Chapter 17 Laytania pov.

1240 Words
Matapos maligo, magbihis ay agad na akong lumabas ng kuwarto. Iyong nangyari pala kahapon, naguguluhan pa rin ako dahil bakit sila pumapatay? Hindi ko alam bakit nila iyon ginagawa at sino nga ba sila? “Napakakupad mo naman.” Tinaasan ko ito ng kilay. “Pake mo?” Sinadya ko talagang tagalan, para maghintay siya ng matagal. Hindi naman ako nag make up tamang powder lang at lipstick. Nagsulat pa kasi ako ng next episode. “Tch, tara na bilisan mo. Kung ayaw mong kaladkarin pa kita.” Ewan ko ‘pag kami magkasama nagiging aso‘t pusa kami. Pumunta na kami sa kotse, ang kaibigan nito ang nagdrive. Pero ang g*go ang bilis magpatakbo, kaya napayakap ako sa katabi ko. Ayoko talaga ng mabilis, gusto ko dahan dahan. O, mga utak niyo hindi iyon ang ibig kong sabihin. Todo yakap naman ako sa lalaking ito, at napamura ito. Bunganga niya, napakabastos. “Sh*t, sh*t!” Aniya, natatakot rin kaya siya? “Natatakot ka rin?” Tanong ko, umiling naman ito at hindi nakasagot. Problema nito? “Sabihin mo naman, magdahan dahan ang kaibigan mo…” ani ko pa at kumapit lang sa kaniya. Hindi pa rin ito nakasagot at napa-sh*t lang. Byaheng langit ba naman ang takbo ng kotse namin, akala mo naman may humahabol. “Huy magdahan dahan ka naman!” Sigaw ko, ako na magsasabi para kasing napipi itong kaibigan niya. Umiling ang kaibigan niya at tumawa sa amin. Tapos mas binilisan pa, loko talaga siya. “Bagalan mo please! I'm scared!” Ani ko at yumakap ng mahigpit kay Six. Hindi naman nakinig ang kaibigan ni Manyak, hanggang makarating kami sa sinasabi nilang bahay. Napahinga ako ng maluwag ng huminto na ang kotse at napapikit. Kinalma ko muna ang sarili ko at doon narealize ko na nakayakap pa rin ako sa taong parang naging tuod na. Bumitaw na ako dito. “Okey ka lang?” Tanong ko rito, tumango lang ito at bumaba. Ano‘ng problema niya? Hinayaan ko na lang siya at bumaba na rin. Pero wala na akong naabutang Six, nasaan kaya iyon pumunta? “Ahm ano, saan pumunta si Six?” Tanong ko sa kaibigan niya. “Maliligo raw, baka nainitan.” Aniya, napakunot noo naman ako. Paano naman maiinitan iyon e ang lamig na sa loob ng kotse? “Grabe naman siya, ang lamig naman sa loob ng kotse kanina. Naiinitan pa siya?” Ani ko, pero natawa ito ng bahagya. “Hayaan muna siya, tara na punta na tayo sa loob. Mamaya tapos na rin iyon maligo.” Tumango ako at sumunod na sa kaniya. “Ano pala pangalan mo?” Tanong nito sa akin. “Laytania.” “Ah nice name, I'm Karswel at your service.” Aniya at humarap sa akin. Kinuha ang kamay ko at hinalikan. Nabigla naman ako sa ginawa niya, kaya agad ko rin binawe ang kamay ko. “Sorry…” ani ko, natawa lang ito at lumakad na ulit kami. Malaki ang bahay ng pinuntahan namin, hindi na ito bahay kun‘di mansion. Pagdating namin sa sala ay agad naming nakita ang lalaking pumunta noon sa condo. Iyon bang masungit. Ito na naman ako kinakabahan sa awra niya. Pero ang guwapo niya, mga ganiyang lalaki ang ideal man ko. Puwedeng puwede siyang ilagay sa book cover sa isa kong story na. Swak na swak sa kaniya ang characteristics niya. Paano ko siya kakausapin para maging model ko. Jusko nakakahiya. “Nasaan si Six?” Tanong nito. “Naliligo, natanaw ko kanina nasa swimming pool.” Anito. “Hindi ba naligo iyon sa bahay at dito pa naligo?” Tanong nito na kinatawa ni Karswel. “Hindi ko alam,” “Bakit niyo kasama ang babaeng iyan?” Tanong nito ang seryoso nakakatakot, gosh! “Nandiyan ba si Yuki? Gusto raw nitong si Ley matuto magluto, kaya sabi ko dalhin siya dito para maturuan ni Yuki.” Anito. “K, nasa kusina nagluluto.” Bigla naman dumating si Six na nakabihis na. “Tara iwanan na kita kay Yuki.” Ani lang nito at hinila na ako papunta sa kusina. “Tulungan mo lang si Yuki, aalis muna kami may gagawin pa kami.” “Sige…” “Yuki!” “Six, ikaw pala bakit?” Tanong nito. “Iiwanan ko ang babaeng ito sayo, turuan mo magluto para makakain naman ako ng masarap sarap na pagkain.” Natawa naman itong si Yuki. “No problem, Six ako na bahala sa kaniya.” “Sige aalis na kami.” Umalis na ito. Ako naman ay nahihiya, dahil hindi ko pa siya kilala. “I‘m Yuki, ikaw ano pangalan mo?” Tanong nito. “Laytania…” “Huwag ka mahiya sa akin, mabait ako hindi ako nangangain ng babae.” Aniya at tumawa, guwapo rin siya matangkad maganda ang katawan. Pero mababasa mo sa mata niya na may kalungkutan niyang tinatago. “Sige…” “Tara magluto na tayo. Kayong mga babae kailangan matuto kayong magluto kasi, diyan mas na iinlove ang lalaki.” Napatawa na lang ako ng mahina. Kung magaling na ba ako magluto, ma inlove na kaya sa akin si Six? Anak ng tupa, bakit ako napapatanong ano bang pake ko sa lalaking iyon. Argh, bakit ko ba kasi iniisip na ma inlove siya sa akin? Gosh! Nagluto na kami at minsan napapakwento ito ng nakakatawang bagay. Ang komportable niyang kausap at kasama. Actually nvayon lang ako naging komportable sa isang lalaki. Pakiramdam ko kasi sobrang bait niya, tipong hindi siya gagawa ng masama. “Alam mo dapat may pagmamahal kang ihahalo, ‘pag nagluluto ka.” “Bakit ba kailangan iyon? Pang palasa ba iyon?” Tumawa ito sa tanong ko, wala talaga akong alam sa pagluluto e. “Ikaw talaga, mas masarap ang pagkain ‘pag sinasamahan mo ng pagmamahal. Mas mafefeel ng kumakain iyon.” “Ahh, ganon pala iyon…” Nakakahiya kakabae kong tao wala akong alam dito. “Yeah, ito tikman muna ang unang putahe.” Aniya, ang bilis niya magluto. Kinuha ko na ang inaabot niya at kinain iyon. “Shems ang sarap…” bulong ko ng matikman ko ang luto niya. Halos magkalevel sila ni Karswel ng pagluluto. “Nag aral ba kayo ni Karswel ng pagluluto?” Tanong ko. “Si Karswel nag aral iyon sa magandang University, ako namana ko at nakahiligan ko ang pagluluto pero nag aral rin ako sa culinary para ma enhance ang skill ko.” Aniya, nakakabilib naman sila. “Wow, ang galing.” Ani ko at kumain na ng kumain. “So ano? May natutunan ka naman?” Tumango ako sa kaniya. “That‘s good, proceed na tayo sa next putahe?” “Okey!” Nagluto kami ng mga ilang putahe, grabe kinaya niya lahat iyon. Dinaig pa ng bahay na ito ang may pyestahan, ang dami ba namang putahe. At ayon lahat masarap, inihanda na rin ng mga katulong ang mga pagkaing niluto ni Yuki. Ibang klase, expert na expert siya. Marami akong natutunan sa kaniya. Tapos mabait pa. “Si Six ba marunong magluto?” Biglang tanong ko. Ewan bigla na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. At bakit ba nasa isip ko palagi ang manyakis na iyon argh! “Naku, hindi marunong iyon. Sinubukan na namin turuan iyon ni Karswel, hindi talaga matuto.” Ang lakas manglait ng lalaking iyon, hindi rin pala marunong magluto. Letche siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD