Caily Aella Carson-Smith's POV "I can't do this. You go yourself nalang," nanginginig na sambit ko habang nakatingin sa parang bangin sa harapan ko. Nasa mataas kaming parte ngayon, waiting for our turn para mag-zipline. Mukhang masaya siya kanina that's why I asked Dax to ride this with me. Nanunukso niya akong tinignan, "Chickening out, huh." Ang taas kasi talaga. Paano kung mapugtas iyong tali? O kaya bigla kaming na-stuck sa gitna? Nagmamakaawa akong tumingin kay Dax na ngayo'y prenteng nakaupo lang at naka de-kwatro pa ng upo. He's calm unlike me. Nasa Camp John Hay kami ngayon. After breakfast at SM Baguio, we came here directly. Nag-picnic kami kanina although wala naman kami talagang dalang pagkain at bumili lang ng mga tinda rito. There's actually a lot to do here. Nauna nami