Joanna's POV NAGISING si Joanna sa mainit na palad na masuyong humahaplos sa pisngi niya. Namimigat ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa ginawang pag-iyak hanggang sa makatulog siya. "B-Bernard..." paos ang kanyang tinig, masakit din iyon at tila may buhangin. "Where's my birthday gift?" mabining bulong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. Hindi niya mabasa ang emosyong nagsasalimbayan sa mga mata nito. Napalunok siya at hindi napigilan ang pag-iinit ng mga mata. Parang biglang bumalik ang lalaking minahal niya sampung taon na ang nakakaraan. Ang Bernard na minahal at inalagaan siya. Mariin siyang Pumikit at dinama ang palad nitong na sa pisngi niya. "H-Happy birthday..." nanginginig ang tinig na bati niya rito. Kung panaginip man ang nangyayari ng mga oras na ito, aya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books