"Bakit hindi na pumapasok si Phoebe? Nag balikan ba kayo?" Tanong ko kay Aaron isang araw Naka upo kami sa ilalim ng puno. Vacant hour naming dalawa at napag pasyahan namin na sa may field mag pahinga. "Hindi kami nag balikan. I don't know where she is" Kibit balikat niya. Tumunganga ako sandali. Ano ba talaga ang nangyari sa dalawang' to? Ilang araw ko ding hindi nakita si Phoebe. Nitong nakaraan panay ang hintay ko sa kanya sa last period. Naiintriga kasi ako sa biglaang break nilang dalawa. Hindi ako nang hihimasok. They are my friends, baka may maipapayo ako para magka balikan lang sila. Kasi hindi ko talaga matanggap na ang hinahangaan kung couple ay wala na. Mukhang hindi pa alam ng buong campus ang pag bi-break nilang dalawa. Wala pa naman akung narinig na rumors tungkol don.