Irish POV Matapos ang almusal at makaalis ng mga kapatid ko para pumasok sa eskwela ay naiwan kami ni Collin na kasama ang Mama at Papa ko. Pinaalala sa amin ng dalawa na kailangan naming maghanda ng maaga at huwag magpapa-late dahil nakakahiya umano sa judge na siyang magkakasal sa amin. Nasa ganon kaming tagpo ng bumungad sa amin ang hindi mapakali at humahangos na tauhan ni Collin. "Any problem?" seryoso na tanong ni Collin dito. "Master, Boss, si Sir Calla po isinugod sa ospital ni Sir Felix," tila takot na takot na sabi nito. Napatayo si Collin at mabilis na lumapit dito. Nabitawan nito ang kamay ko na hawak nito kaya naiwan akong nakasunod ang tingin dito. Lumabas ang dalawa ng pintuan at kita ko kung paano nagdilim ang mukha ni Collin kasabay ng pagkuyom ng kamao. Dinukot nit