Chapter 6

1036 Words
Nandito ako sa bahay namin, uuwe raw kase ang mommy so kailangan kong umuwe. Hindi ko alam bakit umuwe nang biglaan si mommy? Siguro may mga bagay lang siyang gagawin rito. May bago na nga pa lang asawa ang mommy ko. To be honest I don't like him, para sa mommy ko. May half brother at sister rin ako, I think 16 year's old na ang babae and 12 year's old naman ang bunso namin. Lahat sila tumira sa ibang bansa, ako naman mas pinili kong dito na lang tumira at si Kuya naman siya ang nag-iisa kong kapatid sa ama. May sarili rin siyang bahay at company. "Yow! Long time no see my little sister!" o speak of the devil? "Puwede ba Kuya? Huwag mo akong tawaging little sister! I'm old enough, para tawagin mo ako nang ganiyan!" naiinis ako lagi sa ganiyang tawag sa akin ni Kuya, nakakagigil. "Okey, okey! Just chill! How are you? Matagal na nang huli tayong magkita?" "Ayos lang ako!" "That's good! Sinabi pala sa akin ni Hanimey na may boyfriend ka na? Totoo ba?" sa tanong na iyon, gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. Humanda sa akin ang babaeng 'yun! "Naniwala ka naman sa babaeng 'yun! Wala akong boyfriend at wala akong balak! Dahil mga babaero lang naman kayong mga lalaki!" "Really?" tanong nito at ngumisi sa akin, mukhang hindi siya naniniwala. "Akala ko meron eh? Sabihin mo sa akin kapag may lalaking gustong manligaw sa'yo, kailangan dumaan mo na siya sa akin!" lagi naman 'yan sinasabi niya eh. "Whatever!" ani ko at inirapan siya. ___ Nang dumating na ang mommy, binati ko ito at kina-musta. Ang bunso ko namang kapatid, he look handsome and tall. And to be honest? Hindi ko gusto ang babae kong kapatid, bukod sa tinatarayan ako nito. Naamoy ko rin ang pagiging malandi niya, she's already 16 pero may boyfriend na siya, samantalang ako 25 na hindi ko pa rin magawang magka-bf dahil ayoko eh. "Ehemm!" napatingin naman ako sa taong umubo at umupo sa tabi ko. Ang step father ko pala. "Bakit?" mataray na tanong ko. "Kamusta? Ang laki mo na, you're pretty like your mother!" ani nito. "Ayos lang ako!" ani ko, hindi ko talaga ito kinakausap nang maayos wala lang hindi ko lang gusto ang dating nito. "Mabuti naman! May bf ka na ba?" tanong nito, 'langya naman bakit puro iyan ang tanong nila. "Wala ka d'on!" ani ko at tumayo. Wala siyang paki sa buhay ko dahil sino ba siya 'di ba? "Okey! Tignan mo na lang mga pasalubong namin sa'yo..." aniya at umalis na. "Aray!" sigaw ko nang batuhin ako ng chocolate ni Kuya, sinamaan ko ito nang tingin. Ano bang pag-iisip meron siya at bigla na lang nangbabato? "Masarap 'yan! Kainin mo!" aniya at tumawa lang. Ewan ko sa kaniya. "Anak!" "Bakit, Mom?" "Anak, puwede ba tayo mag-usap? May kailangan lang akong sabihin sa'yo!" "Ano 'yon?" "Gusto ko sa nang ipakasal ka na!" "What the? Are you serious?" inis na tanong ko, kailangan ba sila ang mag disisyon para sa akin? "Pero hindi naman kita pu-puwersahin gusto ko sa nang mag-sama mo na kayo bago kayo ikasal. Don't worry, mabuting bata naman ang batang 'yon at saka malaki ang naitulong niya para sa atin. Noomg iniwan ako ng Papa mo, muntikan nang malugi ang company na'tin, pero dahil sa kaniya naisalba ang negosyo na'tin." "Magkano ba ang inutang mo sa kaniya? Hindi mo pa ba kayang bayaran 'yon? Puwede naman kami tumulong ni Kuya para mabayaran ang utang mo!" "30 million, ang utang ko sa kaniya!" "Bakit sobrang laki?" "May interest rin kase pautang niya, kaya lumaki nang lumaki! Alam na rin ng kuya mo ang lahat." Bumuntong hininga na lang ako, bakit hindi ko alam? Bakit hindi nila sa akin sinabi? Sabagay? Ano bang alam ko? Mahilig lang naman akong gumastos nang gumastos. Kaya para naman magkaroon ako nang silbi sa pamilya namin, tinanggap ko ang sinasabi ni mama. Hindi naman namin kayang bayaran ang gan'on kalaking halaga. Marami pang sinabi sa akin si Mommy, at si mommy pala ang nag-alok sa taong 'yon na ipakasal ako rito para mabayaran ang utang niya tch. Pumayag naman raw ito sa alok ni Mommy, pumayag raw ito na makilala ako bukas. ___ Lutang akong umuwe nang condo, agad na akong humiga at napaiyak na lang. Malapit na akong maitali sa taong hindi ko pa nakikilala. Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang hindi na ako virgin? Grrr... Ayoko nang maalala ang kupal na lalaking 'yon! Nang tumunog ang Cp ko agad ko itong sinagot. "Ikaw bruha ka? Ano'ng sinasabi mo sa Kuya ko?" inis na tanong ko. "Nagbibiro lang naman ako at saka alam mo na gusto ko lang maka-kuwentuhan ang Kuya mo. Alam mo namang matagal ko nang gusto 'yon e..." "Letche ka!" "Sorry na beshy! Oo nga pala kamusta naman? Balita ko umuwe raw ang mama mo?" "Ayos naman!" ani ko at binaba ang tawag, saka ko na sasabihin sa kanila ang lahat. ____ Papunta ako ngayon sa bahay, roon daw kase mag-dinner ang lalaking mapapangasawa ko. Tch. Ano kayang itsura niya? Siguro may edad na ang lalaking 'yon? Bahala na nga! Nag-ayos ako ng itsura ko dahil nakakahiya naman kung mag-mumukha akong panget sa paningin niya. Arrg bakit ko ba iniisip ang mga bagy na 'yon? __ Kung minamalas nga naman ako, nakasabay ko na ang taong 'to sa elevator. Nakakaasar talaga ang pagmumukha nito. Pero mukhang wala naman siyang balak gawin sa aking masama, pero naging alerto pa rin ako. Bumaba ito ng elevator nang tahimik lang. Hay! Salamat! Pagkarating ko sa bahay agad na akong umupo, wala pa raw ang lalaking mapapangasawa ko kaya pinagdarasal kong huwag na siyang dumating. "Anak!" tawag sa akin ni Mommy. "What?" "Maraming salamat sa pagpayag mo!" ani nito at niyakap ako. "Ate? Hindi ka ba marunong mag-ayos? Baka hindi ka magustuhan n'on!" ani naman ng kapatid kong babae. Tch! Kung puwede ko lang ito sapakin eh, ako pa sabihan niya. Siya nga? Ang kapal ng make-up kasing kapal nang mukha niya. "Igaya mo naman ako sa'yo!" mataray na sabi ko. Inirapan lang ako nito at umalis na. Akala naman niya magpapatalo ako pagdating sa katarayan tch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD