Sa gabi na iyon hindi ako makatulog kaka-isip kay kuya. Hindi ako nag malik-mata. Siya talaga yon. Pero sino kaya yong babaeng kasama niya? Girlfriend niya kaya? Kahit kailan hindi ko pa nakikita si kuya na may babaeng pinopormahan o dinadala sa amin at ipinakilala kina papa. Lakwatsero si kuya, maraming barkada at laging nag pa-party. Iyan ang nasisilayan ko sa kanya habang nag co-college ako. Pero nung one time may narinig ako non kina papa at mama. Nag huhugas ako non sa lababo at nasa sofa naman silang dalawa. "Naku iyang anak mo Lourdes may nakakita sa kanya, may kasamang babae sa mall. Maganda raw. Hinalikan pa ito sa noo" Rinig kung saad ni papa "Pabayaan mo nga yang anak mo matanda na yon" Si mama Wala naman akong paki-alam non kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. Pero