Caily Aella Carson-Smith's POV (Ouch ha! Lagi nalang pera ang kailangan mo sa akin.) I laughed. Napaka-OA talaga nitong si Ethan. "Sige na. Samahan mo ako bumili ha." (Ako nalang bibili. Magluto ka nalang at mag-ayos diyan. Ipapadala ko nalang. I'll show you the picture.) Sana all supportive. Ngumisi ako at ilang palitan pa ng salita bago tuluyang pinatay ang tawag. Today is the day. Kulang-kulang isang linggo na rin since I started this plan. Sana naman ay ma-appreciate niya. It's November 17. My 20th birthday. Kanina pa nga ako nakakareceive ng text mula kina Hannah at Aki. Mom and Dad emailed me a birthday greeting dahil hindi naman nila alam ang number ko. I don't open my SocMeds na rin. Masaya akong nag-ready ng mga lulutuin. Plano ko kasi na mag-celebrate kasama si Dax ngayon.