Nakapikit ang kaniyang mga mata. Ang mabango ngunit mainit na hininga niya ay tumatama sa aking mukha. Naririnig ko rin ang lakas ng kabog ng aking puso habang tinitingnan ang lalaking nasa harapan ko. Ngayon ko lamang kasing napagtanto na kapag malapit pala si Gideon, doon ko naa-appreciate ang kaniyang kaguwapuhan. Binasa ko naman ang aking ibabang labi gamit ang aking dila nang dahan-dahang bumaba ang aking mga mata sa kaniyang labi. Mas healthy ’yong tingnan kaysa sa labi ko. Hindi ko tuloy alam kung tama bang titigan ko ’yon nang matagal dahil parang may nagtutulak sa akin na halikan ang labi niya. “s**t! Wrong timing yata tayo,” bulong ng isang boses. Dahan-dahan namang lumayo si Gideon sa akin at iminulat ang kaniyang mga mata. Mukha tuloy katatapos naming maghalikan dahil sa hi