We started our day as couple. May training kami at iyon na daw ang huli pero kapag hindi ka pa talaga pasok sa standards nila ay kailangan mong magpatuloy hanggang sa makuha ka ng FGA clan. Pagkarating namin sa HQ ay binati kami ni Clive, naningkit ang mata niya sa kamay ni Zachary na nakahawak sa beywang ko. "Parang iba ang panahon ngayon Zach, kayo na no?" sinabayan niya pa nang ngisi. "Chismoso, secret." Supladong ani Zachary at pumasok na kami sa loob ng training ground. We started our training. Dalawang lalaki ang pinakakalaban sa akin. Masakit ang pangangatawan ko kagabi at hindi pa ako fully recovered pero hindi ko tinantanan ang dalawang lalaking 'yon. I used the secret skill that Zachary taught me. Iyon daw ang gawin kapag marami na ang kalaban mo. Thankfully gumana nga iyon a