Weeks of investigation, wala kaming napapala. there's no traces nor evidences that will help to solve the case. Walang nangyayari, hindi umuusad. Kahit ang hospital ay walang maibigay na lead jung sino ang maaaring gumawa nito. Para bang kahit sila ay kakarampot na kooperasyon lang ang binibigay dahil alam kong inaalagaan nila ang reputasyon at record nila. Hindi ko natiis. Sa galit at frustration ay nagsampa ako ng complaint againts them. They were suspended for a year. But that's not what's going to satisfy me. Hindi ko intensiyon ang mangolekta ng kaaway upang palalain ang sitwasyon. All I want is my child! Ibalik lang siya ng kung sino mang kumuha sa kaniya'y kakalimutan ko ang lahat. Kakalimutan ang galit at puot. Babawiin ko lahat ng complaint ko, I won't send the person to jail.