Irish POV Para akong prinsesa dito sa loob ng silid ni Collin sa loob ng tatlong araw. Hindi ako nito pinalabas ng silid kahit pa gusto ko lang naman na bumaba at makipag-usap kay Ate Mohana. Sobra naman kasi ang pagka-over acting nito na akala mo ay nabalda ako. Pinalipat na rin nito ang ilang damit ko at binilhan na rin ako ng mga bagong damit pantulog na kulang na lang itapon ko sa basurahan dahil masyadong malaswa sa paningin ko. Kung hindi ba naman naka-luwa ang dibdib ko eh talo ko pa ang walang suot na kahit ano sa sobrang iksi at nipis bagay na pinagtatalunan namin ni Collin kaya ang resulta ay suot ko ang t-shirt niya na hanggang tuhod ko na umabot ang haba. Palibhasa malaking tao at matangkad ito kaya mukha akong nakapantulog sa suot ko. Ang ikinakainis ko pa ay dahil ang wa