Darlene's POV
"Opo, ayos lang po ako. Sige po. Opo, opo, tatandaan ko po 'yan. Sige na po, bye," nakangiting sabi ko pa sa kabilang linya. Kalalapag ko lang ulit sa Croatia, ang aking dream land, gala-galore!
Sabik na sabik akong kumukuha ng litrato sa daungan ng barko. Maraming mga turista at noo'y masayang pinupuna ang aking stolen shots, may iilan pang nagpost ng wacky shots at ang ilan nama'y ilag sa pagkuha ko.
Nilakad ko pa ang mataas na hagdan pataas sa sea-sight ng Debrovnik. Ito ang famous spot ng mga turista, since dito mo makikita ang malawak at nag-aanyayang karagatan. Makikita rin dito ang mga nakaparadang yate at mga manlalayag na barko sa kanilang tinatawag na coral park area.
Madali pa akong tumakbo sa gawing likod n'on at kumuha ng mga litrato sa mga malalaking barko. Napansin ko pa ang isang malaking truck ng delivery na may tila buhat-buhat ang mga ito papasok at pinagpapasa-pasahan na isilid sa truck galing sa malaking barko.
"Wow! Hanggang dito may bayanihan rin pala, amazing!" Masaya ko pang zi-noom in ang camera at kinuhanan iyon ng mga stolen shots. Nakangiti pa akong nakatanaw sa screen ng aking DsLr cam bago tuluyang lumayo. May narinig pa akong sumisigaw sa aking gawi at kumakaway.
Oy, kinakawayan nila ako, napaka-welcoming talaga ng mga taga Croatia. Sabi ko pa sa sarili habang ginantihan ko rin sila ng pagkaway at noo'y nagmamadaling tumalikod. Dahil naririnig ko na rin kasi sa likod ko ang pagstop-over ng bus.
Sakto! Sabi pa ng isip ko bago tuluyang nakasakay sa bus at noo'y nilisan ang lugar. Naupo ako sa gawing likuran at noo'y natanaw ko pa ang mga taong nagmamadali sa aking direksyon. Kinawayan pa nila ulit ako. Kaya ako nama'y napakaway na rin sa mga ito.
"Ba-bye!" Nakangiting sambit ko pa sa salamin na sirado. Matapos n'on ay napabuntung-hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata. Tatlong buwan na lang at makakapagtapos na ako sa kinuha kong class dito sa Croatia. Photography and Art Exhibit class iyon. Bilang nag-iisang anak ni daddy Ullysis, ako ang inaasahang mamumuno sa Harrison Modelling Corporation soon, kaya after ko maka-graduate ng business course ay tinahak ko agad ang photography since gusto kong mamuno sa lower base ng kompanya. I wanna make sure to work in the lower ground first.
I am now twenty years old at heto nga't napadpad sa magandang lugar ng Croatia, take note, nang mag-isa.
Ito ang pinakaunang pagkakataon na magta-travel ako sa malayong lugar. Nakapag-travel na naman ako sa ibang bansa pero hindi gaya dito na mag e-stay ako for three straight months.
Napabuntong-hininga pa ako nang makita ang mga colored roof ng bayan na animo'y nagpapakulay sa malawak na tanawin sa taas.
"Ah! Here I come Croatia!" Nakangiting sambit ko sa kawalan. Hanggang napahinto ang bus at muntikan na akong mapasubsob sa bakal na railings ng upuan.
"Aray ko po!" Sambit ko habang inaayos ang aking suot na bonnet. May kung sino pang tumabi sa akin na naka grey T-shirt at naka sweatpants din na kakulay sa suot na pangtaas nito. Habang dala dala ang handbag sa kabila nitong kamay. Parang galing lang ito sa gym.
Kapansin-pansin kasi ang mga pawis nito sa balikat at sa buhok. Naka-shades ito ng kulay bronze na nakapagpako sa aking paningin. He is a great package of yummyness.
Until he looked at me na naka pagitan ang linyada ng bibig nito. Bahagya ko pang nasipat ang pagtaas ng makapal niyang kilay at napangiti.
Hala! Paktay ka Darlene! Ang ingot ng mukha mo ngayon! Satsat ng utak ko bago ako umayos ng upo.
Sino ba kasing pormal na dalaga ang magpapa-cute habang nakanganga, kulang na.lang ay may laway na tumulo roon. Itinikom ko pa ang bibig at tumukhim. Napa-straight-forward ako sa harapan ng tingin na parang nagpapasimpleng pakanta-kanta na parang ewan.
"Filipino?" Himig ng lalaking putok-muscle na iyon. Napalingon pa ako muli at iyon nga'y napangiti na rin dahil nakita ko ang kaniyang makalaglag panty na ngiti. Para akong ewan na noo'y tumango lang.
Totoo, dinaig ko pa ang babaeng may sayad. Nilahad pa niya ang kanyang kamay at nagsalita.
"Flinn."
Inabot ko naman iyon at noo'y nakadaupang-palad ko pa siya. Matagal.
"Ehe! I'm D-darlene," pakyut kong sambit sakaniya na may pabebeng ngiti. Napangiti pa lalo ito dahilan sa aking kagagahan.
"Darlene, sounds like darling." Sabi pa niya na ikinatambol ng butas ng ilong ko.
Hala! 'Bat ang sexy niya magsalita? Parang announcer ng radyo ang boses niya na may malalim at malamig na tono 'yong parang nakakapagpatulog ng gaya kong hibang na nilalang.
"My hands..." Sabi pa niya na ikinakislot ko. Paktay again! Eh kasi ba naman, nakalimutan kong kanina ko pala hawak ang kamay niya.
Hanggang tumayo na ito at naglakad ng walang paalam. Tanging paglingon lang niya sa akin ang kaniyang ginawa at isang makahulugang titig. Ngumiti pa ito bago tuluyang lumabas sa pintuan ng bus.
Naiwan akong nakanganga at tila namatanda sa mga oras na iyon. Napalinga-linga pa ako sa daan nang mapansing kanina pa pala ako lumampas sa aking distinasyon!
"Mama! Para!" Sigaw ko pa sa driver ng bus na ikinalingon ng mga taong nandoon. Nakalimutan ko nga pala wala nga pala ako sa Pilipinas.
Sherlaling ka talaga Darlene! Aning-aning na satsat ko sa sarili.
Matapos makababa ay agad akong naglakad papunta sa destinasyon. I am now heading to my apartment. Hawak ko ang address saka nilinga-linga ang mga nakahilerang numero sa isang subdivision. It is a minimalist studio apartment na nakahilera malapit sa dagat. Elevated ang lugar na iyon, kaya saktong nakikita ko ang ibaba, na mismong karagatan.
Nang makita ang numero ay napangiti ako. My apartment is exactly number 13th, nakasentro ang apartment ko sa South part, kaya maganda ang sunset doon kapag hapon.
Natigilan ako nang mahawakan ang gate knob, dahil nakita ko roon ang nakaipit na papel. Dahan-dahan ko itong kinuha at binasa. Napangiti ako nang makita iyon.
"Dobrodošla, lepotice." Welcome, beautiful. At sa ibaba niyon ay ang pangalan ni papa. This can't be, he knew what is my taste. Oh, how I wish to kiss papa Ullysis now!
I'm so happy!