“Sabay na tayong mag-lunch,” deklara niya matapos tanggalin ang kaniyang reading glasses. Natulos naman ako sa aking kinauupuan nang maintindihan ko ang kaniyang sinabi. Sabay kaming mag-lunch? Bakit naman kailangan sabay pa kami? Gets ko naman na nagpapanggap kami sa harap nang maraming tao pero sana naman ay huwag naman halos araw-araw na kasama ko siya! Kaninang umaga pa ako rito. Simula nang makapasok siya sa kaniyang office, automatic na iyon. Nasa apat na oras na rin akong nandito at medyo ninenerbyos na talaga ako hindi dahil sa kaniya. Kung hindi sa nararamdaman ko. Kanina pa kasi ako ninenerbyos. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong teenager na nagkakagusto sa kung sino at pilit na pinipigilan ang nararamdaman dahil sa takot na hindi ako ma-crush back. Iwinaksi ko na