Prologue

372 Words
Hinila ni L si Kara palabas ng mall at padaskol na binitiwan. Pilit namang tinatanggal ni Kara ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Ano ba'ng problema mo?" galit na tanong ni Kara kay L na nakatitig lang sa kaniya. Walang emosiyon ang mukha nito kaya mas lalo siyang nababahala. "Why didn't you tell me that we have a son, huh? Akala mo siguro maitatago mo sa 'kin 'to?" nanlilisik ang mga matang wika ng binata. Agad naman na nanatiling nakatingin sa baba si Kara hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Batid niyang galit na galit ito. Halos lumabas na rin ang puso niya sa kaba. "Kukunin ko ang anak ko sa 'yo," pinal na saad ng binata. Agad naman na napatingala si Kara at nanlilisik ang mga matang tiningnan si L. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" she asked frigid. Akala siguro ni L ganoon lang kadali ang lahat. Puno ng sakit at galit na tiningnan niya ang binata. Ayaw man niya manumbat subalit walang karapatan ang binata na kunin ang anak niya. "For f-cks sake, Kara! He is my son at may karapatan akong kunin siya sa 'yo, ba't hindi mo sinabi sa akin na may anak na tayo?" tanong nito. Halata s aboses ang galit at desperasiyon. Naiiyak na sumagot si Kara kay L alam niyang kasalanan niya pero ang anak na lang niya ang meron siya. Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Kung kailangan pang lumuhod siya gagawin niya. "Oo, alam kong may kasalanan ako pero please 'wag mong kunin sa 'kin ang anak ko 'wag ang anak ko please. Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para sa anak ko. Maawa ka 'wag mo siyang kunin sa 'kin," umiiyak na aniya. Agad namang umiwas ng tingin si L, nakaramdam siya ng awa sa babae pero nagagalit siya dahil kung hindi pa niya nabili ang hotel hindi niya malalaman na may anak na siya. Buo na ang desisyon niya kukunin niya at babawi siya sa anak niya. Gagawin niya ang lahat makabawi lamang sa anak niyang nawalay sa kaniya nang matagal. "He is also my son Kara, damn it. Magkita na lang tayo sa korte kung magpupumilit ka," matigas na saad ng binata.  Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD