Chapter 4

1031 Words
"Beshy!" tawag mula sa labas. Tamad na tamad ko naman na binuksan ang pinto. Pagbukas agad akong dinamba nang yakap ni Hanimey. "Hanimey, ano ba?" ani ko. "Beshy, pinag-alala mo ako. Bigla ka na lang nawala, alam mo bang pinahanap kita sa buong bar. Pero hindi kita makita huhu... Beshy, akala ko may kumuha na sa'yo eh!" ani nito. "Ayos lang ako, natulog lang ako sa hotel para makapagpahinga. Pasensiya na pinag-alala kita." Ani ko. Bumitaw naman ito at pumasok, umupo nang walang paalam sa sofa ko.  "Beshy, umamin ka?" napakunot noo naman ako sa tanong nito. "What?" "May kasama kang guwapong lalaki kagabi no?" tanong nito. Halos masamid naman ako sa sinabi nito. Paano n'ya nalaman. "What? W---ala ah!"  "Sus! Huwag ako beshy, kitang kita ko sa CCTV nang bar kung sinong kasama mo! Gosh beshy ang guwapo naman pala ng lalaking 'yon!" ani nito at kinilig pa. Ano'ng guwapo? Nakakanginig nang laman kapag naalala ko pagmumukha ng kupal na lalaking 'yon.  "Puwede ba? Umalis ka na sa condo ko!" ani ko at pinagtabuyan s'ya. Hindi alam kung dapat ko bang sabihin sa babaeng ito ang mga nangyari. "Halatado ka mas'yado! Ano nga? Sabihin mo na? Promise hindi ko ipagsasabi sa iba!" ani nito. Napabuntong hininga ako, wala naman akong dapat itago sa kanila. Kaya bahala na. Kukulitin lang ako nito kapag hindi ko sinabi. "Okey fine! May nangyari sa amin, beshy!" ani ko at nagtakip ng unan sa mukha. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila. Dahil ang gaga ko. "O---hh my god! Really? Gosh! Sa wakas nadiligan ka na rin! Ano'ng pakiramdam beshy?" tanong nito. Lintik na babaeng ito, palibhasa kase kapag may bf siya laging may nangyayari sa kanila.  "Buwisit ka! Huwag mo nang ipa-alala sa akin ang nangyari! Hiyang hiya na nga ako! Sinuko ko nang basta ang Bataan ko nang gan'on na lang sa lalaking kagaya n'ya!" ani ko. Nakakainis talaga. "Okey lang 'yan beshy! Ang mahalaga sa wakas may nagdilig na rin sa tuyo't mong bulaklak!" ani nito at tumawa pa. Gaga talaga ang babaeng 'to. "Tang*na ka talaga! Sapakin kaya kita? Tigilan mo na ako baka masapak na kita!" "May balita ako sa'yo beshy!" napakunot noo ako rito, ano naman sasabihin ng babaitang ito? "What?" bored na tanong ko. "May bago na akong boyfriend!" "What the f**k!" parang kahapon lang umiiyak pa s'ya dahil niloko s'ya, tapos ngayon? May bago na agad, ang landi rin nito eh. "Hindi ka pa nasanay sa akin, alam mo naman? Mabilis ako makalimot!" ani nito. Oo sa bilis isang araw lang may bago na agad hayts. Hindi ko na kaya mabilang naging boyfriend n'yan tch. "Siguraduhin mong matino na ang lalaking 'yan! Huwag ka na ulit mag-aaya sa bar, kapag iniwan ka ulit n'yan! Sasabunutan na talaga kita!" sigaw ko rito. Hindi na nadala eh. "Don't worry beshy, mukhang mabait naman!" ani nito. Inirapan ko na lang ito, wala na akong masabi sa kalandian nang isang 'to. Kung may award lang nang pagiging malandi, baka top 1 na ang lokaret na ito.  _____ Nang umalis ito, pumunta naman si Ganari. Jusko mababaliw na ako dahil ang kulit n'ya. Dinaig ko pa may anak eh. "Ley! Laro tayo please!" kanina pa 'yan, nangungulit sa akin. May dala ba namang Barbie at Hello Kitty. "Ganari, hindi na tayo bata para maglaro n'yan!" ani ko. Med'yo sumimangot naman ito. King nandito pa sana si Hanimey, sana hindi ako ang kinukulit nito.  "Barbie, ayaw makipaglaro ni Ley oh? Ayain mo nga please..." kausap nito sa mga doll n'ya. Hayst! Bahala nga s'ya! Pumunta ako nang kusina para magluto. Nang maalala kong wala na akong stock. "Ganari!"  "Bakit, Ley? Makikipaglaro kana ba?" nakangiting tanong nito. "Hindi! Lalabas mo na ako, bibili lang ako nang makakain na'tin! Huwag kang lalabas ha? Dito ka lang sa loob!" ani ko. Tapos kinuha ang jacket ko. "Gan'on ba? Sige mag-ingat ka raw sabi nila!" ani nito. "Say bye bye na mga babies ko!" ani pa nito. Jusko po! Bumuntonghininga na lang ako at lumabas na.  ____ Nandito ako sa convince store, namimili nang stock para hindi na ako labas nang labas. Kinuha ko ang oil na sa taas, at she'ms hindi ko abot! Nagpumilit akong abutin ito, ang hirap pag maliit eh. Nagulat ako nang may isang kamay ang umabot nito. Tinignan ko naman ang taong umabot, at biglang uminit ang ulo ko nang makilala ko kung sino ito. "Ano'ng ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko. "Sinusundan mo ba ako? Stalker ka siguro?"  "Bakit bawal ba ako rito? Sa'yo ba ang store na ito? At fyi? Hindi mo ako stalker, baka ikaw ang stalker ko! Ang guwapo ko naman para istakin lang ang katulad mo!" ani nito. Nakita kong pinagtitinginan na kami, may mga nag bubulungan na rin. Gosh! Nakakahiya. Inirapan ko na lang ito at umalis na lang. Pumunta naman ako sa hanay nang mga Noddles at ang loko nakasunod pa rin.  "Bakit ka ba nakasunod ha?" tanong ko rito at nilagay pa sa bewang ang dalawang kamay. Nakakairita na ang gagong ito, napa-atras naman ako nang unti unti itong lumapit sa akin. Hanggang sa ma-corner na ako nito at nilagay pa sa taas ng ulo ko ang isang kamay nito at nilapit sa akin ang mukha. Hindi na ako nakapalag sa sobrang kaba. "May problema ka ba? Kung nandito rin ako? Para sabihin ko sa'yo, kukuha rin ako ng mga Noddle's!" ani nito. "Baka gusto mo nang round 2, ngayon? Dito mismo?" nakangising tanong nito. Kaya uminit ang ulo ko at tinulak s'ya at sinampal. Ang kapal ng mukha n'ya.  "F*ck!" mura nito at tinignan ako nang nakakatakot na tingin. "Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko at pumunta na ako sa counter para makaalis na ako. Nakakainit ng ulo ang lalaking 'yon. Bumili mo na ako ng ice cream, bago ako umuwe dahil para maalis ang init ng ulo ko. Pagpasok ko sa condo ko, inabot ko agad ang isang ice cream kay Ganari. "Yehey! Ice cream! Salamat, Ley!" tuwang tuwa na ani nito. Pagkatapos nanood na lang ako ng tv. Si Ganari naman naglalaro pa rin. Wala kase ang mommy nito sa bahay kaya nandito s'ya. Hayts nakaka-stress ang araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD