CHLOE POV.
ISANG milyon, iyon ang halagang kailangan ko upang mabuhay ang aking ama. 7-days lang ang binigay sa akin para sa heart transplant kundi ay mamamatay siya.
-
Si Daddy na lang ang nag-iisa kong pamilya, dahil maliit pa lamang ako ay iniwan na kami ng aking ina at sumama sa ibang lalaki. Kaya naman ay mag-isa lang akong pinalaki at itinaguyod hanggang makapagtapos ng pag-aaral. Ipinadama niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at kahit simple lang ang buhay namin ay masaya kaming dalawa. Subalit ang kasiyahang iyon ay napalitan ng pighati ng idekala ng mga doktor ang tunay niyang kalagayan.
“Chloe, nakikita mo ito?” humahangos na tawag sa akin, ang kaisa isang kababata ko.
“Ano ba yon, Jen?”
“Hindi ba at kailangan mo ng malaking pera?”
“Oo, pero isang linggo lang ang binigay sa akin na palugit ng mga doktor. At sa tingin mo saang kamay ng Diyos ko kukunin ang isang milyon pesos?”
“Kaya nga basahin mo muna kasi ito.” at napipilitan akong abutin ang cellphone niya. Matapos kong pasadahan ng tingin ang nakasulat doon ay natawa pa ako.
“Naniniwala ka diyan ay social media yan? Alam mo Jen, ang mabuti pa ay iwan mo muna ako at mas nadadagdagan ang problema ko.” tumayo ako at akmang hahakbang nang muli niya akong tawagin. Hindi lang yon hinawakan pa ang kamay ko at malakas na hinila.
“Maupo ka nga muna at binabasa ko ito, hindi mo kasi tinapos na basahin eh!”
“Fine!” at bumalik ako sa pagkakaupo ko.
“Huwag kang aalis diyan o kahit gumalaw man lang ay huwag mong gagawin, okay?”
“Oo na! Pero bilisan mo ah.” at sinunod ko ang kagustuhan ni Jen, kulang na lang ay pati paghinga ako ay hindi ko gawin. Ngunit napalingon ako dahil sa sunod sunod na klick na aking narinig. Kinukuhaan niya ako ng litrato na kinasimangot ko.
“Anong ginagawa mo? Saka ako tumayo at nagmartsa paalis. Lalo lang nadadagdagan ang problema ko dahil sa pinaggagawa ni Jen, pumasok ako sa aking silid at nahiga sa ibabaw ng kama. Subalit hindi pa nagtatagal ang aking pagkakahiga ay narinig ko na naman ang malakas niyang boses
“Oh my God! Chloe, bilis magbihis ka dalian mo!” sa akin narinig ay dumapa ako at nagtakip ng ulo gamit ang isang unan. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin ni Jen.
“Ano ba bumangon ka nga riyan! Sinabing bilisan mong magbihis eh!” sabay hila niya sa akin kaya napilitan akong tumayo.
“Ano ba kasi bakit mo ako pinipilit magbihis, saan ba tayo pupunta?”
“Magpaganda ka at may pupuntahan tayo. Nag reply sa akin ang pinadalhan ko ng mga litrato mo”
“Ano? At bakit kailangan kong magpaganda?” tininan ko siya sa mga mata ngunit sa halip ay pinandilatan pa ako.
“Kahit ngayon lang maniwala ka sa akin, kaya kumilos ka at magbihis or else wala na tayong chance upang makakuha ng isang milyon para mapalitan ang puso ng daddy mo!” sa tono ng salita ni Jen ay galit na ito kaya sinunod ko na lang ang utos niya.
“Ako na ang pipili ng isusuot mo, mag make up ka na, pero huwag makapal konti lang.”
“Oo na,” at tinalikuran ko na siya. Naupo ako sa harapan ng salamin at sinimulan mag apply ng make up.
Ilang minuto pa ang lumipas, “ano tapos ka na riyan?... halika na isuot mo na ito at pakibilisan dahil baka ma-traffic pa tayo ay hindi makaabot.”
“Iyan na naman ang ipapasuot mo sa akin?”
“Bakit meron ka pang ibang maayos na damit eh wala naman kundi ito lang?” pagtataray pa niyang sagot sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi isuot ang nangungupas na yatang kulay light pink na summer dress.
“Wow! Siguradong magugustuhan ka doon sa pupuntahan natin.” sa aking narinig ay huminto ako sa paghakbang at lumingon kay Jen.
“.... oh huwag mo akong tingnan ng ganyan, hindi kita ibebenta kung yon ang iniisip mo. pupunta tayo sa Makati, meron doong audition. Kaya halika na at sasakay pa tayo taxi, mahal ang babayaran natin pag inabutan tayo ng traffic.
“Taxi? Alam mong wala nga tayong pera!”
“Hindi ka pwedeng sumakay ng jeep, baka pagdating antin doon ay amoy kang ewan at matunaw ang make up mo.”
“.... saka ako naman ang magbabayad kaya huwag ka ng mag-isip pa ng kung ano riyan. Ang pag aralan mo ay ngumiti ng matamis yong makukuha mo ang attention ng taong pipili sa inyo.” hindi na lang ako umimik at baka makulitan na rin sa akin ang kababata ko. Alam ko naman na ginagawa niya ito upang matulungan ako. Sa halip ay taimtim akong umusal ng panalangin na sana ay may magandang resulta itong pupuntahan namin.
Pagdating namin doon ay kinuha pa ni Jen ang kanyang pressed powder at nilagyan ang nangingintab kong ilong.
“Smile okay?”
“Oo na nga! Ang kulit din eh.” ngunit sa halip na mainis ay nginitian pa ako ng kababata ko. Ngunit pagpasok namin sa loob ay halos mapaatras ako sa dami ng mga babaeng naroon. Hindi lang basta magaganda kundi elegante pa at parang mga modelo. Samantalang ako ay parang isang katulong, may maganda nga na mukha at sexy na katawan ngunit kupas naman ang suot at naka simpleng manipis na sandals lang.
“Chloe, ilagay mo ito sa iyong damit.” numero iyon na merong clip kaya sa dibdib ko nalagay dahil doon lang maaaring ilagay. Hindin nagtagal ay nagsimula na ang pagpasok sa loob, bawat tawag ay sapung babae ang papasok sa loob. Wala akong idea kung anong gagawin doon basta ang sabi ng kababata ko ay ngingiti lang at dapat makuha ko ang attention ng auditioner.
“Number- 89, iyon ang narinig ko. Kaya tumayo na ako sa pila, pagdating namin sa pintuan ay humento kami upang hintayin ang paglabas ng sampung babae. Bigla akong kinabahan lalo pa at naririnig ko sa paligid ang mga bulungan. Merong ibang babae na kung makatingin sa akin ay para akong isang basahan. Meron namang nakataas ang kilay at pailalim tumingin. Nang maglakad na ang mga kasamahan ko papasok ay halos itulak pa ako ng number- 90. Siguro nababagalan sa aking paglalakad. Ngunit nang nasa harapan na kami ng mga tao ay napayuko ako ng isa-isang tingnan kami ng mga naroroon.
“Number- 89, what is your name, Hija?” napatuwid ako ng pagkakatayo ng marinig ang boses ng isang ginang.
“Chloe Santa Clara po, Ma’am.”
“Come with me, Hija?”
“Po?”
“Halika, sumama ka sa akin,” naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at hinila. Kaya napasunod na lang ako papasok sa isang pintuan.
“Maupo ka Chloe, ilang taon ka na?”
“Twenty two years old po, Ma’am.”
“Bakit sumali ka sa audition, anong dahilan mo?” sa aking narinig ay napalunok ako. Bigla kasing naging maautoridad ang boses na kanina lang ang mahinahon.
“S-Sa totoo lang ho, hindi ko ito alam dahil hindi naman po ako mahilig sa social media. Pero ang kababata ko na si Jen, pinilit niya akong sumali sa audition dahil ahm…
“Dahil sa isang milyong pesos?”
“O-Opo, k-kailangan ko ng pera upang m-mabuhay ang aking daddy. Ang sabi ng doktor isang linggo lang po ang ibibigay nila sa akin para sumalilalim sa heart transplant ang aking ama. Iyon po ang totoo, ma’am.”
“Alam mo ba kung anong kapalit ng isang milyong pesos?”
“H-Hindi po, ma’am.” napayuko ako dahil hindi ko na magawang tumingin sa ginang. Pakiradmam ko ay napakababang uri kong babae.
“7-days with my son, kaya mo ba siyang paibigin sa loob lamang ng isang linggo?”
“Po?” sa aking narinig ay napatuwid ako ng upo. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil hindi ko pa naman naranasan magkaroon ng boyfriend.
“Here, the plane ticket, ATM card with 1-milion pesos. Take it or leave it?” sa aking narinig ay napatitig ako sa ATM card at nang akmang magtatatanong pa ako ay wala na doon ang ginang.