama ko ang totoo sa tunay nitong pagkatao ay nalaman ko rin na meron gustong manira sa dalawa, kaya naman halos pinagana ko ang lahat ng koneksyon na meron ako para malaman ang totoo.
At hindi nga ako nabigo, nalaman ko ang lahat at ngayon ay kumikilos na ako ng pahilim para masimulan ang planong pagpaparusa sa mga ito.
Humanda talaga silang lahat dahil uubusin ko ang lahi nila. Nasa ganon akong pag-iisip ng tumunog ang phone ko.
"Hello, Sagot ko sa kabilang linya at ikinatuwa ako ang balta nito pero kalaunan ay nawala ang ngiti ko ng malaman na may kasama itong ibang lalaki.
"keep a close eye on them when they disappear, your life will be in exchange." Sagot sa mga tauhan ko at napapakamot pa ako sa aking batok.
Bukod kasi sa paghahanap sa tunay na katauhan ni Marta ay hinahanap ko rin ang isang babaeng tinakasan ako pagkatapos ng isang mainit na gabi.
Mahigit sa limang taon ko na rin ito hinahanap, pero ngayong nakita na kita hindi kana makakaalis.
"My lady in red" Ngising sabi ko ng maalala ang suot nitong red dress na sumasayaw sa aking harapan.
"We will meet again, because I already own you" Dag-dag ko pasa aking isipan.