Chapter 5

3033 Words
DANICA "So here's the story, I had one night stand with Theo Montes!" pigil na tili ni Chelsea habang andito kami sa coffee shop. Nagyaya sya 4 days after naming magkita kita nun sa bar. At ipinagmamalaki nya na nakaone night stand nya si Theo! Like! Ew! Bakit kailangan mo pang ikwento? Hindi mo ba pwedeng sarilinin na lang yun?! I do make outs pero hindi naman ako umabot pa sa ganyan na nagkayayaan na magpunta sa isang hotel para lang may mangyari. And actually medyo insulting sakin ung nag iwan ng pera? Hindi naman bayarang babae ung ginalaw nya?! "I really thought that the two of you are into a relationship but when he ask me if we can get out of the bar with him! Gosh! It's actually flattering to me," sabi nya habang nakatingin sa taas. Napairap na lang ako! "For you? But for me? It's kinda insulting! Giving you money? Ano ka? Call girl?" pataray na tanong ko kaya sya naman ang nagtaas ng kilay. "Ano ba naman, Cassie?! He also put a note naman beside on that bill, he said na pantaxi ko daw dahil nasa bar ang kotse ko," saad nya at umirap. Di na lang ako nagsalita ulit! Magkikita pa naman kami mamaya nila Kim dahil nagyaya sila na magchill out. But of course, hindi kami sa sobrang ingay na bar dahil ayaw namin na maop si Nicole pag sa bar kami ng mga liberated nagpunta at syempre makikita ko na naman si Theo doon! Umuwi muna ko ng bahay after kong makipagkita dun kila Chelsea dahil maliligo ako at naglalakit ako sa hindi ko alam na dahilan. Nag ayos ako ng sarili bandang alas sais ng gabi at nagpaalam kila Daddy at alam nila pag sila Nicole ang kasama ko, pwedeng hindi ako umuwi ng bahay dahil alam nilang nag ssleep over ako dun. Malaki ang tiwala nila samin nila Nicole dahil nga bata pa lang kami magkakasama na kami at never kaming napahamak pag kasama ang isa't isa. "Halu!" bati ko kila Tala. Saturday ngayon kaya dito ko sila sinundo sa apartment nila Kim. Mukha namang walang pilitang nangyari dahil nakita kong maaliwalas ang mukha ni Nicole na sumasakay sa kotse ko. Si Kim kasi andoon na daw nakasakay sa kotse ni Sir Henry, ganun din naman si Cams. "Mukhang hindi ka pinilit ah!" bati ko kay Nicole. "Ah! Hindi naman. Gusto ko din lumabas," nakangiting sabi nya kaya napangiti din ako. "Buti naman," sabi ko lang kaya natawa sya. Mukhang nasa mood si Nicole. Mukhang pwede kaming magrequest na kumanta sya pag may band sa pupuntahan namin. Di naman nagtagal ang byahe at nakarating na kami sa bar at yes! May band! Makaka pagrequest ako kay Nicole. "Nics! Kanta ka mamaya ah! 2 songs! Please!" lambing ko sa kanya habang nakalingkis ang braso sa kanya. "Oo nga, Nics! With a smile please..." segunda ni Tala na lumingkis din kay Nicole. "Sige! pag pwede," sabi nya kaya naman napabitaw kami at napapalakpak nang mahina tapos sabay namin syang hinila papunta dun sa table kung saan, andoon sila Kim. "Bakit parang ang saya nyo?" tanong ni Kim na katabi ni Sir Henry. Bumeso lang ako sa kanya tapos bumalik sa tabi ni Nicole. "Good mood kasi si Nicole kaya naman wag mong sirain ah! Nagrequest kami dito," sabi ko at pinandilatan pa sya ng mata. "Gaano kagood mood?! Pag nakipaghalikan ba ko dito, hindi nya ko hihilahin palabas at sisipain pauwi?" tanong naman ni Kim habang nakatingin kay Nicole na nakangisi sa kanya. "Hindi naman," umiiling pa na sabi ni Nics. "Kakaladkarin lang kita sa labas tapos itatali kita sa likod ng kotse tapos mag dadrive ako pauwi. Okay yun diba?" habol nya kaya natawa kami nila Camille. "Brutal girl!" sabi ni Tala. Nakarinig din namam ako ng tawanan galing kila Harold na kasama namin dahil sa sinabi nya. "Ah! Good mood nga!" sabi ni Kim sabay kuha ng drinks nya. Told yah! Good mood si Nicole. Kaya bago pa magbago ang isip nya. Tumayo ako at nagpunta sa banda na tutugtog at kinausap sila. They agree naman kaya natuwa ako at nagpasalamat. Nandun pa hiningi ang number ko kaya naman ibinigay ko ung luma kong number ung natapon ko na! "Nics! I already told them our request! They will call you na lang daw!" sabi ko nang makalapit ako sa kanila at alangan pa kong umupo dahil katabi lang naman ako ng lalaking kinaiinisan ko kanina, nandiri tuloy ako bigla. Nakangisi pa sakin ang loko! Mukhang may alam sya na may alam ako. "Ano bang request ang sinabi mo?" tanong ni Kim sakin habang pilit kong pinapausog si Nicole sa upuan sa kabila. "Kakanta sya!" sabi ko at saktong umakyat ung banda at nagpaunang kanta. "Nice!" palakpak bigla ni Keith kaya naman napatingin kami sa kanya. "Wala lang! Naexcite lang ako," sabi nya at biglang yumakap kay Camille na natatawa lang sa reaksyon nya. Napatingin naman ako kay Miggy at tsk! Sabi ko na eh! Malakas ang tama nito sa kaibigan ko na muntikang malalag dahil sa pagpapa usog ko sa kanya. Napakamot na lang sya sa batok nya at ngumiti ng tipid sakin dahil nagpeace sign na ko sa kanya. Naupo na lang sya sa tabi ni Theo at ako na dun sa upuan nya kanina. "For our next song, one of the beautiful lady here approach us earlier. She's requesting if we can accommodate her friend. Sino ba naman kami para tumanggi sa napaka gandang babae. So may we call, Ms. Cassie's friend, Ms. Nicole," nakangiting sabi nung lalaki kaya naman napapalakpak kami! "Ms. Cassie ah!" sabi nya na nakatingin sakin at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti ko lang syang inirapan dahil dun. Naglakad na sya papunta dun dahil nakatingin samin ung mga nasa table. "Cassie ah!" asar sakin nila Kim. "Paki mo!" pairap na sabi ko at humarap sa stage kung saan inabutan ng mic si Nicole at ang ganda ganda ng ngiti sa kanya nung lalaki. Gwapo kaya ung lalaki! "Cassie! Hingin mo number nung vocalist na kausap ni Nicole tas iset up mo! Baka yan na ang forever ni Nicole," saad ni Kim, mag sasalita pa lang ako pero nahinto yun nung nakarinig ako ng tawa galing kay Keith. "Kalma 'tol! Easyhan mo lang ang inum! Kakadating lang natin," pang aasar nya kay Miggy pero minura lang sya nito at madilim ang mukhang tumingin sa stage. Napailing na lang ako at tinuon na ulit ung atensyon ko sa harap. Dahil nag umpisa nang tumipa si Nicole. Nakaupo sya at may hawak na gitara na sa palagay ko gitara yun nung lalaki. "Hi, everyone! I'm here just to grant my friend's request. So hopefully you also enjoy this. Thanks!" bati nya at ngumiti! nakarinig kami ng mga bulungan at syempre di kami nagpatalo, pumalakpak pa kami nila Kim. "They will enjoy this! Ganda kaya ng boses ng bruha!" sabi ni Tala sabay kuha ng camera nya. Napatingin ako sa kanya, sabay hampas! "Gagi! Ready ka!" sabi ko kaya tinawanan lang ako, sabay kindat! "Always!" saad nya at tumayo! Our forever photographer! Dati yang rumaraket sa mga event para maging photographer. Nag umpisa na si Nicole na magstrum at nakatingin lang ako dahil ang sarap sa tenga ng boses at pag gigitara nya! "Para akong isinasayaw ni Nicole sa boses nya," sabi ni Cams kaya napasulyap ako sa kanya at nakita kong nakapikit pa sya. May naramdaman naman akong nakatingin sakin at alam ko kung sino yun! Si Theo! Kaya tinignan ko sya at tama nga ako! Pinagmamasdan nya ko! "Why?" pataray na tanong ko. Natawa lang sya nang mahina sakin tapos lumapit ng unti. "Why do I feel like you are avoiding me?" tanong nya kaya napataas ang kilay ko! "In your dreams, Mr. Montes!" madiing bulong ko sabay tingin ulit sa stage. Nakarinig lang ako ng tawa sa kanya pero hindi ko pinansin. Bwisit pa din kaya ako sa kanya dun sa ginawa nya kay Chelsea! Kahit sabihin pa natin na si Chelsea ang nauna. Hindi naman bayaran na babae yun! Tsk! Tinuon ko na lang ung atensyon ko sa pagkanta ni Nicole dahil nagnext song na sya, pero bago yun sinabi nya muna ung chords dun sa banda. Enchated yung sunod na kinanta nya. Nagtinginan naman kami ni Kim kasi parang may sinasabi ung kanta nya! Shems! "Akala ko ba move on na? Bakit parang hindi?!" hirit bigla ni Tala nang makabalik sya. "Gagi! Lakas ng boses mo!" mariing bulong ko sa kanya. "Move on ah!" mapanghusga naming bungad kay Nicole nang makabalik sya sa pwesto namin. Tinaasan nya lang kami ng kilay. "Problema nyo? Anong move on?" tanong nya samin sabay angat sakin sa upuan nya kanina at inilipat ako ng upuan. "Ung kanta mo?! Waiting pa din, girl?" deretsong sabi ni Kim. Natawa naman sya ng mahina. "Ah! Ung enchated? Hindi naman ako namili nun si Sir Keith," sabi nya kaya napatingin kami kay Keith na nakathumps up kay Nicole. "He message me habang nasa stage. Kaya ayun ung kinanta ko kasi wala rin akong maisip," habol nya. "May inaantay ka?" nakataas na kilay na tanong ni Cams kay Keith. Agad naman na umiling ung isa. "Wala ah! Atska hindi para sakin yun, para kay Miggy yun!" sabi nya kaya naman sabay sabay kaming napatingin sa pwesto ni Miggy na wala naman dun pwesto nya. Baka nagrest room. Hindi na lang namin inusisa dahil wala lang naman kay Nicole ung pagkanta nya. "Hi Nicole!" sabay sabay kaming napalingon dahil sa biglang nagsalita. Nagkukwentuhan kami dito at nag aasaran nang meron ngang lumapit. Ung band vocalist... Agad akong napatingin kay Kim na nakangisi. Tapos nakarinig ako ng sipol galing sa likod ko. "Ahm.. yes?" tanong ni Nicole, panigurado nakalimutan nya pangalan nito. "Jordan, the vocalist earlier," pakilala naman nung lalaki sa sarili nya. Natawa naman nang awkward si Nicole. "Oww! Sorry, my bad! Hindi kasi ako tandain sa pangalan," puno nang galang na sabi nya. Hindi ka lang talaga interesado, ang sabihin mo! Wala talaga syang balak alamin ung pangalan nung guy. Napalingon naman ako sa pwesto nila Cams dahil nakakaramdam ako ng hindi magadang aura. Black aura to be exact! Nakita ko naman na mga nakatingin sila dun sa lalaki at parang inaalam ang aking intesyon nito. "It's okay, I just wanna ask if you are available for tomorrow? We want to invite you to jam again to us? If it's okay lang naman," magalang na sabi din nung lalaki pero kung ako ang tatanungin, hinaharot nya si Nicole. Nakita ko namang tumingin si Nicole samin at parang nagpapatulong na iaalis sya sa sitwasyon na to. "Ahm! May lakad kasi kami b-" naputol ung sasabihin nya nang magsalita si Kim. "Uy! Wala tayong lakad! Cancel! May lakad kami ni Henry! Sige na. Accept mo na yan! Minsan lang yan!" sabi nya kaya nakita kong ngumiti ung Jordan na nakatingin kay Nicole na nakangiti din. "So... Tomorrow?" tanong nung lalaki. "Sure, wala naman pala kaming lakad," sabi na lang ni Nicole. "So can I have your number para makocontact kita," nakangiti pa din sabi nung lalaki sabay abot ng phone nya kay Nicole. Malaya namang kinuha ni Nicole yun at nagtipa ng number, habang ginagawa nya yun, naagaw ng atensyon naming lahat nang may nagbagsak ng baso sa lamesa tapos mabilis na tumayo at naglakad palabas ng bar. Si Miggy! Inabot na ni Nicole dun sa lalaki ung phone nung Jordan kaya naman nagpasalamat na lang at umalis. "Okay lang po ba si Sir Miggy? Baka po madami ng nainum yun," puno ng pag aalala nyang tanong kila Keith. "Hindi sya okay, pero babalik yun. Magpapahangin lang yun," seryosong sagot ni Keith habang nakatingin sa dinaanan ni Miggy. "Hindi naman po sya magdadrive diba?" tanong pa nito. Concern?! "I mean kasi baka lasing na sya. Bukod sa baka mapahamak sya, baka makapahamak sya," puno ng hugot nyang paliwanag. Oo nga pala... Si Tita Ja na hit and run, kaya ganyan sya pagdriving ang usapan. "Don't worry, hindi yan mag dadrive ng lasing, bukod dun matagal bago malasing yan si Miggy," nakangiting sabi ni Keith. Tumango na lang si Nicole at uminum ng juice nya. Nagtataka siguro kayo bakit nakikita ko bawat kilos ni Nicole. Sorry! Nasa gawi kasi ako ni Nicole nakaharap at hindi ko mabaling sa kabilang gilid dahil naiilang ako sa mga tingin ni Theo. Nag usap pa kami dun nang biglang magsalita si Theo sa likod ko. "So sad... The lady in beside me can't even give at least one glance on me," saad nya kaya napalingon ako sa kanya na nakatitig sakin. "Sa wakas!" madiing sabi nya sabay kuha ng inumin nya at itinapik sa inumin ko. "Baliw ka?" tanong ko sa kanya habang nakangiwi. Nagkibit balikat lang naman sya tapos uminum ng beer nya habang nakatingin sakin tapos kumindat. Hot sana at lakas ng dating kaso nga lang naalala ko na naman ung sinabi ni Chelsea kaya inirapan ko lang sya. "Wait lang! Labas lang kami, hanapin lang namin si Miggy. Di na bumalik eh," paalam ni Keith kaya tumango na lang kami. Tumayo silang dalawa ni Harold Since, Nicole and Tala had their own conversation tungkol sa mga raket ni Tala dati as a photographer. Si Kim naman at Sir Henry may sarili ding mundo. Si Cams nag cr kaya humarap na lang ako kay Theo na nakangisi sakin. "User," mahinang usal nya sakin. "Gagamitin mo lang ako pampalipas oras," biro nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Diba yun din naman yung ginagawa mo sa mga babae mo?" pagtataray ko sa kanya. Bahagya syang natawa sa sinabi ko. "Straight forward ah!" sabi nya bigla nagkibit balikat lang naman ako sa kanya. "Bakit ba galit ka sakin? Wala naman akong ginawa sayo," pag iiba nya ng usapan. "Wala ka namang ginawa sakin pero sa isa sa kilala ko meron," sabi ko habang pinanlalakihan sya ng mata. Pinaningkitan naman nya ko ng mata at parang inaalam kung sino. Kaya sumimangot ako. "I guess you didn't remember who it was," habol ko sabay kuha ng inumin ko. "Sorry, hindi ko naman kasi inaalam ang pangalan nila," mahinang sabi nya pero narinig ko yun! Kaya sinasadyang sinipa ko ung alulod ng binti nya sa ilalim ng upuan. "Aww!" daing nya kaya napunta sa kanya ung atensyon ng iba tapos tumingin sakin, patay malisya lang naman ako. Dun ko lang din napansin na andun na pala sila Miggy na medyo magulo ang buhok! ptcha! bakit ang hot nya dun! crush ko talaga to eh! kung hindi ko lang talaga nakikita na type nya si Nics! naku! landiin ko to! Humarap na lang ako ulit kay Nicole na nakatingin pa din sakin at pinagmamasdan ung reaksyon ko sa mukha kaya nginitian ko lang sya. Nagkatuwaan pa kami dun bago naming napagpasyahang umuwi na. "Sa apartment ka matutulog, Dani?" kalmadong tanong nya sakin kaya tumango ako sabay abot ng susi. "Ikaw na magdrive, tipsy na ko," turan ko kaya naman kinuha nya ung susi sakin. Lahat kami may tama na maliban kay Nicole. "Ikaw, Kim?" tanong nya kay Kim na namumula ang pisngi. "Oo naman yes! Namiss kita katabi eh!" masiglang saad nya sabay yapos kay Nicole na tinulak din sya nang bahagya dahil yan panigurado sa amoy ng alak. "Okay! Pero layo unti, ang sakit sa ilong..." reklamo nya kaya natawa sila Sir Henry sa kanilang dalawa. Nag asaran pa silang dalawa habang natawa naman kami nila Cams. Habang naglalakad muntikan na kong matumba, mabuti na lang may biglang humawak sa braso ko. Pagtingin ko si Miggy. "Careful," mahinahong saad nya na may kasamag pag aalala sa boses kaya ngumiti lang ako. "Thank you," nakangiting pasalamat ko, mgumiti lang din naman sya sakin habang inaalalayan ako. Nakahawak sya sa magkabilang braso ko. "Wala na po ba kayong ibang kaibigan na wala dito? Ung hindi po sana babaero. Bukod din po syempre sa kuya ko," biglang tanong ko sa kanya kaya nakarinig ako ng tawa. "Meron pa pero hindi mo deserve ung mga kaibigan namin na wala dito, mga babaero din yun," natatawang sabi nya kaya nalungkot naman ako at hindi sinasadyang napatanday ako sa kanya patuloy nya lang naman akong inalalayan. "Sayang naman! Kung meron man pong natitira na hindi babaero, pakilala nyo ko! Jojowain ko na agad!" sabi ko habang nakanguso tapos tumingin sa kanya. "Ikaw?! May jowa ka na ba? Baka pwedeng ikaw na lang!" biro ko na sinundan ko pa ng tawa. "Sorry, I'm in love with someone," saad nya at hindi ko man maaninag nang maayos, alam kong nakangiti sya. "Kilala ko po ba tong someone na to?" tanong ko pero tinawanan nya lang ako. Napatingin naman ako sa kabila nang may humawak sa kabila kong braso. "Ako na po dito," maganda ang boses kaya alam kong si Nicole to. "Ikaw! Jowain mo na yung Jordan para naman sumaya ka! Makipagdate ka na dun," sabi ko sa kanya at tinuturo pa sya. Ramdam ko naman na hawak pa ko ni Miggy. "Wala akong idedate. Ano ba?! Hindi ko naman binigay ung number ko, ibang number ung binigay ko," sabi nya kaya hinampas ko sya nang malakas. "Akala ko ba hindi ka lasing?! Bakit nananakit!" rinig kong bulong nya. "Jowa na yun! Naging bato pa!" inis kong sabi sa kanya. At sinubukang lumakad pero muntikan na naman akong matumba, I not that drunk but why I keep on losing my balance?! Bago ko pa maramdaman ung lupa na tumama sa kubg saang parte ng katawan ko, may mga braso na saking humawak. "Let me carry her," rinig kong sabi ng kung sino at naramdaman ko na lang na lumutang na ko sa ere. "You're so interesting, darling. I'm so excited to get along with you, yung hindi mo ko tatarayan," rinig kong sabi ng kung sino. At kilala ko ung boses na yun. "Wag ka munang maging babaero, magiging magkaibigan tayo," sabi ko at ipinikit ung mata ko. Naramdaman ko na lang na nababa na ko sa malambot na upuan ng kotse ko at nakaramdam ako ng halik sa noo ko. "Magiging magkaibigan din tayo, Dani. O baka lagpas pa dun. Good night," paalam nya pero hindi na ko sumagot. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD