Joanna's POV "A-ANONG ginagawa mo rito?" kinakabahang tanong niya. Napatingin siya sa hawak ni Guido. Dumoble ang kabang nararamdaman niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito roon. "M-May kailangan ka ba-- Ahh! Aray nasasaktan ako!" Napatili siya ng tumayo ito at marahas na hinila ang kanyang braso. "Saan galing 'to?" galit na tanong ni Guido sa kanya saka halos iduldol sa mukha niya ang pouch niya. "Paano ka nagkaroon ng ganito karamig pera? Napuputa ka ba?" Halos bumaon na sa braso niya ang mga kuko ni Guido. Nanlilisik ang mga mata nito at nagngangalit ang mga bagang. Nilukuban siya ng takot. Ngayon niya lang nakitang ganito kagalit sa kanya si Guido. Parang anumang oras ay bibiogwasan na siya nito. Nanginig siya sa takot. Hindi pa siya napagbubuhtan ni Guido pero nakita na ni