Chapter 13

1045 Words
Pagkabihis ko ay naalala ko ang mga kaibigan ko, tinawagan ko agad si Ganari. Iniwan ko kasi sila kagabi, bala kung napaano na. “Lay, lay!” Ang sakit niya sa tenga. “Ganari, okey ka lang ba?” Tanong ko. “Wala naman akong sakit, Lay bakit mo tinatanong?” Napailing na lang ako, kung kayo nasa situation ko ewan ko na lang kung tumagal kayo. “Sino nag uwe sayo kagabi? Sorry iniwan ko na kayo.” Ani ko, tapos bigla itong umiyak. “Lay, iiwan mo na kami? Huhu bakit mo kami iiwan?” Umiiyak na tanong nito na kinailing ko. “T*nga, hindi!” Inis na ani ko, minsan ayoko na lang kausapin itong si Ganari e. “Ganari ang pangalan ko, hindi Tanga…” mababaliw ka talaga ‘pag siya kausap mo. “Paano ka nakauwe kagabi?” Tanong ko, alam kong lasing na si Hanimey. Impossible na maiuwe niya si Ganari. “May naghatid sa akin sa bahay, isang lalaki.” Aniya na kinagulat ko. Mabuti hindi siya napahamak. “Ano? Ganari naman hindi ka dapat basta basta sumasama kung kani kanino!” Pagalit na ani ko. “SpongeBob kasi ang damit niya, kaya sumama ako.” Napatampal ako sa ulo ko, walangya ibang klase. Maloloko talaga ang babaitang ito, ‘pag lasing. “Hindi ba kabilin bilinan ng mommy mo, ay ‘wag kang sasama kung kanino? My gosh, Ganari!” Sermon ko rito. “May binilin ba sa akin si Mommy? Wala naman, baka sayo meron?” Napabuntong hininga ako, jusko tumataas ang dugo ko sa mga sagot niya. “Tch, basta ‘wag ka sasama kung kani kanino tch.” Iyan na lang masasabi ko, dahil mahirap siya kausap. “Sige hindi na ako basta sasama sa inyo.” Anak nang tipaklong, kaibigan ko ito hindi dapat ako ma buwisit. “Bahala ka nga, sige na patayin ko na ito.” “Sinong papatayin mo?” Tanong pa nito. “Wala akong papatayin.” “Kakasabi mo lang,” ibang klase. “Itong tawag, papatayin ko na.” Ang hirap talaga niya maintindihan. Maloloka ka talaga sa kaniya. “Bakit mo papatayin? Bad iyon? Makukulong ka…” argh, akala ko naintindihan na niya. “Sige na may gagawin ako, bye.” “Papatayin mo talaga? Isusumbong kita kay Meymey!” “Hayst bahala ka diyan!” Ani ko at pinatay na ang tawag. Kapagod magpaliwanag, argh. Pumunta na ako sa kusina, para magluto ng puwedeng makain. May kasama kasi ako dito, baka mamaya sabihin pa wala akong ginagawa tch. Paglabas ko ay nakita ko, ang mga lalaki sa salas. Sa tingin ko mga kaibigan sila ng manyak na lalaking iyon. “Hi! Ikaw ba mapapangasawa ni Six?” Bati sa akin ng isa, at ngumiti sa akin. Guwapo siya matangkad. “Ahmm, oo…” nahihiyang sagot ko. Mukha siyang matinong lalaki. “Sinasabi ko sayo, ngayon pa lang umatras ka na. Babaero iyan!” Ani ng lalaki, tapos ay biglang may tumamang bote ng in can beer sa ulo nito. “Aray ko naman!” “Shut up ka na nga lang, Arex! Palibhasa kasi wala kang jowa!” Natawa naman ako sa sinabi nito. “Tignan mo, kagaspangan ng ugali niyan? Sinasabi ko sayo, tumakas ka na ngayon na!” Ani pa ni Arex na kinatawa ko. “Huy, ano nga ulit pangalan mo?” Ang manyak, hindi pa pala alam ang pangalan ko. “Laytania,” sagot ko at inirapan siya. “Hi Lay, I'm Arex ‘wag mo sayangin buhay mo sa babaerong lalaking iyan.” Ani pa nito na tinawanan ng mga kaibigan nito. “I‘m Meir, puwedeng ako ang piliin mo kung sakaling maisipan mong hindi magpakasal sa f*ckboi na kaibigan namin.” Anito at binato rin ito ni Six. “G*go, tumigil nga kayo!” Anito, nakita ko naman ang ibang lalaki pa na nakaupo at tahimik lang. Ang dalawa do‘n ay may pagkahawig pa. Tumingin ang tatlo sa akin na para bang hinuhusgahan ang pagkatao. Ang cold at mukhang hindi nila ako gusto. “Boss, siya ang papakasalan ko. Laytania.” Ani Six, boss pala niya ang isa dito. “K.” Tipid na sagot nito, jusko ang lamig parang may yelo sa paligid. “Shavin, magiging asawa ko pala.” “K.” Magkapatid nga yata silang dalawa, parehas ng sagot. “Ailden si Lay– “Okey naman siya.” Ani naman ni Ailden, jusko ang mga awra nila nakakatakot. “Babae, kumuha ka na muna ng meryenda at kape.” Utos sa akin ni Six, kaya agad akong pumunta sa kusina. Mabuti naman, nakalayo ako. Sh*t kinabahan ako ng malala at pinagpawisan ng malamig. Grabe naman kasi sila. Nagtimpla na ako ng kape at gumawa ng Sandwich. Tapos ay pumunta na ulit sa kusina. Busy sila sa ping uusapan nila, kaya naman ay inilapag ko na lang ang kape at pagkain sa mini table tapos ay umalis na. Pumunta ako ng kuwarto, mamaya na ako maglilinis pagkaalis nila. Maya maya ay tumawag si Hanimey sa akin. “Beshy, anong sinusumbong sa akin ni Ganari na may papatayin ka?” Malakas na pagkakasabi nito, jusko mababasag ear drum ko sa kankya e. “Nagpapaniwala ka naman, wala akong papatayin. Sabi ko papatayin ko ang tawag, hay naku!” Tumawa naman ito, ako naman napailing. “Si Ganari talaga, kinabahan ako mga isang libo sa sinabi niya tch. Akala ko papatayin mo na mapapangasawa mo e.” Natatawang ani. “Alam mo, mamatay na ako pero hindi ko kaylan man gagawin ang pumatay tch.” Ani ko, kahit gigil ako sa manyak na iyon hindi ko maiisip iyon. “Naks, napaka good girl talaga ng beshy ko!” “Syempre!” Nagtawanan kaming dalawa, tapos ay nagkwentuhan. “Beshy, nakadalawa ka na? Shoot baka mabuntis ka niyan!” “G*ga!” “Babae, aalis na kami!” Biglang sigaw ni Manyak. “Sige!” Sigaw ko pabalik. “Uy beshy mamaya na lang, maglilinis pa ako sa bahay.” “Ikaw ba talaga iyan, Beshy ko? Naglilinis ka na ngayon?” Napairap naman ako. “Igaya mo naman ako sayo! Tch bye na!” Natawa naman ito kaya pinatay ko na ang tawag tch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD