Irish POV Sunod-sunod at malakas ang katok sa pintuan ang gumising sa akin. Nakatulog kasi ako matapos ang mainit na tagpo sa amin ni Collin. Mabuti na lang at nakapag-damit pa kami kaya mabilis na nabuksan ko ang pintuan. "Ate!" malakas na bungad ng kapatid ko na na si Syril kasama nito ang bunso namin na si Zeus. "Hinaan n'yo boses n'yo at natutulog ang bisita natin," sabi ko sa dalawa dahil nagmana ang mga ito sa Mama namin na tila may megaphone lagi na dala-dala. "Totoo nga ate, nag-asawa ka na," bulalas ni Syril na ang nguso ay nakaturo sa nakadapa at natutulog pa na si Collin. Alam ko na halos wala itong tulog kagabi at maaga pa lang ay ginising ko kaya hinayaan ko itong matulog. "Sandali lalabas ako, hintayin n'yo ako doon at susunod ako," sabi ko dahil tanging ang lumang damit