CHAPTER 3

1925 Words
CHAPTER 3 Six years ago... "Nasisiraan ka na ba, Minerva? Mapapagalitan ka na naman ni Ninong Greg kapag nalaman na hindi ka pa uuwi. Alam mo naman na gusto niyon na diretso ka ng bahay pagkatapos ng klase mo," mahabang litanya ng matalik niyang kaibigan na si Paul Velasquez. Matagal nang kaibigan ni Minerva si Paul. Inaanak ito ng kanyang papa sa binyag kaya naman kilalang-kilala na ito ng pamilya niya. At naging matalik nga silang magkaibigan simula nang sekondarya pa lamang sila. Ilang taon din kasing namalagi ang buong pamilya niya sa ibang bansa dahil sa roon nagtrabaho ang kanyang ama. Hinintay lang nitong matapos ang kontrata sa isang law firm bago nagpasya na bumalik na ng Pilipinas. At sekondarya na siya nang magsimulang mag-aral sa kanilang lugar. Iisang eskwelahan ang pinasukan nilang dalawa ni Paul dahilan para mas maging malapit silang dalawa. Ngayon nga ay nasa kolehiyo pa siya at pinagpapatuloy ang kursong pag-aabogasya, kurso na ang kanyang ama ang pumili. Isang abogado ang kanyang ama na si Gregorio at nais nitong sumunod siya sa yapak nito, bagay na kung iisipin ay hindi niya naman talaga gustong gawin. Iba ang nais niyang kurso ngunit dahil iginiit iyon ng kanyang ama ay wala din siyang nagawa. Si Paul naman ay nakapagtapos na ng kolehiyo. Sa ngayon ay nagsisimula na itong magtrabaho sa kompanya na pag-aari ng sarili nitong pamilya. Sa kabila ng pagiging abala nila sa kanya-kanya nilang buhay ay madalas pa rin kung magkita sila ng binata. Katulad na lamang ng araw na iyon. Pauwi na siya at tapos na ang huling klase niya. Tinawagan niya si Paul at nakiusap na puntahan siya sa unibersidad. Nang makarating ang binata ay saka niya lang sinabi ang bagay na gusto niyang hilingin dito. "C'mon, Paul," saad niya dito. "Ngayon lang talaga. Saka hindi naman ako magtatagal. Uuwi rin ako agad. Gusto ko lang sumama kay Bhelle." "Bakit hindi ka na lang magpaalam kay Ninong Greg?" "And you think he would allow me?" maagap niyang sabi dito. Napasimangot pa siya nang magpatuloy sa kanyang pagsasalita. "Alam mong hindi iyon papayag. I don't understand why papa was overprotective to me. He's acting as if I'm an elementary student. Bahay-eskwelahan lang ako madalas." "Because you're an only child, Minerva. Of course, ninong was just worried for you." "I don't know, Paul," salungat niya pa. "Pakiramdam ko ba ay may laging ikinakatakot ang papa kapag nasa labas ako. Kung posible lang 'ata na manatili lang ako sa bahay ay ginawa na niya." "And now, tatakas ka pa? Alam mong ikagagalit ng ninong kung lalabas ka pa pagkatapos ng klase mo---" "Hindi niya ikakagalit kung alam niyang ikaw ang kasama ko," mabilis niyang awat sa pagsasalita nito. "Paul, please." Isang pabor ang nais niyang hilingin sa binata kaya niya ito tinawagan. Her friend, Bhelle, invited her to their flower shop. Nang mabanggit kasi ng kaibigan niya na isang flower shop ang negosyo ng mga ito ay agad siyang nagpakita ng interes. Hilig din ni Minerva ang mga bulaklak. Katunayan, karamihan sa mga halaman na nasa kanilang hardin ay siya na ang nagtanim. Minana niya ang pagkahilig sa mga bulaklak sa kanyang abuela, ang ina ng kanyang mama. Since then, she has always wanted to have a flower shop someday. Plano niyang magtayo ng ganoon kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. At nang malaman niyang iyon din ang negosyo ng pamilya ng kanyang kaibigan ay agad siyang nagkainteres na puntahan iyon. Gusto niyang malaman ang pasikot-sikot sa pagtayo ng ganoong negosyo. Gusto niyang magkaideya kung paano sisimulan ang mga plano niya. At alam ni Minerva na ang pagnanais niyang sumama kay Bhelle ay hindi magugustuhan ng kanyang ama. Tulad nga ng sabi niya kay Paul ay laging sinisiguro ng kanyang papa na dumiretso siya sa bahay pagkatapos ng kanyang klase. She didn't know why, but she has this feeling that her father was afraid of something. O baka sadya lang talaga itong istrikto pagdating sa kanya kaya ganoon na lang ito kung mag-alala para sa kaligtasan niya. Nag-iisa nga lang siyang anak at babae pa. At upang makapunta sa flower shop nina Bhelle ay nakiusap siya kay Paul na sabihin sa kanyang papa na magkasama sila. She knew very well that her father trusted Paul so much. Hindi ito mag-aalala kung ang binata ang kasama niya. "Okay," wika ni Paul sa sumusukong tinig. "Sasamahan kita sa pagpunta roon pero hindi ngayon. May kailangan akong katagpuin mamaya at hindi kita masasamahan. Sa ibang araw na lang." Minerva rolled her eyes upwardly. "Paul, hindi na ako bata. Kaya kong pumunta roon nang mag-isa. What I'm asking you is to tell my father that we're together, para hindi na siya mag-alala pa." Akmang magbubuka si Paul ng bibig nito upang sumagot pa sana sa kanya nang natanawan na niya si Bhelle na palapit sa kanila. Nasa may harapan na sila ng unibersidad na kanyang pinapasukan at doon nakaparada ang sasakyan ni Paul. "Let's go," aya na sa kanya ni Bhelle. Lumingon pa siyang muli kay Paul at nakita ang hindi pagsang-ayon sa mukha nito. Minerva smiled at him. Alam niya naman na hindi siya nito matatanggihan. "Ililibre kita ng dinner sa weekend, promise," nakangiti niyang sabi sa binata bago agad nang inakay si Bhelle palayo. Pinara na niya ang unang taxi na dumaan sa kanilang harapan at sumakay na roon. Kumaway pa siya kay Paul bago tuluyang makalayo ang kanilang sinakyan. Hindi pa nagtagal ay narating nila ang flower shop nina Bhelle. Ilang minutong biyahe lang iyon mula sa kanilang pinapasukan. Agad siyang inaya ng kanyang kaibigan papasok. Hindi pa maiwasan ni Minerva na igala ang kanyang mga mata sa loob ng establisimiyento nang makapasok sila. Puno ng iba't ibang klase ng bulaklak sa loob. May ilang nakaayos na para sa isang bouquet. Ang ilan naman ay nasa isang maliit na basket at may isang lasong nakapaikot. She can't help but to smile after seeing everything. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang epekto sa kanya ng mga bulaklak. Mayamaya pa ay inaya na siya ni Bhelle palapit sa kinaroroonan ng ina nito. Katatapos lang ng ginang na kausapin ang isang customer na kabibili lamang ng mga bulaklak. Pinakilala siya dito ng kanyang kaibigan at mainit naman siyang kinausap ng matandang babae. Ilang minuto pa ang inilaan nito sa kanya upang kausapin. Ilang impormasyon na rin ang nabahagi sa kanya ng ina ni Bhelle tungkol sa flower shop at kung paano ng mga ito sinimulan ang ganoong negosyo. Hanggang sa may ilang mamimili pa ang dumating at naging abala muli ang ginang. Si Bhelle man din ay tumulong muna sa ina nito sa pag-eestima ng mga bagong dating. Habang abala pa ang mag-ina ay inabala muna ni Minerva ang kanyang sarili sa muling pagtingin-tingin sa mga bulaklak na naroon. Gusto niyang matutunan ang iba't ibang paraan ng pag-aayos ng mga bulaklak. Kapag nagkaroon siya ng sarili niyang flower shop ay nais niyang maging unique ang bawat bouquet na ibebenta niya. She was so engrossed on looking at the flowers displayed on the shop when she heard as the door opened again. Malapit lamang ang pintuan ng shop sa estante kung saan siya naroon. At dahil abala siya sa pagtingin sa mga naka-display roon ay hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin kung sino ang pumasok. It must be another customer of the shop. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtayo ng isang malaking bulto sa kanyang likuran kasabay ng pag-abot nito ng pulumpon ng mga bulaklak na kasalukuyang pinagmamasdan niya. Dahil sa ikinabigla niya ang presensiya nito sa kanyang likuran ay biglang napalingon si Minerva. Bagay iyon na gusto niya pang pagsisihan. She regretted turning around to see who got the flowers that she was staring at. Dahil sa nasa likod niya lang ang taong iyon ay halos magkalapit na ang kanilang mga katawan. At nang lumingon siya ay saktong bahagyang nakayuko pa ang lalaki dahil kakakuha pa lang nito ng mga bulaklak, dahilan iyon para magpantay ang kanilang mga mukha. And to Minerva's horror, her lips slightly touched his lips as she turned around to look at him. Saglit lamang iyon kung iisipin dahil mabilis niyang naiatras ang kanyang mukha nang wari ay may isang bultaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang sistema nang madikit ang kanyang mga labi dito. Dahil sa kabiglaan ay mabilis din niyang naihakbang paatras ang kanyang mga paa ngunit estante na ang nasa likuran niya dahilan para mapasandal na lamang siya roon. "Are you okay?" saad ng lalaki sa baritonong tinig. Mataman itong nakatitig sa kanya nang magsalita. And because they were so close to each other, Minerva was given a chance to stare at his face. The man has a prominent lower jaw and chin. There were also short, stiff hairs growing on the man's face that even added to his prominent look. Napakaseryoso ng ekspresyon ng mukha nito na pakiwari niya ba'y nakakailang pakitunguhan. She opened her mouth to speak but shut it again. She couldn't find the right words to say. She must be overreacting. Kung iisipin ay hindi naman tumagal ang pagdaiti ng mga labi niya sa estranghero. Agad din siyang nakalayo dito. But the mere fact that his lips was the first ever that touched hers, Minerva took it as a big deal. "I'm sorry I didn't mean to startle you. I just wanna get it," lahad pa ng lalaki sa mga bulaklak na hawak na nito. Hindi na siya sumagot pa. Agad na siyang tumalikod at humakbang palapit kina Bhelle na hanggang sa mga oras na iyon ay abala pa rin sa pag-aasikaso ng mga bumibili. Duda pa siya kung nakita ng mga ito ang nangyari sa kanila ng lalaki. Malapit lamang sila sa may pintuan at halos matakpan sila ng iba pang bulaklak na nakalagay sa gitna ng shop. "Bhelle," tawag niya sa atensyon ng kanyang kaibigan. "I-I... I need to go." "Why, Minerva? Hindi pa tayo---" "Babalik na lang siguro ako sa ibang araw. My father texted and I need to be home now," pagdadahilan niya pa dito. Alam niyang kakagatin ni Bhelle ang dahilan niya. Alam nito kung gaano kaistrikto ang kanyang ama. "Okay. Ihahatid na kita sa labas." "Hindi na. I-I mean, I'm fine. Ako na lang," agap niya dito. Magalang din siyang nagpaalam sa ina ng kanyang kaibigan bago tuluyan nang naglakad patungo sa may pintuan. Sa paghakbang niya ay nakasalubong niya pa ang lalaking nakaharap niya kanina. Palapit din ito sa may counter upang marahil ay bayaran ang bibilhin. Hindi niya pa maiwasang saglit na matigilan at pagmasdan ito. There's something on the man's aura that gave her a chill. Hindi niya mawari kung ano. Ang mga titig nito sa kanya ay mistulang nang-aarok at halos makadama pa siya ng pagkailang dahil roon. Hanggang sa mayamaya ay itinuloy na niya ang paglabas mula sa flower shop na kanyang kinaroroonan. Pagkarating sa labas ay saka niya lang pinakawalan ang isang malalim na hininga na kanina niya pa pinipigilan. Naghintay siya ng taxi sa harap ng establisimiyento. Sa hindi malamang dahilan ay waring may nag-uudyok sa kanya na lumingon sa kanyang pinanggalingan. And Minerva wanted to regret again what she did. Nang lumingon kasi siya sa direksyon ng shop ay nahuli niya pang nakatingin din sa kanya ang estranghero. Mula sa salaming dingding ng flower shop ay kitang-kita niya itong nakamasid din sa kanya. She can't even understand why there's something on his stares, something that she can't even give a name. Bakit ganoon na lang ang epekto sa kanya ng lalaking ito gayung ngayon niya lamang ito nakatagpo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD