Napairap na lang ako pag alis ng kupal na iyon. Naglalaba kasi ako ng mga labahin, para kasing dalawang linggong hindi nagpa laundry ang loko. Ang dami, mabuti na lang kompleto, may dryer na rin kaya hindi na ako nahirapan.
“Babae, bigyan mo ako ng kape!” Sigaw nito. Iniwan ko na muna ang labahan ko at pinagtimpla siya ng kape, kawawa naman kaya pag bigyan na.
Pagkatimpla ng kape, ay shuta nasaan ba siya? Basta na lang kasi siya sumigaw kanina kaya hindi ko alam kung nasaan siya. Pumunta ako sa kuwarto pero wala siya doon.
“Manyak, nasaan ka ba?” Pasigaw na tanong ko.
“Nandito ako sa office!” Sagot nito, kaya naman ay agad akong pumunta doon. Wala naman na akong ibang kuwartong makita, bukod sa nag iisang pinto na maliit.
“Ito na ang kape mo.” Ani ko ‘pagkapasok. Napatingin naman ito sa akin, at biglang napangisi. Pinasadahan na naman ako ng mga malalagkit na tingin, sh*t ang manyak niya.
“Inaakit mo ba ako, babae?” Tanong nito kaya napataas ang kilay ko. ”Sh*t tumayo tuloy ang alaga ko.” Aniya na kinainit ng mukha ko, buwisit! Napakamanyak talaga niya.
“Huy Mr. Pervert, kahit pumuti ang buhok ko hinding hindi kita aakitin!” Mataray na ani ko.
“Really? Bakit ganiyan ang suot mo? Kitang kita ko na ang mga n*****s mo.” Aniya at ngumisi sa akin. Napatakip naman agad ako sa dibdib ko.
“Argh! Pervert!” Sigaw ko rito at tumakbo na palabas. Nakasanayan ko na kasing hindi mag bra, ‘pag mag isa lang ako. Gosh! Nakalimutan kong may kasama nga pala akong manyak sa condo na ito.
Bakit ba kasi kailangan na namin magsama, hindi pa nga kami kinakasal. Tsaka no need naman na makilala siya, dahil unang kilala ko pa lang sa kaniya. Manyak siya at babaero na ang tingin ko sa kaniya tch. Bakit ba sinasabi ni mommy Mabait siya? Baka nagkakamali lang siya ng pagkakakilala tch.
Nagsuot na ako ng maayos, para hindi niya ako bastusin. Letcheng manyak na ‘yon!
Tumunog ang cp ko, kaya naman ay sinagot ko iyon agad. Si Hanimey pala, ano naman kaya ang problema nito.
“Beshy!” Sigaw nito, kaya agad kong nailayo ang cp sa tenga ko. Ang lakas ng boses nakakabasag eardrum.
“Ano ba, Hanimey! Ang sakit sa tenga ng bose mo, bakit ka ba tumawag?” Tanong ko rito at binalik sa tenga ang cp ko.
“Ano kasi, hiniwalayan na niya ako…” napailing naman ako, ibang klase.
“O ano ka ngayon? Iiyak iyak ka na naman?” Ani ko at napairap sa kawalan. Jusme, dahil sa pag aaya niya sa bar kaya nakuha ng manyak na iyon ang virginity ko.
“Beshy ang sakit… beshy samahan mo naman ako uminom…”
“Ayoko, tumigil tigil ka na! Magtino ka na kasi, hindi ka naman kasi maabusan ng lalaki!” Sermon ko ulit, paulit ulit ko iyang siansabi sa kaniya. Wala pa rin talaga, pasok sa kabilang tenga labas sa kabila lahat ng payo ko sa kaniya. Nakakasawa promise, minsan gusto ko na lang siyang sampalin. Para magising gising tch.
“Please beshy ko pagbigyan mo na ako…” pagmamakaawa nito, napabuntong hininga ako dahil sasamahan ko na naman siya uminom. Baka may mangyari na namang hindi maganda, hindi ko nga maalala ang nangyari sa amin ng pervert na iyon ang lahat lahat tch.
“Sige sasamahan kita, pero hindi ako iinom.” Ani ko, ayoko na talaga uminom nakakadala.
“Ngek, puwede ba iyon?”
“Ede maghanap ka ng ibang kasama.” Ani ko.
“Sige na, samahan mo lang ako beshy.”
“Nasaan ka ba? Papunta na ako ngayon sa bar.”
“Sa bar na naman?” Ang hilig niya talaga pumunta ng bar, tch. Party girl siya masyado.
“Sa dati, punta ka na lang. Hindi na kita masusundo alak na alak na ako. Sakit sakit na kasi.” Ani ko, napailing na lang ako.
“Kung hindi lang kita kaibigan, naku!” Nanggigil na ani ko.
“Salamat, beshy hihintayin kita.” Aniya, at pinatay na ang tawag.
Tinapos ko na ang sapayin dahil nakadryer naman na. Pagkatapos ay nagbihis na ako para pumunta sa bar na sinasabi niya.
Pero pinag iisipan kung magpapaalam ako sa manyak na iyon? Pero bakit ba ako magpapaalam sa kaniya? Argh bahala nga siya! Makaalis na nga!
Bumaba na ako tapos ay nag abang ng taxi. Ayoko na gamitin kotse niya, baka halikan na naman niya ako at hindi ko na naman makontrol ang sarili ko.
Nang may dumaan ng taxi ay agad ko iyong pinara.
“Saan pp tayo, ma'am?” Tanong ni manong.
“Sa Bar Land po.” Napailing naman si manong.
“Mga kabataan nga naman.” Muntikan na akong matawa, dahil bakit naman niya nasabi iyon. Haler? Ilang taon na ako? Hindi na ako kabataan.
Hinatid naman ako ni manong doon, binayaran ko na si manong at hindi na kinuha ang sukli.
Pagpasok ko sa bar ay ingay, amoy ng alak at sigarilyo ang sumalubong sa akin. Hinanap ko na si Hanimey, nasan ba siya. Tinawagan ko na rin, pero hindi naman sumasagot. Hanap dito hanap doon ang ginawa ko.
“Hi miss, wanna join?” Harang sa akin ng isang lalaki.
“May hinahanap ako,” ani ko at hindi na ito pinansin.
Ilang mga lalaki pa ang nag aya sa akin, pero anong pake ko sa kanila tch.
“Beshy, here!” Napatingin naman ako sa kung saan nanggagaling ang boses. At ayon nakita kong nandon rin si Ganari. Sinama na naman niya, kaloka talaga.
“Lay, I miss you!” Ani Ganari, sinalubong ako nito at niyakap tipong balak na niya akong patayin.
“Ganari, balak mo ba akong patayin?” Napabitaw ito sa akin at napatingin ng nagtataka, ito na naman tayo. Hulaan ko lang iba na nasa isip niyan.
“Bakit kita papatayin?” Wow ang seryoso naman niya. Himala!
“Wala, o Hanimey. Lasing ka na ah?” Para kasing nakarami na siya.
“Hindi pa ako lasing, tara inom!” Pag aaya nito. “Ganari, inom!” Anito at nakipag chaers pa kay Ganari.
“Huy bawal si Ganari niyan, mapapagalitan tayo ng mama niyan.” Saway ko at inagaw ang iniinom ni Ganari.
“Lay naman e, marami naman diyan ‘wag muna agawin ang tubig ko.” Nakapout na ani Ganari.
“Hindi nga kasi ito tubig, ‘wag kang matigas ang ulo. Tatawagan ko ang mama mo para sunduin ka.”
“Paano mo tatawgin? Nandito ba si momny?” Ewan ko ang hirap niya kausap, bakit ba kasi naging mga kaibigan ko sila tch.
“Basta bawal sayo ito.” Baka kasi mapaano si Ganari, uto uto pa naman siya.
“Ito na lang sayo, Ganari. Hayaan mo iyan si Laytania ang kj masyado!”
“Yehey, thank you Meymey!” Wala na akong nagawa kun‘di pumayag kaloka.
“Lay, uminom ka na rin… sige na please…” pag aaya sa akin ni Hanimey.
Ilang beses akong tumanggi tapos napapayag rin niya ako, ang ingay at ang kulit na niya kasi argh.
“Laytania, bakit palagi nila akong iniiwan?” Tanong nito at humagulgul ng iyak.
“Hindi ko rin alam.” Ani ko at nilaklak ang alak sa bote, ito na naman ako napapasarap na naman uminom ng alak.