Chapter 1: Emergency

1421 Words
ISANG malamig na hangin ang bumungad kay Yvette pagkalabas na pagkalabas niya ng building ng opisinang pinagtatrabahuhan. Wala sa sariling pinagdaop niya ang mga nilalamig na palad at itinapat sa mga labi bago hinipan iyon ng hangin mula sa bibig para lang mainitan ang mga ito. “You goin’ home, Yvette?” Yvette immediately look up and there she saw a pretty woman in an office suit covered with a thick coat while the curly blond hair hidden on the maroon bonnet. With a smile, Yvette shook her head to the woman whom she recognized as one of her officemate. “I’mma fetch my Little Angel first, Michelle,” sagot niya sabay pasok ng mga nainitan ng palad sa magkabilang bulsa ng dress jacket na suot. “Oh, I forgot about Little Yvonne!” pasinghap na napapalo pa ito sa balikat ni Yvette na bahagyang nagpangiwi sa kanya. “Lucky you, Yvonne’s prep school is on my way. The snow tonight is heavy, it’s better to use a car. I heard from Cassy that your car broke earlier this morning,” matamis na ngiting alok ni Michelle kay Yvette habang pinagtaasan pa ang huli ng kilay. Hindi naman na nag-atubili pang tumanggi si Yvette at nakangiting tumango kay Michelle. Libre na ang lumalapit sa kanya, sino ba naman siya para tanggihan ang libre? At isa pa, masyado na siyang nahuli ngayon sa pagsundo sa anak. Nagkaroon kasi ng emergency sa department niya dahilan nang pag-overtime niya ng ilang oras. Kaya naman ang dapat na oras ng pagsundo niya sa anak ng mga alas kwatro ng hapon ay naging alas syete na ng gabi. Hindi naman siya nag-aalala na baka mainip ang anak at umalis bigla para hanapin siya, dahil bago siya mag-overtime ay tinawagan niya muna ang gurong bantay ng anak niya at pinakiusapan na huwag aalis hangga’t hindi siya dumarating. “Ah, no need! No need! We could just rent a cab after that, Michelle. It’s really not needed,” todo tangging saad ni Yvette kay Michelle na inalok siyang ihatid na rin sila ng anak pauwi sa bahay nila. Habang naglalakad kasi sila ni Michelle papuntang parking kung nasaan ang kotse ni Michelle ay bigla na lang itong nag-suggest na ihatid na rin sila, tutal naman daw ay free time na ni Michelle. At dahil kahit papaano naman ay may hiya ding tinatago si Yvette ay tinanggihan na niya ang pagmamabuting-loob ng katrabaho. “You sure? It was really fine with me, Yvette,” paninigurado pa ni Michelle habang seryosong nakatingin sa kanya. Tatanggi sana ulit si Yvette nang biglang mag-ring ang selpon niyang nasa bulsa. Signing for Michelle to wait, Yvette fished out her phone and answered the call which was from Teacher Sai, Yvonne’s prep school teacher. “Teacher Sai, what—” mabilis naman siyang napahinto sa sana’y sasabihin ng marinig ang pagkabalisa at taranta sa boses ng guro. “M-miss Saavedra, I’m really sorry . . .” humihikbing bungad ng teacher pagkasagot na pagkasagot ni Yvette ng tawag. Wala sa sariling napahinto tuloy siya sa paglalakad habang nagsisimulang makaramdam ng panlalamig sa katawan. Nanginginig ang mga kamay na may hawak ng selpon ay napalunok ng laway si Yvette habang hindi alam kung paano magsasalita. “I’m really s-sorry Miss, I d-don’t know what happened. But w-when I returned, Y-Yvonne was already lying unconscious—” Nanlalaki ang mga mata’y nabitawan bigla ni Yvette ang hawak na selpon ng marinig ang pangalan ng anak. Ang tunog lang ng pagbagsak ng selpon sa semento ang umalingawngaw sa tahimik na parking lot. Michelle, who was already away and already reaching her car were shock when she heard the cracking of a phone. Looking back, nanlalaki ang mga matang napalingon si Michelle kay Yvette kung saan dahan-dahang napasalampak sa semento na parang hihimatayin. Mabilis na kumilos si Michelle at sinalo si Yvette bago pa man mabagok ang ulo ng huli. “Yvette! Yvette, what happened?! Why are you crying?” aligagang tanong ni Michelle kay Yvette kung saan tulala lang habang tahimik na umiiyak, nakatingin sa kawalan. Hindi tuloy malaman ng blandina ang gagawin dahil sa pagiging wala sa sarili ni Yvette na hindi na makausap. Kaya naman habang nakaluhod sa harap ni Yvette at hawak sa isang balikat ang katrabaho ay hinanap nito ang selpon na kanina ay bumagsak. Baka sakaling doon ay makita niya ang sagot. After roaming her eyes around, nahanap na rin ng mga mata niya ang selpon isang metro ang layo mula sa likod niya. And she could see a light from it, meaning that it was still on and maybe still working. Kaya ng masigurong hindi na gagalaw si Yvette ay mabilis na ginapang iyon ni Michelle, at mabilis ding bumalik sa harap ni Yvette na katulad kanina ay tulala paring naluha at walang imik. As far as she could remember, before everything, kausap pa ni Yvette ang teacher ng anak pero ng tignan na niya ang selpon ay naputol na ang tawag. Pero mayroon iyong isang mensahe na isang minuto pa lang ang nakalilipas mula ng masend. At dahil nakalock iyon ay ginamit ni Michelle ang daliri ni Yvette para ma-unlock ang selpon at ng mabasa na rin niya at malaman kung ano ang nangyari. At anong gulat at panlalaki ng mga mata niya ng maintindihan ang nangyari. It was a text message from Teacher Sai. After Teacher Sai heard the exclaimed of Yvette when she let go of the phone and the ruckus it created on Yvette’s side, siya na mismo ang pumutol ng tawag dahil hindi naman iyon naputol matapos mahulog ang selpon. With a calmer phase, Teacher Sai type all the words she wanted to said to Yvette and the other important information needed like the name of the hospital were Yvonne was brought. Her room number and the room floor. Teacher Sai stared at the empty room, spacing out after she send the message. She remembered the horror she felt when she spotted her favorite student lying unconscious on the floor. Umalis lang siya para ikuha ng maiinom ang bata dahil napansin niya ang pamumutla nito. Akala niya ay dahil lang iyon sa lamig pero hindi niya malaman kung bakit bigla na lang nawalan ng malay ang bata. Speaking of bata, muli niyang naalala na siya pala ang pansamantalang guardian na nakalista ng kuhanin ng ambulansya si Yvonne. Nagmamadaling napatakbo na lang si Teacher Sai papalabas ng kwarto at tinungo ang kotse. She drove all the way to the hospital where Yvonne was admitted, nervous for the little kid. “Yvette! Come on my friend, this is not the right time for you to space out like this! Your daughter is in danger!” may pagyugyog pa sa magkabilang balikat ni Yvette si Michelle para lang magising sa pagkakatulala at pagkawala sa sarili si Yvette. Sasampalin na sana ni Michelle sa pisngi si Yvette ng sa wakas ay mukhang nagising na rin ito. Parang binuhusan ng malamig na tubig ay namumutlang mabilis na napatayo si Yvette mula sa pagkakasalampak niya sa semento. “A-ang anak ko . . .” nanginginig ang mga labing parang wala pa rin sa sariling bulong ni Yvette bago mabilis na nilingon si Michelle, pero hindi na niya ito makita sa dapat ay kinatatayuan nito. “Here, my friend!” Michelle called out na agad ding nilingon ni Yvette. “I guess you’ll need a ride, so hop in Yvette. I’ll make it a short ride,” nakangiti pang sabi ni Michelle habang nakatayo sa tabi nang nakabukas na pinto ng sariling kotse. Maliit na napangiting tinignan ni Yvette si Michelle as a sign of her gratitude before running towards the car. Mabilis ding lumipat sa may driver seat si Michelle at halos magkasabay na naisara nila ang magkabilang pinto ng kotse. “Fasten your seatbelt, Yvette. This will be a bit hard since we have an emergency,” paalala ni Michelle sabay hila ng kambyo ng kotse. At bago pa man makasagot si Yvette ay pinalipad na ni Michelle ang sinasakyang kotse. Nagmamadaling napa-seatbelt tuloy si Yvette habang nakahawak ng mahigpit sa kung ano mang p’wedeng makapitan habang nagsisimulang magdasal sa isip ng Our Father. Kung hindi lang dahil sa pagka-emergency nang dahilan nila para magmaneho ng paspasan si Michelle kahit pa nga nasa loob pa rin sila ng parking, ay ininda na lang ni Yvette ang kaba at takot dahil wala nang mas importante pa ngayon sa kanya at ’yon ay ang makita ang anak na ligtas. to be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD