Irish POV Matapos ang huling tagpo na sinagot-sagot ko si Collin sa basement ay 'yun na rin ang huling beses na nagkita kami. Malimit na nagtatago ako kapag alam ko na nasa malapit at paligid lamang siya. Hangga't maaari ay pinipilit ko na 'wag magtagpo ang landas namin dito sa loob ng mansyon. Mukhang nilukuban ng kaunting bait sa katawan ang lalaking 'yun dahil wala pang masamang ginagawa sa akin. Siguro ay busy ito at walang panahon na pasakitan ako ngayon. Sana lagi na lang siyang busy para parehong tahimik ang mundo namin. "Irish, pwede bang ikaw na ang bahalang maghatid ng mga damit na nilabhan ko sa silid ni Master? Pasensya ka na, kailangan ko kasing tingnan ang mga aso dahil siguradong magagalit na naman si master oras na may makawala sa kanila," pakiusap ni ate Mohana. Okay n